EIGHTEEN

2.2K 98 2
                                    

Isang sulyap ang ginawa ko sa harap ng bahay nila Mysty bago ako nag sign of the cross at taimtim na nananalangin. Kung paano ko nagawang makarating ng matiwasay dito sa bahay nila ay hindi ko alam. Busy kasi ako sa pagkakabisa ng kung anong dapat sabihin sa harap ng mga magulang nya habang nasa byahe. Ang mga palad kong pinagsiklop ay nanginginig at pakiramdam ko, basa na dahil sa sobrang diin ng daliri ko doon.

Parang tuloy manliligaw ang datingan ko ngayon when in fact, we will just spend a day, dating each other.

Dating each other.. tangina. Totoo nga talagang may date kami ni Mysty! Hindi parin ako makapaniwala kahit na nandito na ako sa harap ng bahay nila, kabadong-kabado pa.

Kagabi, doon ako natulog sa bahay nila Caine para makapaghanda ng maigi sa date namin ngayon. I even take a note for Do's and Don't na naging dahilan para sabihan ako ng 'baduy' at 'korni' ni Caine. Binato ko nga ng unan sa mukha. Ni hindi ko nga pinatulog kagabi ang pinsan ko na yon para may kausap ako kapag nag'o ovethink ako e.

"Hi po, Good Afternoon." Bati ko sa kasambahay na nagbukas ng gate nila Mysty. Magiliw naman nya akong binati din at dinala sa kanilang receiving area.

Yung bulaklak, naiwan ko sa kotse ni Caine sa sobrang occupied ng utak ko. Tuloy ay grabe ang hiyang nararamdaman ko pag nakita ako ni Mysty na wala man lang dala kahit isa.

"Oh, Hi hija!" Isang ginang ang nagpakita sa akin. Sobrang ganda nya at magaan ang kanyang aura kaya napangiti ako sa kanya agad. Nandoon parin naman ang kaba ko pero kaya ko pa naman umakto ng normal.

"Hello po, Good Afternoon." I smiled widely, showing my complete set of white teeth.

May naiisip na ako kung sino ang ginang na kausap ko. May features sya na katulad ng kay Mysty kaya sure ako na Mommy sya ni Mysty. At dahil doon, mas lalo akong naging kabado at hindi na malaman ang sunod na gagawin matapos syang batiin.

Pinaupo nya ako sa sofa. "You must be Louise?" I remained silent and just nodded at her politely. "You're pretty," hinaplos nya pa ang pisngi ko.

Agad naman akong namula at napalunok. "T-thanks po, Ma'am."

Tumawa ang ginang sa tabi ko. Halatang nasisiyahan sa nakikita nya sa akin. Kung ibang tao at nasa ibang sitwasyon kami ngayon, maiinis ako kasi iisipin kong trip nya lang ako. Pero dahil sya ang nanay ni Mysty, ayos lang kahit ilang oras nyang papulahin ang aking pisngi at tawanan.

"I love your eyes," maya-maya lang, pagtapos nyang tumawa ay iyon agad ang kanyang sinabi. I just smiled shyly at her. I'm not fond of compliments, really. Kaya medyo naiilang ako.

She loves my eyes.. just like her daughter.

"It's like I'm taking in a different universe when I looked at them," she laughed awkwardly while I'm just remained silent. "Mysty, my daughter is right huh?"

Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin doon. Iniisip ko tuloy kung naikekwento ba nya ako sa Mommy nya kaya ganito nalang magsalita ang ginang sa tabi ko.

"And oh, by the way.. you look familiar." Tinuro nya pa ang aking mukha saka tumingala at nag-isip.

"Uhm, I'm actually the daughter of Atty. Obesco," may halong pait ang aking boses pagkabanggit ko ng pangalan ni Daddy.

Until now, we are in a bad terms. I honestly wants us to stay that way. Pakiramdam ko, mawawalan na ng interes sa akin si Daddy kung puro galit na ang nararamdaman nya sa akin.

Admiration is plastered on her face after I said that to her. Iba talaga ang pangalan ni Daddy eh? Hanggang sa magulang ba naman ni Mysty, may epekto din?

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon