♦ FAB: Chapter 42

1.2K 53 1
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Forty Two

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

AMERIKA.

***

Ibang klase ang naging unang araw ko bilang si Osmond na estudyante dito sa Carson High School. Kinakabahan ako pero masaya. Mabuti na lang talaga nandyan si Lorraine e. Nakakatuwa kasi pwede ka mamili ng upuan mo sa classroom kaya magkatabi kami lagi ni Lorraine. May iba’t ibang class kaya may iba't iba rin kaming room pero lahat yun ay classmates at seatmates kaming dalawa ni Lorraine. Dahil rin sa kanya, hindi na rin ako kinabahan masyado sa first day.

Wala naman masyadong kumausap sakin pwera lang sa ilang mga mukhang nerd na nakikipagkamustahan sa isang summary raw ng book na wala akong kaalam-alam. Syempre si Lorraine ang sumagip sakin sa usapang yun.

Ang exciting pa dito, may mga kanya-kanya kaming locker. Pwede ako mag-iwan ng gamit ko at damit lalo na pag P.E.

Ang ganda at ang laki ng buong school. Ang linis ng bawat classroom at hindi siksikan. Ang bango ng C.R. Ang lawak ng hallway. Meron pang mga field at facilities sa iba’t ibang sports.

Kaso duduguin talaga ko sa mga nag-uusap na estudyante.

Nandito kami ngayon ni Lorraine sa canteen na ang tawag raw ay cafeteria. Maraming tao at wala ng maupuan ang iba siguro dahil nga first day. Mabuti na lamang at maaga kaming dumiretso dito dahil na rin sa mabilis talaga kong magutom kaya maswerte kaming nakapaghanap ng pwesto.

Susubo na sana ako at kakagat sa sandwich na baon namin ng biglang may sumigaw sa direksyon naming “Hey! That’s our place!”

Dalawang matabang estudyanteng lalaki na mas mataas ng konti sakin ang papunta sa lamesa namin. Isa sa kanila ang sigurado kong sumigaw. Binaba ko muna ang sandwich ko at hinanda ang sarili sa kung ano ang sadya ng dalawang mataba.

“Oopss..  Si Troy at Max yan. Sila kasi ang talagang nakaupo dito. Actually, inangkin na nila ang pwestong to. Mga bully kasi!” sabi ni Lorraine sakin.

Bully lang pala e. Kayang-kaya. Sa isip ko.

“Go! This place isn’t for the two of you! Especially you, nerd!” dinuro ako ng isa sa kanila. Syempre pa hindi ko yun nagustuhan at akmang tatayo ako para bigyan na ng leksyong nararapat ang matabang yun.

Pero pinigilan ako ni Lorraine bago pa ko tuluyang makakilos. “Sir, wag na wag kag magkakamaling saktan yang dalawang yan. Parehong teacher dito ang nanay nila kaya mayayabang yan! At hindi ka pwedeng basta-basta makikipagsuntukan sa mga umaaway sa’yo dito ha!”

Napag-isip isip ako. Tama nga naman si Lorraine, hindi ko na pwedeng dalhin dito ang pagiging Bonbon ko. Na agad agad pumapatol sa away.

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon