♦ FAB: Chapter 16

3K 110 37
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Sixteen

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

"ALAM ko na ililibre kita ng paborito ko! Kakain tayo!" masayang sinabi ni Leroy.

Balak na rin sana naming dumiretso ng uwi dahil padilim na rin. Tsaka pwede pa naman namin puntahan sa ibang araw ang Park sabi ni Lorraine.

"Kumain na kami kuya." basag ni Lorraine sa suhesyon ng kapatid nya.

"Hindi ayos lang, gusto ko uli kumain. Nakakagutom rin yung kaninang nangyari!" sabi ko naman. Totoo naman na nagutom agad ako. Mabilis talaga ko magutom. Hindi ko alam na kahit nasa ibang katawan na ako e magkakaron pa rin ako ng ganitong kabilis magutom na pakiramdam. Ayos na rin yun para naman malagyan ko na rin ng laman itong payat na katawan ni Osmond. 

"Ha? Ganun ba? Grabe! Ang takaw-takaw mo na nga. Tapos ang galing galing mo na pala makipaglaban. Kanina nga nakita mo para kang si Jackie Chan sa pelikula nung tinaas mo yung dalawang paa mo sa ere! Ibang-iba ka na talaga Si-" tinignan ko ng masamang tingin si Lorraine ng maramdaman kong hindi ko nagugustuhan yung sobra nyang kadaldalan. Buti na lang mabilis naman nakuha ni Lorraine yung ginawa kong tingin sa kanya at tumigil na sya sa pagdaldal..

Doon rin uli kami sa may CPC bumalik para kumain. Medyo marami-rami ng tao ngayon di gaya kanina. Buti na lang may napwestuhan pa rin kami.

"Pero ang husay mo nga makipag-away. Kasi ang balita ko sa kapatid ko lampa ka nga raw. Sya pa nga raw ang nagtatanggol sayo pag binubully ka sa school." natatawa-tawang kwento ni Leroy.

"Ano ba nangyari sa'yo bakit bigla-bigla kang naging mas malakas? At higit sa lahat, bakit ka nagtatagalog? Ang weird pa rin. Haha! Paano e kahit minsan hindi pa kita narinig na nagtagalog. Isang amerikano na fluent magsalita ng tagalog, ibang klase!" sunod-sunod pang sinabi ni Leroy.

Syempre kinabahan na naman ako. At hindi nakatingin ng diretso sa kanya na kaharap ko pa naman sa lamesa.

Naramdaman ata ni Lorraine na hindi ako makapagsalita kaya sya yung agad sumagot sa kapatid nya. "Alam mo kasi kuya, nabagok ang ulo ni Sir Osmond nung minsan nahulog sya sa pagtulog nya! Ayun siguro naapektuhan yung isang parte ng utak nya! Sikreto lang ito! Huwag mo ipapaalam kahit kanino na nagtatagalog sya lalo na kay mama!"

"Okay, sige sikreto lang! Maaasahan nyo ko!" mabilis pala kausap itong si Leroy. Buti naman at mukhang nakiki-ayon sakin ang mga bagay-bagay. Wew! makakahinga na ko ng maluwag. 

"Dahil tunog pinoy na pinoy ka na! Kailangan mo ng matikman ang exotic food namin sa Pilipinas!" saka nagsabi ng order si Leroy sa isa sa mga tauhan ng restawran na lumapit samin. 

"Ano yun?" tanong ko. Pero mukhang alam na alam ko na kung ano yung oorderin nyang yun.

"Eto kumain ka ng balut!" sabi ni Leroy ng dumating na yung order nya. Tatlong balut. Tig-iisa kami.

"Ano ka ba kuya! Hindi nya yan kayang kainin! Maniwala ka sakin nagdala na si mama nyan dati at kinain nya run sa bahay nila, nakita pa lang ni Sir Osmond na kinakain ni mama halos masuka-suka na sya!" pag-aalala ni Lorraine.

"Ganun? Ano bro, ayaw mo bang tikman? Try mo na ngayon?" pilit pa rin ni Leroy sa akin. "Kasi, ito na ang magpapakumpleto ng pagiging ala-Pinoy mo! Promise, bro, masarap naman to eh!"

Naku, eh paanong hindi ko kakainin yan! Paborito ko rin yan! Pag tumatambay kami ng Boys at the Back at minsan inaabot ng hating gabi hindi kami pwedeng di bumili ng balut kay Mang Tasyo sa may kanto! Miss na miss ko na yang balut! Kaya oo kakainin ko yan ng buong buo!

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now