♦ FAB: Chapter 48

694 35 8
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Forty Eight

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦



PILIPINAS.


***


MALAKI ang naging pagbabago ni Aldo simula nung tuluyan ng nakipaghiwalay si Claire sa kanya at ng hindi na siya pinapansin ng babae kahit na magkaklase pa sila. Pakiramdam niya, katapusan na ng mundo. Nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay. Pati sa pag-aaral. Unti-unti'y napapabayaan na rin niya ito.

Hirap na hirap siyang isipin ang dinadala niyang problema. Wala siyang mapagsabihan kahit sino sa mga kapatid niya. Umpisa pa lang, tinago na ni Aldo ang relasyon nila ni Claire dahil alam niyang hindi ito magugustuhan ng papa nila.

Si Claire ang naging lahat sa kanya. Girlfriend. Kaibigan. Hingahan ng lahat ng problema niya. Bukod tanging nagpapasaya sa kanya. Pero paano na ngayon? Kung yung kaisa-isang taong nagpapasaya sayo ay dahilan na ngayon ng sobrang kalungkutan mo.

Napapansin na siya ng mga kapatid niya. Kaya mas lalo niyang nilayo ang sarili sa mga ito. Iniiwasan niya ang mga pwedeng itanong sa kanya. Bakit mukha siya laging malungkot. Bakit parang may problema siya. Bakit mas madalas na lang siyang nakasalampak sa kama at lalong nagkukulong sa kwarto. Bakit halos wala na siyang ganang kumain. Bakit hindi na siya nakikitang nag-rereview. Bakit hindi na siya halos nagsasalita. Bakit siya matamlay.


"Aldo, ayos ka lang ba?" nilapitan siya ng nag-aalalang si Mavz. Sinadya talaga ni Mavz na puntahan si Aldo sa kwarto at naabutan niya itong nakaupo sa kama at nakatingin sa malayo.

Hindi ata siya napansin at narinig ni Aldo kaya inulit niya yung tanong niya at mas malakas pa. "Aldo, ayos ka lang ba?" At saka na siya nilingon nito. Malungkot ang mga mata pero blangko ang mukha.

Walang sagot na narinig si Mavz. Tinabihan na lang niya ang kapatid sa pagkakaupo sa kama. At siya uli ang nagsalita. "Kung may problema ka, andito ako. Andito kami ng mga kapatid mo, pwede mo kaming sabihan."

Nagulat si Mavz nang tiningnan siya ni Aldo ng masama at saka na ito sumagot. "W-wala. Wala akong problema."

Pakiramdam ni Aldo lalo niyang naalala ang lahat ng dahilan ng galit niya nung narinig niya ang sinabi ni Mavz na 'kapatid'. Si Bonbon agad ang pumasok sa isip niya. Sa araw-araw, halos gusto na niyang saktan si Bonbon. Maiparamdam lang dito ang galit niya. Si Bonbon lang ang nais niyang sisihin sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.

"O bat ang sama mong makatingin kung wala ka palang problema. May nagawa ba ko o kahit sino samin na kasalanan sayo?"

"Wala. Wala nga. Umalis ka na lang, ate."

Napabuntong hininga na lang si Mavz. "Okay. Pero hinahanap ka na ni papa, kakain na. Bumili ako nung lechon manok. Di ba paborito mo yun? Sunod ka na lang. Napapansin ko minsan nagpapalipas ka na ng pagkain. Masama yan at baka magkasakit ka pa." at iniwan na ni Mavz si Aldo.




"NASAN si Aldo?" tanong ng papa nila nasa lamesa na silang lahat at nakahanda na para kumain ng hapunan.

"Pa, susunod na lang raw siya. Baka nag-rereview pa. Alam mo naman yun." Pagtatakip na lang ni Mavz sa kapatid. Alam kasi nilang ayaw ng papa nila na pinaghihintay ang pagkain sa lamesa. Pero maraming beses na dati na mag-isa at huling kumakain talaga si Aldo pag nagre-review ito para sa mga exams at dito'y naiintindihan siya ng papa nila.

Pero bago pa nila simulang kumain, nagtaka sila sa ginawa ni Osmond. Kinuha nito ang malaking plato kung saan nakalagay ang lechong manok na ulam nila. At pinagbuo-buo nito ang mga parte ng manok na binili ni Mavz na naka-chop chop na.

Napatingin na lang ang lahat at nagtataka pa rin kahit ang papa nila.

Nang makita na nila ang resulta ng ginawa ni Osmond, agad malakas na nagsalita si Jack. "Hala, kulang pala ng thigh part yung manok!"

"Kaya pala binuo ni Kuya Bonbon e. Alam niyang may kulang." sabi naman ni LL.

"Naku, dinaraya pala ko nung binibilhan ko. Grabe!" nasabi na lang rin ni Mavz "Hindi na ko bibili dun."

"Teka, hindi kaya nauna ng kinain ni Delay yung parte ng manok na nawawala?" pagbibiro ni Jack.

"Kuya naman, eh!" natatawang sagot ni Delay.

"Ang liit-liit mo pa kasi pero ang laki-laki mo na. Yung paglaki mo pahaba e!" dagdag pang-aasar pa rin ni Jack na ikinatawa ng lahat. Nginusuan na lang siya ni Delay na halata na nga ang kakaibang bilis ng pagtaba.

"Ay, oo nga pala, pa, ate, nung sinundo ko yan si Delay sa school, sabi ng teacher dalhan na raw siya ng sariling arm chair dahil hindi na siya kasya sa upuan niya dun. Totoo!" singit ni LL na lalong ikinatawa ng lahat.

"Paano ba naman hindi lolobo ng ganyan si Delay e itong si Mavz laging binibili lahat ng pagkaing gusto niya." Sabat bigla ng papa nila na ikinagulat ng lahat. Matagal tagal na rin yung huling beses na nakipagsabayan sa kwentuhan ang papa nila. Kadalasan, ayaw nito ang nag-uusap sa oras ng kainan lalo na ang may halong tawanan. Hindi man ito nakipagtawanan sa kanila ngayon, kitang kita ang ngiti at maaliwalas na mukha nito. Mapapansing mas gumaganda na ang mood nito kahit kay Bonbon lalo pa't nakikita na rin nito unti-unti ang inaakalang maraming pagbabago sa anak.

Si Osmond naman, kahit hindi pa lubusang nakakaintindi ng tagalog, ramdam na ramdam ang saya sa oras na iyon. Ramdam niya na kahit papano ay nag-iiba na ang tingin sa kanya ng papa nila Bonbon. Taliwas naman ito sa tingin sa kanya ni Aldo na araw-araw, pakiramdam niya lalo itong nagagalit sa kanya at hindi pa rin niya lubos maisip at maunawaan kung bakit.

NASA kwarto na si Mavz kung saan silang dalawa lang ni Delay ang naroon. Mahimbing na ang tulog ng bunso nila ngunit siya'y kailangan pang asikasuhin ang mga class records niya bago tuluyang makapagpahinga.


Nang matapos niya ang mga ito, naisipan niyang buksan ang facebook account niya. Saglit na saglit lang siya tumingin sa account niya. Iche-check niya lang talaga ang updates. Isang message ang bumungad sa kanya. Binuksan niya ito at litung-lito siya at gulat na gulat sa nabasa. Galing ito sa facebook ng kapatid niya na si Bonbon.


Bonifacio Dela Cruz: Ate Mavz, si Bonbon to. Kailangan ko po kayong makausap at yung si Osmond. Yung Osmond po na akala niyong lahat ay ako.


#LechonManok

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now