FORTY NINE

1.7K 55 0
                                    

Isang malakas na pagsarado ng pinto ang narinig namin ni Tita sa taas habang abala kaming maghanda ng kakainin namin sa hapunan. Nagkatinginan pa kaming dalawa saglit bago kami nagmamadaling nagtungo papunta sa hagdan. Kaso nga lang, isang galit na galit na si Mysty ang nabungaran namin.

"What the hell is happening now, Mom!"

Nangibabaw ang napakalakas na boses ni Mysty sa buong living room ng bahay. Nagtataka naman kaming lumapit ni Tita sa kanya. Pagkatapos nyang tingnan si Tita ay ako naman ngayon ang pinukulan nya ng masamang tingin.

"Isa kapa," may diin ang kanyang binitawan na salita sa akin. "May kinalaman ka din dito 'no?! May problema na palang nangyayari, tapos ako wala man lang kaalam-alam! Pinagmumukha nyo akong tanga lahat!"

"Mysty, it's now what you think, please calm down." Sabi ko, habang pinapakalma sya.

Hahawakan ko na sana ang kamay nya ng biglang may idiniin syang bagay sa dibdib ko. Pagkasalo ko nun ay cellphone ko pala. Agad akong napatingin sa kanya ng may pagtataka. Saka lang nag sink in sa akin kung paanong napunta sa kanya ang phone ko. Naiwan ko pala sa kwarto nya kanina!

"I hate you! I hate you all!" Sigaw nya parin sa amin saka sya pumanhik sa hagdan, pabalik sa kanyang kwarto.

Sumunod naman agad si Tita sa kanya at naiwan akong nakatulala sa sala. Fuck, malaking gulo to!

Umalis ako sa bahay saka nagpunta sa tatay ni Mysty. Alam kong nasa kumpanya sya ngayon kaya doon ako dumiretso.

Naabutan ko syang may kausap sa telepono. Galit na galit pa ito at tila ba hirap na hirap na din sa kanyang sitwasyon. Ang kanyang coat ay nasa lapag na, maging ang kanyang neck tie ay magulo na at wala na ayos.

Napatingin sya sa akin matapos nyang makipag-usap sa tawag. Medyo nagulat pa sya pero napalitan din naman iyon ng pagod na tingin.

"What brought you here?"

Nawala ang kanyang seryosong tindig. Yumuko sya at bahagya nya ding hinihilot ang kanyang sentido na para bang iyon nalang ang natatanging paraan para mawala ang kanyang sakit ng ulo.

"Nalaman na po ni Mysty," Napaangat sya ng tingin sa akin. "I'm sorry Sir kung—"

"It's okay. Malalaman at malalaman nya parin naman sa huli." Ngayon ay napasandal na sya sa kanyang swivel chair.

"Ano na pong balita, Sir? Baka po may maitulong ako sa inyo."

Kahit wala pa man akong maipagmamalaki sa kanya ay gagawin ko ang lahat para lang makatulong kila Mysty. Kahit ano, basta mabawasan lang ang inaalala nila ngayon.

"No, young lady. Sapat na sa akin ang pag-aalaga mo sa anak ko. Maraming salamat," halata ang pagka'sincere nya sa kanyang sinabi.

Kinabukasan ay sakto naman ang unang hearing ng kaso. Kaya kahit labag man sa loob ng magulang ni Mysty na isama sya sa korte ay wala na sila pang nagawa lalo na at binibigyan sila ng malamig na pagtrato ng kanilang anak. Actually pati din sa akin at sa mga barkada. Galit na galit parin sya hanggang ngayon sa ginawa naming paglihim sa kanya.

Nagulat pa kaming lahat dahil nandoon ang magulang ni Wayne. Akala ko pa nga ay pati si Wayne ay nandoon, kasi kung oo baka nagrambulan na kami dito sa korte.

Nakangiti si Mr. Medina sa mga magulang ni Mysty. Kung makangiti parang isang masayang pagtitipon ang mangyayari eh. Sila Tita Gina naman ay blangko lang ang kanilang tingin at hindi man lang ngumingiti sa kaharap. Si Mysty naman ay nakakuyom na ang kanyang kamao at sobrang dilim na ng mukha nya. Hinawakan ko sya sa balikat para pakalmahin pero tinabig nya iyon at ako naman ang tiningnan nya ng masama.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon