FIFTY

1.8K 54 3
                                    

"Tumayo kana, Louise."

Inalalayan ako ni Dad na makatayo at pinaupo nya ako sa couch. Sumunod naman si Louie sa tabi ko habang lumipat naman ang ama namin sa pang isahang upuan.

"Don't do that again, anak."

Nanatili akong nakayuko. Hindi malaman kung ano ba ang dapat sabihin sa mga oras na ito. Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Louie sa likod ko kaya kahit papaano ay nawala pansamantala ang bigat ng loob ko.

"Magmakaawa ka man o hindi, gagawin ko talaga ang gusto mong mangyari," napatingin ako kay Dad na seryoso lang na nakatingin sa akin. "Alam kong mahalaga sayo ang anak ng mag-asawang Aviles. Eto nalang ang naisip kong paraan para makabawi sa lahat ng kasalanan ko sayo, ang maging abogado nila."

"D-dad.." nanghihina kong tugon.

"Ang plano ko sana ay magpunta kay Mark at magpresintang maging abogado nila sa kaso. Ngunit nandito ka at lumuhod pa sa harap ko. Louise, anak wag mo ng ulitin yon. Sa totoo lang, dapat ako pa ang lumuhod sa harap mo para lang manghingi ng tawad mula sayo."

I genuinely smiled at him.. at my Dad. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero maya-maya lang ay may luha ng namumuo doon. Panahon na siguro para pakawalan ko ang nararamdaman kong ito mula sa tatay ko. Marahil ay eto din ang gustong mangyari ni Mommy at ni Levis. Ako lang naman itong nagmamatigas noon.

Huminga ako ng malalim at lumapit kay Daddy. Yinakap ko sya. Naramdaman kong nanigas sya sa kinauupuan nya. "I'm sorry sa lahat, Dad at Pinapatawad na din po kita," sincere kong sinabi sa kanya.

Ang kanyang balikat ay nanginginig na. Naramdaman ko din na niyakap na nya din ako ng mahigpit. Na para bang iyon ang pinakahinahanap nya buong buhay nya. Lumapit na din si Louie at niyakap kami parehas ni Daddy.

"Tama na yan, naiiyak nadin ako eh." Bulong sa aming dalawa ni Louie habang nakayakap parin sa amin.

Naghiwalay tuloy kami at nagtawanan sa huli.

Kinabukasan, maaga palang ay nagpunta na ako ulit sa office ni Dad. Hindi narin ako hinarang ni Ms. Toni. Sya pa nga mismo ang nagbukas ng pintuan ng office ni Dad. Wala na ding inis sa kanyang mukha at nakangiti na nya akong binati.

"Dad," tawag ko sa kanya.

Nakita kong may mga pictures syang tinitingnan at may folder din na nakapatong sa desk nya.

"I've made some investigations, week ago Louise." Bungad nya sa akin habang tinitingnan parin ang pictures. "Heto, tingnan mo."

Nilapag nya ang mga pictures na hawak nya lang kanina kaya dinampot ko iyon at isa-isang tiningnan.

"Paanong?" Gulat kong tanong. "Dad, paano mo nakuha ang mga 'to?"

Ang laman ng pictures na hawak ko ay si Mr. Medina na may kausap ng iba't-ibang tao. Nandoon ang kausap nya si Atty. Alonzo na naging abogado nila Tita Gina sa kaso. Nandoon din ang babaeng tumayong witness sa pagsabog ng minahan. Sa isang picture naman ay may isang lalaki na may hawak na puting sobre at mukhang makapal ang laman nun sa loob habang nakikipag-usap kay Mr. Medina na nakasakay sa kotse.

Wait? Kasama sya sa mga nakaligtas sa pagsabog at nagrereklamo din sa insidenteng nangyari ah?

"Eto naman ang mga files na naglalaman ng mga pangalan ng trabahador nila. At sa lahat ng nakalagay dyan, may isang tao ang hindi nakalista. Here,"

Kasabay ng files ay isang litrato ng lalaki ang pinakita nya ulit sa akin. Katulad kanina ay eto din ang lalaking may hawak ng sobre habang nakikipag-usap kay Mr. Medina.

Missing PieceWhere stories live. Discover now