♦ FAB: Chapter 8

3.4K 133 35
                                    

======

Chapter Eight

======

ANG tagal dumating nung mga mokong. Kailangan ko na ng kausap kung hindi baka bigla na lang ako matulala rito mag-isa. Baka tuluyan akong mawala sa tamang pag-iisip!

Nakaupo lang ako sa isa sa mga upuan sa court. Ang dami-dami ng pumapasok sa utak ko.

Ayoko na sana isipin pa uli yung mga nangyari. Gusto ko na makalimot agad-agad! Punong-puno na yung utak kong kakarampot na nga lang raw.

Pagdating na pagdating nila George at Kevin, aayain ko silang bumili ng alak para sakin at mag-iinuman kami! Sabi nila nakakatulong raw ang alak na malimutan ang mga problema eh!

Ang totoo, hindi pa ko nakakatikim ng alak. Hindi nga rin ako nagyoyosi. Sila George lang ang marunong nyan. Wala naman sana akong balak tikman yang alak na yan! Pero kung ito nga lang talaga ang makakatulong sa akin ngayon na maging manhid. Na makatakas. Na makalimot. Na kahit saglit ay maglaho. Lalaklakin ko yan kahit gano pa kasama ang lasa.

Matagal pa kaya yung mga yun? Inip na inip na ko. Ang tahimik dito. Lalo tuloy nakakalungkot! Lalo akong mapapa-isip na mag-drama nito eh.

GUSTO KO NG MAMATAY.

GUSTO KO NA!

Ayoko na sa buhay na to.

Maya-maya, natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa isang posisyon.

Nasa gitna na ako ng basketball court. Nakatayo.

Nakalapag sa tabi ng paanan ko ang isang malaking travelling bag na laman ang mga damit ko.

Sa isang direksyon lang nakapako ang mata kong kanina pa nakatulala. Dun sa ring ng basketball. Kung may makakakita sakin ngayon, maraming maglalaro sa isip nila. Anong nangyari dyan? Bakit nasa gitna yan ng court ng hating gabi? Bakit sya nakatulala? Baliw ba yan o takas sa mental? Baka masamang tao?

Gusto kong sumigaw. Gusto kong manuntok ng pader. Gusto kong magwala. Pero wala akong nagawa ni isa sa mga ito. Tumulo na lang yung luha ko.

Nakatingin pa rin ako sa ring ng basketball. Hindi ako natitinag.

Ito na siguro ang pinakamalungkot na sandali ng buhay ko. Sobrang lungkot.

Bigla'y may pumasok sa isip ko, may naalala ko:

Habang mag-isa kong nakaupo, isang matandang lalaki ang lumapit sakin at tumabi sa aking pagkakaupo. Hindi ko siya kilala.

"Alam mo bang maraming hiwaga sa mundo?" sabay bungad niya sakin.

"Ho?"

"Sa mundo pa lang yan, hindi pa kasama ang buong sansinukob."

"Sansinukob?"

"Sansinukob. Universe."

"Teka ho, sino ba kayo at bakit niyo yan sinasabi sakin?"

"Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako. Pero kung bakit ko to sinasabi, simple lang. Sabihin na nating ako ang makakatulong sayo."

"Anong tulong?"

"May isang lihim akong ibabahagi sayo." Sa pagkakataong ito, hindi ko na sinagot pa ng tanong si lolo. Hinayaan ko na siyang magpatuloy magsalita. Siguro para matapos na rin siya. Pwede rin siguro dahil naging medyo interesado ako.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now