♦ FAB: Chapter 55

740 21 20
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Fifty Five

=♦=♦=♦=♦=♦=♦



USO pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka... Napakanta tuloy ako kakaisip. Kakaisip kung paano ko haharanahin si Taylor.

Maggi-gitara ko at kakanta? Anong kanta? Tagalog? Di pwede di niya maiintindihan. Anong english na kanta naman ang kakantahin ko? Pero oo nga pala, hindi ako marunong mag-gitara at lalong di ako kumakanta. Sa banyo lang.

Kung maharana ko man si Taylor, matutuwa kaya yun? Alam niya kaya ang ibig sabihin ng harana? Higit sa lahat, mapapatawad nga kaya niya ko? Ang ibig kong sabihin, si Osmond.

Hays, pano kaya to. Nahihirapan na naman akong mag-isip ng plano. Gusto kong humingi ng tulong kay Lorraine. Kaya lang alam kong hindi siya pabor sa desisyon naming ito ni Osmond. Pero kailangan ko talagang himingi ng tulong sa kanya. At alam kong hindi niya ko matitiis.

"Lorraine.." mahinang tawag ko sa kanya habang naglilinis siya ng kwarto. Hindi niya ko pinansin. Di ko alam kung dahil sa mahina ko siyang tinawag o dahil nakukutuban niya na hihingan ko siya ng tulong.

"Lorraine!" nilakasan ko na ang pagtawag ko. Pa-sigaw na nga ata ang nagawa ko.

"Bakit? Maka-sigaw ka naman parang anlayo ko." pagsusungit niya. Tinigil niya ang pagpupunas at hinarap ako.

"Sensya na.. hindi mo kasi narinig yung unang tawag ko sayo e kaya nilakasan ko lang sa pangalawa."

"Dalawa lang naman ang dahilan bakit mo tinatawag pangalan ko." sabay sabi nya sakin. "Una, may problema ka. Pangalawa, may kailangan ka."

"Ikaw naman Lorraine...di naman ganun lagi.. ano lang kasi magpa-"

"Magpapatulong ka sakin kung paano ka mapapatawad ni Taylor?" siya ang nagpatuloy sa dapat na sasabihin ko.

"Wow. Pano mo nalaman? The best ka talaga e! Oo yun nga! Pero may plano na ko, gusto ko sana siyang haranahin. Yung liligawan ko siya."

"Paano mo gagawin yun? Wala kang alam sa mga babae."

"Uy, uy, uy. Hindi ah. Nanligaw na kaya ko!" Kamuntikan na sana kaso di lang natuloy.

"O nanligaw ka na pala e so di mo naman pala kailangan na ng tulong ko." akmang aalis na siya ng kwarto para iwan na ko pero pinigilan ko siya.

"Teka, Lorraine, ikaw naman oh. Syempre alam kong mas magaganda ang idea mo kesa sakin. Kasi, ang totoo niyan, oo na aaminin ko, di ko naman talaga alam kung pano manligaw. Pano manuyo ng babae."

"O sya, Sige. Wag ka mag-alala. Napaghandaan ko na to na lalapit ka sakin about this. And yes, I have this very good plan. Para mapatawad ka ng Taylor na yan." ngumisi si Lorraine habang nakahawak sa baba na halatang may naisip nga na plano.




"OKAY na kaya yung ginawa naten?" tanong ko kay Lorraine. Tatlong araw din kaming naghanda para sa gagawin kong panunuyo o panliligaw kay Taylor para lang mapatawad niya tong si Osmond.

"Oo naman. Kahit ako si Taylor, siguradong magugustuhan ko yan. Magtiwala ka lang." masayang sagot ni Lorraine na halatang bilib sa plano niya.

Di na kami nagsayang ng oras. Si Lorraine ang kumausap sa pamilya ni Taylor. Pinapaliwanag ko kay Lorraine sa pamilya ni Taylor ang lahat-lahat. Ang pagkakaibigan ni Taylor at Osmond hanggang sa pagkikita nila dapat at ang dahilan ng sama ng loob o galit ni Taylor kay Osmond. Nahirapan din magpaliwanag si Taylor lalo na sa parents nila na walang kamalay-malay sa lahat ng ito. Mabuti na lang at mabait ang kuya ni Taylor na si Reagan. Ang totoo, mukhang crush ni Reagan si Lorraine kaya naman madali namin nakasabwat ito para mapapunta si Taylor sa veranda ng second floor ng bahay nila. At dito magsisimula ang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now