♦ FAB: Chapter 20

2.3K 107 26
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Twenty

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

"I am Osmond! Osmond Smith! I live-"


Inawat na siya ng mga nabiglang reporter sa mga pinagsasabi niya. Tinigil na muna ang pag-rolyo ng mga camera. Si Osmond mangiyak-ngiyak. Maraming bulungan sa paligid. Pero wala siyang pinapakinggan. At kahit pakinggan niya, wala rin siyang maiintindihan. 

Sana napanood ng parents niya yung ginawa niyang panawagan. Higit sa lahat, sana maniwala ang mga ito. Pero makikilala kaya siya sa ginawa niyang yun kung hindi man lang siya nakapagbigay ng buong detalye? Nasaan ba kasi siya? Kung hindi siya nagkakamali, iniisip niyang nasa bansa siyang Pilipinas. Base sa lenggwahe at itsura ng mga tao dito, Pilipinas nga marahil ang lugar na ito. Hindi siya pwede magkamali dahil may kilala siyang mga Pilipino. Gaano ba siya kalayo mula sa Carson? Mula sa Amerika? Ang alam niya, 12 hours ang pagitan ng oras ng USA sa Philippines. Ganoon siya kalayo. Dati, Canada na marahil ang pinakamalayong lugar na napuntahan niya. Isang beses lang siya nakapunta run ng sinama siya ng papa niya. Pero buong buhay niya, nakakulong lang siya sa Carson. Sa bahay nila. Sa kwarto niya.

"Please let me speak in front of the camera, please!" pagmamakaawa ni Osmond sa mga taga-media na nakapaligid pa rin sa kanya. Marami pa rin ang mga tao. Yung mga taga-media clueless sa nangyayari. Takang-taka kay Osmond kung bakit ito nagsalita ng ganun. Live news pa naman ang ilan sa mga camera kanina. Ibig sabihin, hindi na mae-edit yung part na nanawagan si Osmond. Pero dahil sa katawan siya ni Bonbon, si Bonbon ang makikita ng lahat ng makakapanood ng balita.

Marami pang sinasabi ang mga reporter sa kanya na wala na talaga siyang balak sagutin dahil mas pinipilit niyang mangyari ang panawagan. Nagugulat siya sa sarili niya. Parang lumakas ang loob niya ngayon. Ang dami niyang nagagawa ngayon na hindi naman niya nagagawa nung siya' nasa orihinal niyang katawan pa. Tumakas. Lumakad mag-isa. Magligtas ng taong nasa panganib. Makipag-usap sa mga kung sino lang na hindi niya kilala. Mga bagay na hinding-hindi ginagawa ng totoong Osmond. Ang totoong Osmond, takot. Hindi niya kaya ang lumakad mag-isa. Hindi niya kaya ang magligtas ng nasa panganib dahil sarili niya mismo ay hindi niya kayang iligtas kapag nasa kamay siya ng disgrasya. Lalong hindi siya nakikipag-usap sa kahit sino. Bilang sa kamay lang ang mga taong nakakausap at pinipili niya lang na kausapin.

Mahina siya. Walang lakas ng loob. Takot sa maraming bagay. Walang kumpiyansa sa sarili.

Siguro nadala lang siya ngayon ng mga pagkakataon. Nagulantang rin lang ang sistema niya dahil bago sa kanya ang lahat ng mga nangyayari ngayon kaya ganito nag-react ang sarili niya. O nakatulong nga kaya ang pakiramdam na wala na siya sa mahinang katawan ni Osmond? Ng sariling katawan?

Kaya sobrang nagulat rin siya bakit naisipan niyang tulungan ang matandang hinostage kanina. Sa isip niya, naramdaman niya lang marahil na tatanga-tanga ang pulis na nakaharap niya at naawa lang talaga siya sa lagay ng matanda.

