TWENTY EIGHT

1.9K 79 4
                                    

Magulo, maingay at naglalakasan na tugtugan ang bumungad sa akin pagpasok ko ng Bar. It's already 10PM at almost two hours na nga akong late para sa celebration ng pagkapanalo namin. Bukod sa wala akong ganang sumipot, hindi ko pa hilig ang ganitong lugar. Mas prefer ko pa nga ang foodtrip kesa sa ganitong klase ng celebration e.

Nakita ko si Via na sobrang wasted na at may kasayaw na lalaki sa dance floor pagdating ko sa table namin. Nasulyapan ko naman si Samantha sa kabilang table na may kahalikang babae. Si Lisa lang ang sa tingin kong medyo hindi pa lasing. Binati ko ang iba ko pang kasamahan pero kahit sila, hindi na nila ako mabati ng maayos. Mga lasing nadin yata.

"Buti dumating kapa," bungad sa akin ni Lisa. Napangiti ako ng alanganin sa kanya.

May hawak syang baso na may laman na alak habang nagmamasid sya sa dance floor. Bumalik na ang kanyang seryosong awra.

"I'm sorry, hindi mo talaga ako mapapapunta sa ganitong bagay pero heto na nga po, sinubukan ko."

Sinamaan nya ako ng tingin bago sya lumapit sa table namin. Pagbalik nya ay may dalawang baso ng alak na syang dala at ibinigay ang isa sa akin. Tiningnan ko lang iyon at pinaglaruan lang. Hindi din ako nagpunta dito para maglasing o uminom. Kung hindi nga lang ako nahihiya sa katabi ko ngayon na syang nagpumilit na magpunta ako dito, hindi talaga ako pupunta e.

"So, you already have a girlfriend." She started to tease me because of that and I can't help it but to smile. "Double celebration." She added.

Tinaas nya ang kanyang baso papunta sa akin kaya nakipag tossed ako sa kanya.

"Thank you," I sincerely smiled at her. Kung hindi dahil sa panggigising nya sa akin mula sa pagiging duwag ko noon, baka hindi mangyayari 'to. Kahit na nga ba nakakainsulto ang ibang sinabi nya doon.

"As long as you're happy, that makes me happy too."

"Hi Louise," may lumapit na isang maputi at matangkad na lalaki. Gwapo din sya at singkit ang kanyang mga mata. Kaso nga lang, hindi ganito ang tipo ko pagdating sa isang lalaki.

"What do you need?" Imbis na ako ang sumagot, ang katabi ko ang gumawa nun. Wala man lang syang kabuhay-buhay na nagsalita sa lalaki. Ni hindi nya nga manlang ito tinapunan ng tingin.

Parang isang nakakatandang kapatid ang datingan nya ngayon para sa akin.

"Lisa Willson," sambit ng lalaki. Bigla akong napataas ng kilay. Hindi lang pala ako ang kilala nito huh? "Do you mind if I take her with me?"

Napaigtad ako sa gulat ng pumulupot ang kamay ng lalaki sa aking bewang. "What the fuck are you doing?" I made sure that my voice was a damn cold para maramdaman nyang hindi ko gusto ang ginagawa nya ngayon.

"Relax," he whispered at me. Bahagya nyang pinisil ang aking bewang kaya hindi na ako nagdalawang isip na sampalin sya.

Napa atras sya ng isang hakbang. Ilang sandali pa ay galit na galit nya akong tiningnan. Napangisi si Lisa sa nasaksihan sa amin. Ngayon ay nasa amin na ang atensyon nya habang umiinom sya sa kanyang baso.

"Fuck you," Isang malutong at madiin kong sinabi sa lalaki. Umalis ang lalaki na may masasamang tingin na pinupukol sa akin.

"I thought you will let him do whatever he wants," she smirked at me while showing how amused she is on what she witnessed earlier.

Ang basong may laman ng alak na kanina ko pa hawak ang pinagdiskitahan ko. Sa sobrang inis ko ay inisahang lagok ko ang laman nun. Ramdam ko ang init na taglay nun sa aking lalamunan.

"That is one of the reasons why I hate this kind of place. I'd rather drink alone at my apartment then doing this kind of shit here,"

The celebration ends at exactly 3AM. Matino pa kaming nakauwi ni Lisa sa aming mga bahay. Bago pa nga kami makauwi, hinatid pa namin ang dalawang magbestfriend na si Sam at Via dahil sobrang lasing na at hindi na nga makatayo man lang.

Missing PieceWhere stories live. Discover now