FIFTY FIVE

2.2K 60 1
                                    


Mysty Shane Aviles

"We've been together for almost a week already. And yes, I cheated on you. So this relationship is now over."

Isang kasinungalingan lahat ng sinabi ko sa kanya nung gabi na talagang kinumpronta na nya ako. Lahat ng yon, kabaligtaran. Hindi pa kami ni Wayne dahil malinaw pa sa akin na kami pa ni Louise. Kaya nga hindi pa ako pumapayag sa gustong mangyari ni Wayne at ni Daddy dahil hindi ko mabitawan si Louise. Hindi ko pa kaya at nag-iipon pa ako ng lakas ng loob. Isipin ko palang na makikipag-hiwalay na ako, para na akong hihimatayin. Pero ngayong nangyayari na nga.. Grabe, gusto kong palakpakan ang sarili dahil nagawa kong sabihin ang lahat ng kasinungalingan sa kanya ng hindi man lang hinihimatay or nanghihina sa harap nya.

Kita ko kung gaano sya nasaktan sa mga sinabi ko. Gusto kong bumigay na din katulad nya pero pinilit kong patatagin ang sarili ko. Kailangan kong gawin ito.. para sa pamilya ko.

"I'm sorry Louise.." mahinang usal ko ng talikuran na nya ako at maglakad na sya palayo.. palayo na sa akin.

Isang gabi. Isang gabi lang ang nangyari pero panghabang-buhay kong dadalhin ang pagsisisi. Hindi ko ginusto to, pero tadhana na mismo ang nagdikta nun sa amin. Kahit na gusto kong bawiin ang mga masasakit na salitang binitawan ko, wala na eh.. huli na. Nasaktan ko na sya at hindi ko na iyon mababawi pa.

Naging kami nga ni Wayne. Pinili kong bitawan si Louise kapalit ng pagbangon muli ng kumpanya namin. Sinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para doon. Masakit syempre. Para na nga akong dinudurog at pakiramdam ko, buhay nga ako pero ang kaloob-looban ko ay namatay na. Mas lalo akong nahihirapan kapag nakikita ko sya sa school. Ang laki ng pinagbago nya na para bang hindi na sya ang dating Louise. Na para bang hindi ko na sya kilala pa. Ang kanyang berdeng mata ay tinakpan na nyang muli ng isang itim na contact lense. Binabago na nya ang sarili nya. Nagawa nya pa ngang manakit ng kapwa nya estudyante na talaga nga namang ikinatakot ko dahil never nyang ginawa iyon sa buong taon na nag-aral sya dito.

"Don't tell me, malapit na kayong umalis?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Lalo na at nalaman kong ilang araw nalang ay aalis na sila sa bansa. Nagbago ba ang schedule ng pag-alis nila dahil sa paghihiwalay namin ni Louise? Parang gusto ko nalang tuloy yakapin sya at bawiin ang mga sinabi ko. I didn't expect this really. Masaya na nga akong nasusulyapan ko nalang sya kahit na hindi ko na sya makausap, kuntento na ako doon. Kaso paano ko magagawa muli yun kung ganitong napaaga na pala ang pag-alis nila?

Sa sobrang occupied ng utak ko, hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa harap ng apartment nya. Hinawakan ko pa ng mahigpit ang rectangular box na nasa kamay ko. Bumili ako ng kwintas bilang huling regalo ko sa kanya bago man lang sya makaalis sa Pinas. Aalis naman na sana talaga ako matapos kong ilapag sa kotse nya ang box kaso nga lang para akong inugat sa kinatatayuan ko dahil sa nakita. Si Louise at si Ysabelle.. naghahalikan na. Sa sobrang sakit nila sa puso at mata, hindi ko na nakayanan pa at patakbong nilisan ang lugar na yon.

Sobrang sakit. Nangibabaw ang panghihinayang sa aking nararamdaman. Hindi ko kinayang makita syang hinahalikan ng iba. Hindi ko kayang isipin na kaya na nyang manghalik sa iba! Bakit ganon? Bakit ganon lang kadali para sa kanyang gawin yun? Samantalang ako, hindi ko hinayaan na gawin sa akin ni Wayne yun. Kahit na nagtangka syang halikan ako noon sa locker room ng school hindi ko sya hinayaan magtagumpay at mabilis ko syang naitulak. Kasi alam kong si Louise ang mahal ko at sa kanya ko lang hahayaan ang sarili kong magpahalik. Sobrang unfair lang talaga ng nangyayari ngayon sa aming dalawa. Sa lahat ng tao, bakit kaming dalawa pa ang nagdudusa ng ganito? Wala naman kaming ginawa kundi ang magmahalan lang naman e.

Missing PieceΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα