♦ FAB: Chapter 44

1.6K 60 12
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Forty Four

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

ANG sarap sa pakiramdam maging varsity player ng isang school. Ngayon ko lang ito naranasan. Dito pa sa Carson High School. Dito pa sa Amerika.

Sa Capitol High School, hindi ko man lang magawang makasali sa mga basketball games kapag may intrams o sports fest. Ayaw kasi ni papa. Bawal. Para kay papa, walang maitutulong ang pagsali ko sa mga ganung bagay para maging maayos ang takbo ng pag-aaral ko.

Kaya kami ng mga kaibigan kong boys at the back, sa mga pipitsuging court lang naglalaro. Tapos nakakasali lang kami sa mga totoong game pag may mga pa-liga lang sa baranggay.

Simula nang naging parte ako ng Carson Baskteball Team, kinailangan ko talagang magpalakas ng katawan. Lalo na’t kitang-kita naman sa katawan ni Osmond na hindi man lang ito nag-e-exercise. Pero ngayon nagkalaman-laman na rin naman ang katawan ni Osmond. Inaraw-araw ko ata pagpu-push-ups, sit-up at pagbubuhat ng dumbbell. Nagpatulong ako kay Lorraine na makahingi sa mommy at daddy ni Osmond ng mga gamit pang-exercise para sa loob ng kwarto ko. Bukod sa ilang mga dumbbells, meron na rin akong treadmill. Ayos talaga!

Nakatulong rin ang pagiging malakas ko na kumain. Nakita ko ngang tuwang tuwa ang mommy ni Osmond nung minsan na nakasabay nila akong kumain lalo na nang nalaman nila mula kay Aling Lisa na lagi na rin akong nagpapasama ng gulay na ulam sa pagkain ko. Nagtataka sila dahil sa halip na tinapay, kanin na ang lagi kong kinakain. Ang sarap talaga ng buhay ko dito dahil bukod sa maraming karne, may prutas at gatas rin ako sa araw-araw.

Pero higit na masaya ang reaksyon ng daddy ni Osmond na naramdaman ko ang excitement nang binalita namin ni Lorraine na nakapasok ako sa Varsity Team. Hindi raw makapaniwala ang daddy ni Osmond. Hindi na raw ito makapaghintay na makita ako ng personal na naglalaro para sa school ko. Kaya naman todo suporta silang dalawa ng mommy ni Osmond sa pagiging varsity ko.

Sabi sakin ni Leroy, maraming sports pa raw siyang ituturo sakin at gustung-gusto ko rin ang madagdagan ang mga sports na pwede kong laruin. Ito talaga ang pangarap ko. Magawa ko ang mga bagay na sa tingin ko ay pwede akong ituring na magaling. Hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko. At higit sa lahat, nag-eenjoy ako.

Isang araw, nasa kwarto pa rin ako at kasalukuyang nagbubuhat ng dumb bell. Naisipan kong silipin uli ang resulta ng pagbubuhat at exercise ko. Lagi ko naman itong ginagawa simula nung inumpisahan ko itong gawin. At pangatlong buwan ko na ito. Kasing tagal nang pananatili ko sa Carson High School.

Tinabi ko muna ang dumb bell. Hinubad ang sando ko at tumayo ako sa harap ng malaki kong salamin. Ayos! May improvement na nga! Medyo malayo na sa unang payatot na katawan ni Osmond na naabutan ko.

Dahil mag-isa lang naman ako sa kwarto, iniangat ko pa ang dalawa kong braso at pinalabas ang mga muscle na pinaghirapan ko. Nabubuo na rin ang abs ko. Pakiramdam ko nakabalik tuloy ako sa katawan ko. Sa katawan ni Bonbon. Hindi kasi ako nagpapabaya sa katawan lalo pa’t importanteng malakas ako sa mga laro ko. Mahihirap pa ang mga exercise na ginagawa namin nun.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now