♦ FAB: Chapter 41

1.1K 54 3
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Forty One

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

LUMIPAS ang mga araw na lalong nag-init ang tingin ni Aldo kay Osmond. Lahat ng gawin ni Osmond ay binibigyan agad ng masamang kahulugan ni Aldo. Tignan niya pa lang ito o marinig ang boses, nabubwisit na si Aldo.

Sa totoo lang kung marunong lang si Aldo makipagsuntukan matagal na niyang inupakan si Osmond na iniisip niya pa rin na si Bonbon. Pero dahil nga alam niya kung gaano kalakas at katapang si Bonbon, napipigilan niya ang sarili na sugurin ang kapatid sa pisikal na paraan.

Hindi maipaliwanag ni Aldo ang nararamdaman niyang inis o galit sa kapatid. Pero hindi niya akalain na lalo pa palang madadagdagan ang galit niyang iyon sa matatagpuan niyang isang bagay sa may gilid sa ilalim ng higaan nito. Isang sulat. Yung love letter na ginawa ni Bonbon para kay Claire. Yung love letter na muling nakuha ni Osmond, naibulsa at nadala hanggang sa bahay. Aksidenteng napansin ni Aldo ang sulat na yun ng nawalis ito ni LL sa ilalim ng kama ni Bonbon sa kanilang kwarto.

Madali niya itong kinuha sa sahig bago pa tuluyang mapasakamay at mabuksan ni LL. Ewan pero iba na ang pakiramdam niya pagkakita pa lang ng sa sulat na yun. Pero hindi niya binuksan ang sulat sa harap ni LL. 

Nang mag-isa na siya sa kwarto, doon niya dahan-dahang binuksan ang sulat at tuluyang nabasa ang lahat ng laman nito. Doon niya lang nakumpirma ang pagmamahal ni Bonbon kay Claire. Kay Claire na girlfriend na niya. Kasama sa laman ng sulat ang sinabi ni Bonbon na ang dahilan kung bakit siya nagpipilit magbago at mag-aral mabuti ay si Claire.

Dahil sa mga nabasa niya, kung anu-anong pumasok at nabuo sa isip ni Aldo. Na marahil kasama sa plano ni Osmond ang pagpapakitang gilas sa mga nangyayari at ginagawa nito ngayon.

Hindi na nakakapag-isip pa ng maayos si Aldo at nadala na ng umaapaw na emosyon. Kailangan niyang komprontahin ang kapatid. Hindi siya papayag na agawin ni Bonbon si Claire. Hinintay niya si Osmond sa kanilang kwarto.

Pagpasok na pagpasok ni Osmond sa kanilang kwarto, isang suntok ang sumalubong sa kanang pisngi niya mula sa galit na galit na si Aldo. Ginamit nito pansuntok ang isang kamay habang nanginginig na hawak naman ng isa pang kamay ang sulat na dahilan ng kanyang nag-uumapaw na galit. At wala na siyang pakialam kung labanan man siya pabalik ng kapatid.

“W-what’s you problem?!” tanong ng nagulat at nasaktan na si Osmond habang hawak-hawak ang nagdugong bahagi ng mukha niya dahil sa suntok ni Aldo. Ngayon lang siya nasuntok buong buhay niya. Kahit na maraming bully niya noon ang nagtangkang saktan siya, lagi naman itong napipigilan ni Lorraine. Hindi siya sanay sa ganitong sakit. Napaiyak siya.

“IKAW! Ikaw ang problema! At wag mo kong ini-english dahil bistado na kita Bonbon! Kunwari bigla ka na lang naging magaling pero ang totoo plinano mo ang lahat ng yan para makuha si Claire sakin!”

“I don’t know what you’re talking ab-“

At isang suntok pa uli ang pinakawalan ni Aldo sa mukha ni Osmond. “Ano bakit hindi ka lumaban! Di ba sa suntukan ka lang naman talaga magaling! Sige labanan mo ko! Ipakita mo yung totoong ikaw!”

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon