EIGHT

2.3K 104 1
                                    

Sunday ngayon at abala ako sa pag-iimpake. Ang gulo ng kwarto ko dahil nagkalat ang mga damit at iba pang gamit na dadalhin ko paalis sa bansa. Bukas na kasi ang alis namin papuntang Harvard para mag exam. Isang linggo kami ni Caine mawawala. Ewan ko sa magulang namin kung bakit ganoon katagal. Hindi nalang namin tinanong.

"Ready ka na?"

Kausap ko sa phone si Caine. Katulad ko ay nag-iimpake na din sya ngayon.

"Kelangan ba talagang umuwi ako sa bahay? Hindi ba pwedeng daanan nyo nalang ako dito?"

Pinapauwi kasi ako nila Dad. Magkapit-bahay lang naman kami ni Caine doon. Siguro aksayado sa oras kung susunduin pa ako dito.

"Don't forget your passport."

I mentally rolled my eyes. "Of course, Caine. Hindi naman pwedeng school ID ang dalhin ko diba?"

Natapos ang buong umaga na puro impake lang ang ginawa ko. Kumain muna ako sa apartment bago ako bumyahe papunta sa bahay.

Wala akong naabutan pagdating ko kundi ang mga kasambahay lang. Inasikaso naman nila agad ang dala ko saka ito nilagay sa kwarto. Hindi narin ako nagtagal sa loob dahil lumabas agad ako at nagpunta sa bahay nila Caine.

"Oh! Hi Louise," bati sa akin ni Tita Ciera, Mommy ni Caine.

"Hello po, Tita." Nagmano ako at nakipagbeso sa kanya. "Si Caine po?"

"Nasa kwarto nya. Puntahan mo nalang dun,"

Mukhang tangang Caine naman na nakatulala sa kisame ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Binato ko nga ng napulot kong unan mula sa couch nya. Sapul sya sa mukha kaya masama ang mukhang tumingin sya sa akin.

Humiga din ako sa kama nya at kasama nya ay tinitigan namin parehas ang kisame.

"Joy is straight." Bungad ni Caine sa akin. Actually, hindi naman na ako nagulat pa doon. Inaasahan ko na yun kay Joy. Ang kikay ba namang kumilos.

"Ikaw din naman ah, noon."

"Sa kanya lang naman ako nagkagusto. Pagkatapos nun, wala na akong attraction sa babae. Puro lalaki na,"

"What's the problem ba?" I curiously asked her. Sana ngayon magsabi na sya. Napapansin ko na din kasi lately, nag-iiwasan ang dalawa.

"She's straight nga," tila ba napipikon na sa akin si Caine. "After she kissed me, she said it to my damn face that she is fucking straight."

"So nagkiss nadin pala kayo."

"What? Din? Kayo din?" Nagugulat nyang tanong.

Tumango ako. Naalala ko nanaman ang gabing iyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon sa totoo lang. Pagkatapos nya kasing sabihin na halikan ko daw sya pabalik, hindi ko ginawa. I would never initiate a kiss to her. Kasi kahit na dinadala na nya ako sa ibang dimensyon dahil sa paghalik nya, nasa matino parin naman ang aking pag-iisip. Walang kami. Siguro kung kami na, baka araw-arawin ko syang halikan. Hindi na nya kailangan pang mag 'please'. Pero hindi eh. Walang namamagitan sa amin kundi pure friendship lang.

Missing PieceWhere stories live. Discover now