FORTY TWO

1.7K 61 2
                                    

Mula sa bintana, pumasok ang sinag ng araw at natapat iyon sa aking mukha na naging dahilan para unti-unti kong maimulat ang mata ko. Marahan kong inayos ang buhok ko bago tamad na tamad na umupo. Naghikab pa ako at nag-inat ng biglang bumukas ang pinto sa gilid ko at niluwa doon ang isang magandang babae na naka'bath robe. Naiwan tuloy ang mga kamay ko na nakataas sa ere dahil sa pag-iinat ko at napa'awang din ang aking bibig sa sobrang gulat.

"You're finally awake," she said.

Doon lang tuluyang nagising ang diwa ko. Nataranta akong kumilos agad. Nagkanda buhol-buhol pa ang paa ko sa kumot na naging dahilan para matisod ako doon at malaglag sa kama.

"Aww shit," mahinang usal ko. Ang pwet ko!

Narinig ko ang pagtawa ng babaeng kasama ko. Sinipat ko sya ng tingin at nanlaki ang mga mata ko ng maabutan kong nakataas ang isang paa nya sa upuan at may hawak na lotion sa isang kamay. Shet, ang haba at puti ng legs nya! Bahagya pa akong namula pero kahit na ganon, hindi ko maialis ang tingin ko doon. Nakabawi lang ako ng marinig ko nanaman ang tawa nya. Mas malakas na kumpara kanina.

"You made my day!" Tawa parin sya ng tawa sa akin. Nakalimutan na nya nga yata kung ano ang gagawin nya ngayon e.

Tumayo ako at patakbong nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili. Medyo napaigik pa nga ako dahil ramdam ko ang sakit ng pwet ko mula sa pagkakapagsak. Nakakahiya! Hindi ako katulad nyang woke up like this ang ganda nya 'no! Pag ako kasi bagong gising parang sumabak sa gyera sa sobrang gulo ng itsura ko.

So, dito ako natulog? "Hangover," mahina kong usal. Pilit kong inaalala kung anong nangyari kagabi. Ang huling pagkakaalam ko lang, sumayaw kami ni George sa dance floor.. tangina. Napasapo ako sa aking ulo. Sumayaw ako sa dance floor?!

"Oh God, why did I let myself get drunk?!"

Paglabas ko, may kausap na sya sa phone at nakabihis na. Narinig ko pa na medyo natawa sya. Saka ko lang napansin ang phone na hawak nya pagharap nya sa akin.

"Oh, nandito na sya. Hatid ko nalang sya dyan bye," pinatay nya ang tawag saka nya inabot sa akin ang phone ko. Sino kausap nya?

"Let's go," nauna na syang lumabas ng cabin kaya tahimik akong sumunod.

Pumasok kami sa isang cafe. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala nya ako sa table kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nakita ko pang napatayo si Brea at kinawayan kami ni George kaya pati tuloy ang iba ay napatingin na sa gawi namin. Pinilit kong wag tingnan ang pwesto kung nasaan si Mysty. Baka kasi magbreakdown nanaman ako sa kanya pag nagtama ang paningin namin at maalala ang nangyari kagabi.

"Oh my God!" Singhap ni Eli. "Georgina Santillian?!" Nakakunot ang noo kong tumingin kay Eli. Para syang bulate ngayon na binudburan ng asin sa totoo lang.

"The one and only," sagot naman ng kasama ko.

Doon na tumili si Eli tapos sinabayan pa ni Brea. Napatakip tuloy ako sa tenga. Kaso isang kamay lang ang natakpan ko dahil nanatiling hawak ni George ang kamay kong isa.

Tiningnan ko naman si Joy, Caine at Joey. They are just smiling at us. Mukhang hindi man lang sila nagulat na may kasama ako ngayon eh?

"Come, eat breakfast with us!" Pag-aaya ni Eli.

"I would love to do that! Thanks!" Sagot ni George. "Dito ka," sabi sa akin ni George saka nya ako hinila sa dalawang bakanteng upuan.

"Woah," narinig kong singhal ni Brea kaya napatingin ako sa kanya. Nang-aasar ang kanyang mga tingin. Hindi iyon sa akin nakatingin kundi sa kamay naming magkahawak ni George. Binawi ko tuloy agad kay George ang kamay ko. Nabigla naman ang kasama ko pero hinayaan nya nalang.

Missing PieceWhere stories live. Discover now