Speaking of matandang hinostage. Nagulat siya ng nakita niya kung sino yung matandang hinostage. Kausap ito ng mga pulis at iilang tao. Pagkatapos mukhang ma-disppoint ng mga taga-media sa ginawa ni Osmond, dumiretso ang mga ito sa matandang biktima para sana ito naman ang interviewin. Pero nakipag-unahan si Osmond sa mga taga-media. Bago pa may makapagtanong sa matanda, nauna siyang nakapagsalita.

"I know you!" malakas niyang bungad kay lolo.

"You're the old guy in the park! You're the one who gave me that URL and made my life upside down!"

Gulantang na naman ang mga tao sa paligid. Kung pwede lang may isang sumigaw na ano ba ang pinagsasabi ng isang to na nag-iinggles kanina pa pero wala naman kinalaman sa lahat ng nangyaring pangho-hostage at pagliligtas niya? Ang gandang balita na sana nito. Ang gandang scoop na may isang magiting na binatilyo na nagligtas ng matanda. Pero mukhang naguluhan lang marahil ang mga nanonood lalo na ng live news.

Tinignan siya ng matanda. Kinunot nito ang noo. Pagkatapos, binulungan nito ang isang pulis. Dito'y madaling pinaalis ng mga pulis ang lahat ng tao sa paligid lalo na ang mga taga-media. "Pasensya na ho pero gusto raw makausap ng matanda yung batang nagligtas sa kanya ng personalan! Lumayo po muna tayo!"

Sa wakas, makakapag-usap na si lolo at si Osmond na walang mga tao at camera sa paligid.

"My name is  Osmond! Osmond Smith. But I'm not in my body! This isn't really me! Do you remember that we met in the park and you gave me a piece of paper with a URL written on it, don't you? Well, I am not supposed to believe on that but hey, it's happening! I'm in a different body now!" tuloy-tuloy na sinabi ni Osmond.

"I guess, I must've been very lucky that you're the one who's on that body now and is here, for without you my life could be in danger now. Let me first thank you for saving me." may accent rin si Lolo. Pero Pinoy na Pinoy rin ang itsura nito.

"Listen, Mr. Old Man-"

"I got a name boy. Call me Lolo.. Lolo Dollar." putol ni Lolo kay Osmond.

"Fine, Lo- hey what the heck is that word again? low..low? Oh... anyway, lowlow Dollar, I really need to go back to my original body. Real fast!"

"But why? Didn't you wish for that, did you?"

"Uhmm.. y-yeah.. but.. you see, I didn't know it will be like this.. I mean, I'm not in another typical american boy's body. How could I live like this.. so far away from my home? I really regret wishing that stuff. Please take me back to my own body.. take me back to my own life."

"I thought you should have been telling thank you to me now, too. But you know what boy, I have this bad news for you. I cannot do anything to make you back to your body."

"W-what? N-no! how could you say that thing when you know how to make me swap with another body! Please, Lowlow Dollar! I'm begging you!"

Nagpakuha na si Lolo sa mga pulis at nagpatulong na pigilan si Osmond na lumapit pa sa kanya.

Hindi na nagawa pa ni Osmond na pilitin pa si Lolo Dollar. Hindi na niya ito nagawa pang kausapin pa ng mas mahaba. Wala siyang napala. Bakit ganun? Alam nito na makipagpalit siya sa ibang katawan pero hindi raw ang maibalik? Naiwan siya sa park na nag-iisa. Nakaupo na siya sa isa sa mga bench at nakatulala. Wala na ang mga taga-media. Wala na ang mga pulis. Wala na ang mga usisero. At wala na rin si Lolo Dollar. 

Maya-maya pa may narinig siyang sumigaw ng isang pangalan na naging pamilyar na sa kanya simula kaninang paggising niya.

"BONBON! BONBON! TARA NA UWI NA TAYO!" sabi ng boses. Dito'y hindi na niya nagawa pang igalaw ang mga paa.

#LoloDollar

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon