♦ FAB: Chapter 54

1.2K 46 34
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Fifty Four

=♦=♦=♦=♦=♦=♦




MAG-BABASKETBALL kami ngayon ni Leroy kasama uli yung mga dati naming nakalaro. Dun pa rin syempre sa dating court. Gusto ko na nga sana maglaro kami lagi ni Leroy pag wala kaming pasok sa school ni Lorraine kaso lang si Leroy naman ang hindi pwede. May trabaho na kasi si Leroy. Crew raw siya ngayon sa isang starbucks sabi ni Lorraine kaya matagal uli bago kami nagkita. Buti nga ngayon nataon na wala rin siyang pasok sa trabaho. Masaya si Lorraine kasi ibang-iba na ang kuya niya. Hindi na ito pumapasok sa mga sugal at gulo.


Masaya rin ako ngayon. Kahit na alam kong si Ate Mavz ay hindi masaya at hindi nagustuhan yung naging huli naming usapan nila Osmond sa skype. Masaya ko kasi naiisip ko muli yung mga pwedeng mangyari pag naging kami na ni Claire. Kahit na malayung-malayo kami sa isa't isa, pag mahal mo talaga, walang makakapigil sayo na isipin siya.


Akala ko nga hindi na naman ako maiintindihan ni Lorraine. Pero naipaliwanag ko naman sa kanya ng maayos ng magkausap na kami ng sarilinan na wala siyang dapat ipag-alala kung maging si Osmond at si Claire. Kasi una sa lahat, alam na naman niya na akin ang katawang iyon. Ako ang totoong may gusto kay Claire. At gagawin lang yun ni Osmond bilang kapalit ng hinihingi nya rin sakin na pabor.


"Pero paano mo pala gagawin na patawarin ka nung Taylor na yun?" tanong sakin ni Lorraine. Nauna kami sa court makarating. Nakaupo at hinihintay yung kuya niya at yung iba pang makakalaro ko.


"Ah.. ewan.. di ko pa alam...Pero sa kwento kasi ni Osmond tungkol sa nangyari sa kanila nung Taylor, parang di ko alam kung ano pano pa siya mapapatawad nung babae... Masakit yun ah... iniisip raw nun na inindian siya nito nung makita na may diprensya ito sa paa kahit na hindi naman yun ang tunay  na dahilan ni Osmond. Ikaw ba? Kung ikaw si Taylor, mapapatawad mo pa ba si Osmond?" balik tanong ko kay Lorraine.


"Sa una siguro magagalit rin ako kay Osmond lalo na hindi ko nga alam ang dahilan.. Pero kasi pag mahal mo yung isang tao. Pag mahalaga siya sayo, bakit naman hindi mo sya mapapatawad. Kailangan lang naman ng isang masisinsinang usapan. Hindi ko alam nandyan lang pala sa katabing bahay nakatira yung babaeng gusto ni Sir Osmond. Uhm, e pero pano kung halimbawa ngang patawarin ka niya..patawarin ka ni Taylor. Pano kung-"


"Pano kung maging kami?" pinutol ko si Lorraine sa sasabihin nya. "Hindi naman siguro. Hindi naman sinabi ni Osmond na dapat maging kami. Ang sabi nya lang, kailangan mapatawad ako ni Taylor. Ikaw talaga Lorraine, nagseselos ka na naman... wag ka mag-alala, magkakapalit kami ng katawan ni Osmond na ang katawan nya walang magiging girlfriend kasi wala akong balak manligaw ng kahit na sino dito. Kahit kamukha pa ng artistang babae sa Hollywood. Kasi si Claire lang ang mahal ko. Siya lang ang babalikan ko sa Pilipinas."


Di na sumagot si Lorraine. Maya-maya pa, dumating na rin si Leroy at kasama yu g mga makakalaro namin.


"Musta bro!?" bati sakin ni Leroy.


"Ayos lang, pre! Ikaw kumusta balita ko nagtatrabaho ka na ngayon? Ayos yan!!"


Napangiti siya sa sinabi ko. "Oo nga e. Alam mo na, bagong buhay! Na-miss ko maglaro ng sports! Teka, mukhang lumalaki katawan natin, bro!?"

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon