THIRTY TWO

1.6K 56 0
                                    

Months passed and today, it's our 6th monthsary. I am here at tagaytay, waiting for my girlfriend to come. Actually, she's late for 3 hours already but I'm still here, patiently waiting.

"Do you want something Ma'am?" I rolled my eyes in annoyance. This waiter is asking me that for almost three hours.

"Just water," since kumain ako ng dessert kanina, iyon nalang ang pangatlong beses na hinihingi ko sa kanya sa tuwing magtatanong sya sa akin.

Hindi ko naman sya masisisi kung bakit ganyan sya. Kanina pa ako nandito, nakaupo at tanging cake at tubig lang ang kinain ko. Pero wala akong makitang iritasyon sa mukha nya dahil palagi syang nakangiti at hindi man lang natinag sa pagiging masungit ko.

My phone beep and suddenly, nabuhayan ako ng loob. Baka kasi si Mysty na ang nagtext pero hindi. It's just Caine, asking me if I am still here at the place. I just replied her 'yes'.

Maayos naman kami sa nagdaang araw. Well, hindi mawawala ang away at tampuhan pero nagkakaayos naman kami kinalaunan. Kaso nga lang, ngayon hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa nakakarating si Mysty. Alam nyang may lakad kami ngayon. I even reminded her na dito namin icecelebrate ang monthsary namin kasi iyon ang gusto nya. Pero kita mo nga naman ngayon, walang Mysty na nagpapakita sa loob ng tatlong oras.

Hours passed by, nagsabi na ang waiter na magsasarado na sila. I looked at my wrist watch, it's already 10PM. 4 hours of waiting, still no trace of Mysty at the surroundings. I smiled at the waiter, and handed him a tip and payment for the bill.

Pinili ko na ding bumalik sa Manila dahil may pasok pa ako kinabukasan. Marami na akong ginagawa dahil bukod sa pagpractice sa volleyball, final exams are coming.

Pagkapark ko ng kotse ay dumiretso ako agad ng apartment at doon nagmukmok, uminom at nakatulog.

The next day, Mysty is absent. Hindi ko tuloy sya makausap about sa nangyari. Kahit sa text messages or tawag, unattended sya. Nag-uumpisa na nga akong kabahan eh, pero mabuti nalang sinabi ni Joy na may pinuntahan kasama ang family daw kaya absent. So I settled myself talking to her tomorrow.

Ang dami nilang tanong about sa date daw namin sa tagaytay pero nanatili akong tahimik. Nakita ko sa gilid ng mata ko si Caine na umiiling at seryosong nakatingin sa akin. Panigurado, may kutob syang may nangyaring hindi maganda. Wala naman ako sa hulog para mag explain or ikwento sa kanya ang nangyari. Mas gusto ko munang makausap si Mysty. Ayokong ganito na nanatili ang lungkot, sakit at konting galit sa aking puso at isip.

Dumating hapon, nakita ko na lang ang sarili ko na kasama ang buo kong pamilya at kumakain sa isang mamahaling restaurant. Nag-uumpisa na din ang pangungumpanya ni Dad. So, hindi talaga sya napigilan ni Mommy. Kita ko parin naman ang alinlangan sa mukha nya pero mas pinili nya nalang ding suportahan si Daddy. Tsk, kahit kailan talaga, walang pakundangan tong Tatay ko eh?

"Ate," Louie is seating beside me and he's now poking at my arm to catch my attention.

"What?" I asked him.

"Is that Mysty?" Tinuro nya ang isang table na medyo malayo mula sa amin.

There, nakita ko si Mysty kasama ang kanyang pamilya. Wala sanang problema sa akin na makita sya kasama ang pamilya nya kaso lang, sumulpot si Wayne mag-isa at tumabi pa mismo kay Mysty.

Okay? So, anong meron?

Nagkakatuwaan pa ang mga magulang ni Mysty at Wayne habang ang girlfriend ko ay nanatiling tahimik na kumakain. Mabilis kong kinuha ang phone ko saka nagtipa ng mensahe para sa kanya.

Missing PieceWhere stories live. Discover now