FIFTY ONE

1.9K 65 6
                                    

Pagpasok ko palang ng restaurant, nakita ko agad ang sadya ko dito. Halata sa mukha ng matandang lalaki at ni Mysty ang pagiging seryoso habang nag-uusap. Si Wayne naman na nasa tabi ng kanyang ama ay nakangisi lang at nakatitig kay Mysty.

Hindi na ako nakapag-isip pa. Basta na lang nandilim ang paningin ko at mahigpit na kumuyom ang kamao ko habang palapit na ako sa pwesto nila.

"So, it's settled—" naputol ang sasabihin sana ni Mr. Medina ng nakalapit na ako at tinawag ko si Mysty.

Ang kaninang ngisi naman ni Wayne ay napalitan ng isang galit. Wala akong pakialam sa galit nyang yon dahil ang mahalaga sa akin ay mahiwalay ko si Mysty mula sa kanilang mag-ama.

"What are you doing here?" Isang malamig na tanong sa akin ni Mysty.

"Halika na. Hindi ka dapat nagpapakita sa kanila," kalmado ngunit may diin na sinabi ko sa kanya.

"Obesco wag kang bastos, nag-uusap pa kami ng mapapangasawa ko," sabat ni Wayne.

What the fuck? Nagtatanong ang mga tingin na iginawad ko kay Mysty na ngayon ay nakaiwas ng tingin sa akin.

Bumaling ako kay Wayne na ngayon ay bumalik nanaman ang ngisi sa kanyang mukha. "Shut up, you drug user." Malamig na usal ko.

Nakita ko naman kung gaanong nanggigigil na tumayo si Wayne mula sa upuan nya at susugod na sana sa akin ng pigilan sya ng tatay nya. Nagtitigan muna kami ng ilang sandali bago ko hilahin palabas ang natahimik na si Mysty. Nakita ko pa si Brea na nag-aalalang nakatingin sa amin. I mouthed at her 'thank you' na tinanguan nya lang.

Pinasok ko sya sa kotse ko. Mabuti nalang at hindi na sya nagpumiglas pa. Habang binaybay namin ang daan patungo sa bahay nila ay tahimik lang kami. Nananakit na din ang kamay ko sa sobrang higpit kong humawak sa steering wheel. Hanggat maaari ay iniiwasan kong magsalita kay Mysty. Dahil alam kong magtatalo lang kami at sa huli ay mga masasakit na salita nanaman ang matatanggap ko sakanya.

Bumaba agad si Mysty at malakas na sinarado ang pintuan ng kotse paghinto namin sa tapat ng bahay nila. Agad naman akong sumunod hanggang sa living room nila. Naabutan kong tinatanong ng magulang nya si Mysty pero nanatili itong tahimik. Dumapo naman ang tingin nila sa akin pagdating ko.

"Kasama naman pala nya si Louise," tila ba nakahinga ng maluwag si Tita Gina matapos nyang sabihin yun.

"Pwede po ba kaming mag-usap ni Mysty?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Agad naman silang pumayag kaya wala akong pasintabi na hinila nanaman ang kamay ni Mysty papunta sa kwarto nya. This time, nagpupumiglas na sya at pinapalo na nya din ang braso kong nakahawak sa kamay nya.

"Now explain," Bungad ko sa kanya pagpasok namin sa kwarto nya.

"Wala akong dapat na ipaliwanag sayo,"

"Hanggang kailan kaba magmamatigas, Mysty?!" Wala na ang pagtitimpi sa aking boses.

Sa ilang araw ba naman na ganito kami, palagi kong hinahayaan na maging ganyan sya sa akin. Iniintindi ko nalang dahil may pinagdadaanan sya ngayon. Kaso, tao lang din naman ako eh. Napupuno na din at nawawalan din ng pasensya. Alam kong pagsisisihan ko itong pag-uusap ulit namin pero bahala na. Kung ito lang ang paraan para magising sya sa kahibangan nya, gagawin ko.

"Are you out of your mind?! Bakit magpapakasal ka sa lalaking yon?! Sinaktan ka nya! Nakalimutan mo na ba?!"

Napaupo sya sa kama nya, umiiyak na. Gustuhin ko man syang aluhin ngunit hindi ko magawa dahil kahit ako ay umiiyak na din.

"I'm just doing what I need to do! Kung yun lang ang paraan para matapos ang problema namin, gagawin ko!"

"Pwede bang kahit isang beses, piliin mo naman ang sarili mo?! For God's sake Mysty, hindi lang ikaw ang lumalaban dito! Bakit hindi ka man lang magtiwala sa mga magulang mo?! Sa akin? Sa aming barkada mo?! Lahat kami nandito lang sayo, handang tumulong! Wag kang magpaka bayani Mysty!"

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon