TWENTY NINE

1.9K 78 0
                                    

Final Exams done. We decided to hang out at Eli's place since one whole week naming pinagod ang mga utak namin.

Bukas na din ang event na ilang araw ng inaasikaso ni Mysty at iba pang officers ng Student Council. Actually, ngayon lang talaga kami magkakasama ng matagal ni Mysty dahil nga sa sobrang busy nya about doon, tapos may exam pa. I've been very understanding naman kahit na namimiss ko na syang makasama.

Up until now, our relationship is the hot topic in campus. Maraming sumuporta, meron din naman na mga maarteng nilalang na akala mo, sila ang mga magulang namin para magsalita ng mga negative comments. Pero nanatili kaming dalawang tahimik lang at hindi inintindi ang mga ganong bagay.

"You should eat this," nilapag ni Mysty ang isang salad sa harap ko pagkatapos ay tumabi sya sa akin.

Nasa pool area kami ng bahay nila Eli. Ang iba ay nagsiswimming na. Samantalang kaming dalawa, nakabihis pa at walang balak magbasa.

"Tired?" I asked her. Sinandal nya ang kanyang ulo sa aking balikat. Kaya inakbayan ko sya para maalalayan ang kanyang likod.

"Not really,"

We stayed in silence and enjoy our moment. Kahit siguro isang araw kaming magkasama at walang imikan, masaya parin ako, basta sya lang ang kasama ko. Ganon kalakas ang tama ko sa babaeng katabi ko. Hays. Mabuti nalang, may kanya-kanya ding mundo ang mga kaibigan namin kaya hindi kami ginugulo.

Maya-maya lang, dumating si Eli na may dalang light drinks. Kasunod nito si Joy na may dalang pagkain. Seriously? 5PM palang ng hapon, iinom na kami?

"Oh ano, inuman na!" Sigaw nya sa aming lahat. Nagsi'ahon naman ang mga nasa pool. Nangunguna na doon si Brea.

We enjoyed the night, trying to recall things when we used to be strangers to each other. Nagkabunyagan nadin ng mga secrets ang limang magkakaibigan. Kami lang ni Caine ang hindi nakisali sa pagbunyag na yan.

Mas lalo akong naging tutok sa pakikinig ng tungkol na kay Mysty ang topic. Napaghahalataan talaga ako e.

"She keeps on staring at you everytime na nasa iisang lugar tayo Louise," Joy is now the one who is speaking right now.

Nagsimula ang tuksuhan sa aming dalawa dahil doon. Napatingin pa ako kay Mysty na namumula na at tinatago ang mukha nya sa likod ko. Napangiti tuloy ako. Psh, Cute.

"Ay nako, kaya nga pag nakakasalubong ka namin, pasimple namin syang inaasar!" Ginatungan naman ni Brea.

"Mysty, tell us!" Eli is now looking at Mysty. "Do you find her attractive to the point that you keep staring at her every time we see them?"

"I do find her attractive," sagot ni Mysty agad. Nakatingin sya sa mga mata ko ngayon. My heart beat started to become abnormal. "I am the first one in school who saw the true color of her eyes. I must admit that somehow, I already captivated by that. That's the start of having this feeling that she's something."

Since that day we bumped at each other, she already took my heart. At first, I don't want to admit it. But when every time I see her, being happy and jolly with her friends. I couldn't argue to myself anymore. Napapansin ko nalang na nakangiti na din ako habang pinagmamasdan sya. Doon ko na tinanggap na may gusto na ako kay Mysty. Sinubukan kong ibaon iyon sa limot. Lalo na at nakikita ko kung gaano karami ang nagkakagusto at nagkakandarapa na ligawan sya. Babae man o lalaki, walang pinalagpas ng kagandahan nya. So I settled myself staring at her from a far not planning to let myself near her.

Pero tingnan mo nga naman nangyari. Naniniwala na talaga ako na kapag dapat na mangyari, mangyayari talaga.

"Akala ko talaga, may something sa inyo ni Lisa." Pagkatapos ng mahabang tuksuhan, iyon ang sinabi ni Eli.

Missing PieceWhere stories live. Discover now