TWO

3.4K 142 7
                                    

Nagluto ako ng adobo para sa hapunan namin ni Caine. Napilitan lang akong magluto ngayon kasi dumating nga sya. Dapat de lata lang ang uulamin ko ngayon e.

"Are you sure, you're not coming?" I rolled my eyes in annoyance because of what I heard. Ilang beses na syang ganyan sa akin e.

"Pumunta kana," yun nalang ang sinabi ko sa kanya. Halata kasi ang kagustuhan nyang pumunta dahil nacu'curious daw sya ngayon doon.

"Ayoko," kinuha nya ang remote saka nilipat ang channel ng TV. "Pupunta ako kung pupunta ka." Dagdag nya.

Ako lang naman kasi ang kaibigan nya sa school. Kaya pag alam nya ang plano ko sa mga ganyang bagay, yun din ang susundin nya. Marami naman ang nakikipag kaibigan kay Caine. Sya lang naman ang may ayaw at mas gustong sa akin dumikit.

Naghain na ako ang pagkain sa hapag. "Kain na," aya ko kay Caine. Agad naman syang sumunod.

"Can I live here?" Out of nowhere nyang tanong. Tinaasan ko sya ng kilay. "What? Parang ang saya lang ng ganito e."

"Wag mo ng balakin. Mahihirapan ka lang lalo na at pinalaki kang spoiled nila Tito."

"Mas masarap ka pang magluto kaysa sa chef namin sa bahay." Sunod-sunod ang subo ni Caine ng kanin at ulam. Sa dami ng sinabi nya sa akin, yan lang ang naging maganda sa pandinig ko.

It's already 8PM at nandito parin kami sa apartment ko. Halos ako na nga lang ang nanonood dahil abala ang kasama ko sa kanyang phone. Minsan nakikita ko pang may video syang pinapanood. Pero madalas, mga picture ang naaabutan kong tinitingnan nya.

"Woah, may fireworks din palang mangyayari doon, Louise."

Pinakita nya sa akin ang isang photo ng student sa school namin. May caption na nakalagay na 'waiting for the fireworks display!' Sinipat ko ng tingin si Caine. Nakangiti sya pero may bakas ng panghihinayang sa mga yon.

"Let's go," aya ko saka ako tumayo. Nagugulat pa syang lumingon sa akin. "Punta na tayo, Caine."

--

Grabe ang dami ng tao sa field. Sobrang lamig pa dahil gabi na rin. Mabuti nalang naka jeans ako at black tshirt. Pinatungan ko din ng denim jacket. Mag-isa lang ako ngayon sa bench dahil bumili si Caine ng cotton candy nya. Dapat pala, kanina pa kami nagpunta. Natutuwa kasi ako sa reaksyon ni Caine e. Para syang naging 6 years old ulit. Naisip ko tuloy na baka hindi pa sya nakakaranas makapunta sa mga park or any places na para sa bata. Maging sa fireworks display, bukambibig nya habang nasa byahe kami.

At dahil gabi na rin at madami ngang tao, hindi na ako nag-abala pang magsuot ng salamin. May extra naman akong salamin sa apartment ko. Wala naman sigurong makakakilala sa akin ngayon dito dahil medyo madilim ang paligid. Tanging mga ilaw lang mula sa stage at ibang stalls ang nagbibigay liwanag sa lugar.

Dunating si Caine may kasunod nga lang na babae. Sya yung babae na kasama nila Mysty kahapon na bumati sa amin. Yung babaeng maikli ang buhok. Nakakapit pa sa braso ni Caine pero ang itsura ng pinsan ko, nakasimangot na. Marahil ay ayaw nyang gumaganon sa kanya ang babae at napipilitan nalang syang magpahawak.

"Hi Louise!" She greeted me. I just nod at her and then looked at Caine. Nakasimangot parin sya hanggang ngayon. This time, tinanggal na nya ang kamay ng babae sa braso nya tsaka sya tumabi sa akin.

Sa akin naman din tumabi ang babae. Bali nasa gitna nila ako. Naguguluhan parin ako hanggang ngayon kung bakit feeling close sa amin ni Caine ang babaeng 'to. Hindi nga namin sya parehas kilala e.

Missing PieceWhere stories live. Discover now