♦ FAB: Chapter 11

3.4K 121 24
                                    

=======

Chapter Eleven

=======

"A-ANONG s-sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lorraine sakin. Natigil sila ng kanyang kuya sa mga kinatatayuan nila. Nanlaki ang mga mata at halos mapanganga sa sobrang gulat. Hindi ko lang alam kung ano ang pinaka-ikinagulat nila. Yung nabuko yung kanilang planong pagnanakaw o yung pagsasalita ko ng tagalog.

"Ang sabi ko..." binigyan ko sila ng tig-isang matalim na tingin "mga MAGNANAKAW kayo!" at doo'y lalo pang dumilat ang nanlalaki na nilang mata at lalo rin bumuka ang mga nagngangahang bibig nila.

"Tang ina mo Lorraine! Ang sabi mo hindi yan nakakaintindi ng tagalog! Hayup ka! Bakit nakakapagsalita pa ha!" galit na sinabi ng kuya ni Lorraine sa kanya.

"Tumahimik ka nga kuya! Wag ka na magsalita dahil naiintindihan na nga nya tayo oh!"

"Ito na nga ba sinasabi ko eh! Lagi mo kinakausap ng tagalog! Ayan nagtagalog na rin! Marunong na! Ang tanga tanga mo rin kasi!" hindi pa rin matigil sa pagsasalita yung kapatid ni Lorraine na halatang halata sa boses at sa reaksyon ng mukha ang galit at inis.

"Ano ba kasi kuya sinabi ng tumahimik ka na nga!!!" at mabilis nyang nilapitan yung kuya nya at tinakpan ang bibig nito gamit ang dalawang kamay. Hindi naman nakapalag yung kapatid nya dahil hawak-hawak pa rin nito ang Microwave Oven na dapat sana'y itatakas nila ng bahay.

"S-sir Osmond, I-I can explain! W-we can explain! We're not magnanakaw!" pangiti-ngiti na parang mauutal na sinabi sakin ni Lorraine. "A-and by the way h-how did you know that w-word? D-do you now speak our language? I mean, I never taught you? O-or did somebody do?"

Sa pagkakaintindi ko, nagtataka sya paano ako nakapagtagalog.

"Importante pa ba yun? HA? Hindi isyu dito kung nagtatagalog ako o hindi! Ang isyu dito ay ang pagnanakaw nyo dyan sa dala-dala ng lalaking yan na kapatid mo!" imagine-in nyo na lang yung isang Amerikanong amerikano ang itsura, blonde, maputing maputi, blue eyes, na pinoy na pinoy magsalita ng tagalog. Yun ang dating ko ngayon. At yun rin marahil ang lalong kinamamangha ng dalawang nasa harapan ko.

"WOW! Ibang klase! Pinoy na pinoy ka kung magsalita!" sagot ni Lorraine. Teka, nababasa ba nya yung isip ko? Tinatakpan pa rin ng mga kamay nya yung bibig ng kuya nya.

"Okay, kahit na hindi ko pa rin alam bakit at paano ka nakakapagsalita ng ganyan, sige na SUSUKO na kami!" sabi pa nya uli pero biglang nagpumiglas yung kapatid nya na parang hindi pa rin papatalo at gusto pa rin makuha yung Microwave Oven.

"Hin-UH-di a-UH-ko Pa-UH-UH-pa-ya-UH-G!" pilit na pagsasalita ng kuya ni Lorraine habang pinagsusumikapan pa rin ni Lorraine na wag pagsalitain ang kapatid sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig nito. "Ku-UH-UH-ku-UH-ni-UH-N ko pa rin to!!!" pero nakapagsalita na rin ito ng nagawa ng makawala sa mga kamay ni Lorraine.

"KUKUNIN KO PA RIN TO! at walang makakapigil sakin.." lumapit sakin sa may pintuan yung kuya nya at sinusubukan akong takutin ng mga matalim nyang tingin "Kahit ikaw pa na lampang kano na marunong ng magtagalog!'

"Kaya buksan mo yang pinto at palabasin mo ko dito!" sabay utos at pananakot nya.

"OH TAPOS? Kung hindi ko buksan to?" sagot ko sa tono na wala-akong-pakialam-kung-naninindak-ka. 

FIL-AM BOYSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora