TWENTY THREE

1.9K 95 6
                                    

Buong klase sa hapon, madalas kong tingnan si Mysty sa kanyang upuan. Marahil ay nagtataka na sya kung bakit ganito ako makatingin sa kanya ngayon. Kung kanina ay blangkong tingin ang binibigay ko sa kanya, ngayon ay malawak at matamis na ngiti na. Nakita kong kanina pa sya nagtataka sa asta ko maging ang mga kaibigan nya. Halata na din ang pagkailang nya buong oras. Nawala lang ang atensyon ko sa kanya ng ugain ni Caine ang upuan ko.

I shot a dagger look at her and mouthed 'what'. Pero ang bruha, pinandilatan lang ako ng mata. Kaya nagfocus nalang ako sa professor namin sa harap.

Our class ends at agad naman akong lumapit kay Mysty. "You're weird." Bungad nya sa akin.

"Wag kang makikipagdate sa babe mo, ha?"

Tinaasan nya ako ng kilay. Tila ba nagugulat sya sa sinabi ko. Bakit? Pakapalan na ng mukha 'to!

"Babe ka dyan?" Tumawa sya pero agad ding nawala ng may maalala. "I don't know what he's talking about, Louise. Wala talaga kaming pinag-usapan na ganon ni Wayne."

I suddenly smiled after I heard that. Wala palang date? Feelingero pala ang hinayupak! Nagdidiwang na ang sistema ko ng bumalik lang ang diwa ko dahil pinisil ni Mysty ang pisngi ko.

"I thought you're mad." Naglakad na kami palabas ng building. "Don't worry, may aasikasuhin lang ako. After that, manonood ako. Okay?" I nodded at her, not taking my glance off to her.

"W-what?" Mysty asked me. I just stared at her for a moment. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa magandang mukha nya. Ganda kasi e. Ay. "May sasabihin ka ba, Louise?"

Ngayong gabi, aamin na ako sayo Mysty.

Hindi ko na patatagalin pa. I need to tell her about this damn feelings of me. Bahala na sa mga susunod na mangyayari. Kung positive man ang kalabasan, edi magdiwang. Pero kung kabaligtaran nun, edi pasagasa nako. Char.

Umiling nalang ako saka ngumiti. "Let's grab some food after my practice. Is that okay, Mysty?"

"Yeah, sure!" Bakas ang tuwa sa kanyang mukha kaya pati ako ay natuwa na din.

Hinihingal na dumating ako sa court dahil dalawang minuto nalang, male'late na ako! Nakita ko si Sam na pinagtatawanan ang itsura ko. Bukod sa hinihingal ako, tagaktak nadin kasi ang pawis sa buong mukha ko.

"Takot kang ikutin ng sampung beses tong court no?" Pang-aasar nya sabay bigay ng tubig. Yun kasi ang parusa ni Lisa kapag may na'late sa team.

Nakita ko naman si Lisa na tinanguan lang ako saka ngumiti ng nakakaloko. Dumiretso ako agad sa locker room namin at nagpalit na ng damit. Paglabas ay nagsisimula na silang mag warm up kaya ganon na din ang ginawa ko. Madami na din ang nanunuod sa aming estudyante. Ang iba ay nakukuha pang magcheer sa kani-kanilang iniidolo. Pero mas marami ang kay Lisa at Samantha.

Ako? Meron din naman kaso lang, mas okay na sa akin yung cheer ni Mysty. Ay, Landi.

Kalahating minuto na ang lumipas nang dumating si Mysty. Maraming bumati sa kanya since sya nga ang President ng Student Council. Kumaway ako sa kanya ng magtama ang mga mata namin at ganon din ang ginawa nya sa akin.

"Haharot," Lisa smacked my arm. I just rolled my eyes at her.

Natapos ang practice namin kaya nagmadali akong nagshower at nagpalit na ng damit. Tinukso pa ako ng ng grupo pero tinawanan ko lang sila. Kung si Joy, nangunguna sa barkada. Dito naman sa kagrupo ko sa volleyball, si Samantha naman ang nangunguna.

"Sorry! Nainip kaba?" Bungad ko kay Mysty na nasa labas na ng gym.

"Hindi naman." Ngumiti sya sa akin. "San pala tayo?"

Missing PieceWhere stories live. Discover now