♦ FAB: Chapter 39

1.1K 56 6
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Thirty Nine

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

DAHIL sa nangyari, na-suspend ng isang linggo si Osmond kasama ang boys at the back. Malungkot na malungkot si Osmond. Saka na lamang niya nalaman kay LL ang totoong ibig sabihin ng mga salita na pinagsasabi niya noong Linggo ng Wika.

Gusto sana niyang magalit sa tatlo pero hindi naman niya magawa. Sobrang hingi ng pagpapatawad ang mga ito sa kanya. Naisip niya simula nung araw na yun, mas lalo siyang dapat magsumikap matutong magsalita at makaintindi ng tagalog upang hindi na mauulit ang parehong insidente. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling mapapahiya ng ganun.

“Kasi naman mga kuya bakit niyo naman tinuruan ng ganun si kuya Bon,” malungkot na sabi ni LL sa boys at the back. Nasa sala sila ngayon ng pamilya Dela Cruz.

“Hindi naman namin sinasadya yun,” paliwanag ni George. “Nabigla lang kami.”

“Oo nga, kasi hindi namin gustong sabihin kay boss na masamang salita yun at baka makagulo lang sa iniisip niya,” dagdag pa ni Kevin. “Hindi namin inisip na tatandaan niya yun at mas lalong nakagulo sa kanya."

Maya-maya pa may malakas na boses silang narinig na papunta sa kinalalagyan nila.

“Bonifacio, ano tong nabalitaan ko na minura mo ang teacher mo sa harap ng principal at maraming tao!” ang papa nila Bonbon ito. “Hindi mo na ba ko bibigyan ng kahit konting kahihiyan at respeto?!”

Nanggigigil sa galit ang papa nila. Nabigla si Osmond sa paninigaw na ito. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. Ngayon lamang siya sinigawan ng ganito sa buong buhay niya. Kailanman hindi siya tinaasan ng boses ng mga magulang niya sa Amerika.

Marami pa ring sinasabi ang galit na galit na papa nila. Napayuko na lamang si Osmond. Kahit wala siyang maintindihan, tagos sa kanyang puso ang galit ng nasa harapan niya. At pag galit na galit ang papa nila, walang sinuman ang makakapigil dito.

“Wala ka na bang ibang alam dalhin sa pamilya natin kundi perwisyo? Sinasabi ko na nga ba’t hindi ka na dapat pinag-aral pa!” may nakitang libro sa maliit na mesa sa sala ang papa nila at mabilis itong kinuha at binato sa ulo ng nakayukong si Osmond. “BUWISIT KA TALAGA SA BUHAY KO!” Saka ito umalis palayo.

Doon pumatak ang mga luha ni Osmond. Nang sandaling iyon naramdaman niya ang lupit at lungkot ng buhay ng totoong may-ari ng katawan na kinalalagyan niya.

Pagkaalis na pagkaalis ng papa nila ay siya naman ang dating ni Aldo. Walang reaksyon ang mukha nito.

“Sigurado ako kuya Aldo na ikaw ang nagsumbong kay Papa,” sabi ni LL kay Aldo.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now