♦ FAB: Chapter 37

2.1K 84 18
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Thirty Seven

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

BINIGYAN ni Lolo Dollar si Osmond ng isa ring kapirasong papel kung saan nakasulat ang link ng website na makakatulong raw sa kanya. Tulad rin ni Bonbon, tinanggap niya ang maliit na papel. Ibinulsa niya lang muna ito katabi ang sulat niya sana para kay Taylor.

Pagkatapos, nagpasya na siyang iwan ang lugar. Iwan mag-isa ang babaeng mahal niya. Alam niyang sa gagawin niyang pag-alis, may magbabago sa pagitan nila ni Taylor. Magagalit ang babae sa kanya. Masasaktan. Maghahanap ng mga dahilan kung bakit hindi ito nagpakita gayung ito ang nag-aya sa kanya na pumunta ng Parke.

Maaaring mag-isip si Taylor na marahil nakita na siya ni Osmond mula sa malayo. At napagmasdan na ang kanyang totoong kalagayan. Sa pagkakaroon niya ng saklay. Sa pagkakaroon niya ng diperensya sa paa. Na marahil, na-turn off o hindi nagustuhan ni Osmond ang nakita niya kaya ito umatras at di na nagpakita.

Pero alam ni Osmond na hindi ito totoo. Na hindi ito ang dahilan. Na sarili lang niya ang bukod tanging totoong may problema at diperensya. Na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ng maayos. Maaring matalino siya pagdating sa papel, ngunti hinding hindi ata siya magiging matalino pagdating sa totoong buhay. Mahinang-mahina ang buong kalooban niya.

At tuluyan na nga lumayo sa Parke si Osmond. Hindi alam ni Osmond, isang oras naghintay sa kanya si Taylor. Pagkatapos umiiyak na nagpasundo sa kanyang kuya. Nagdahilan na lamang ito na nadapa siya kaya napaiyak ng ganun. Masamang-masama ang loob ni Taylor sa ginawa ni Osmond. Bakit? Yun na lang ang natanong niya sa sarili.

Hindi rin alam ni Taylor, doble ang paghihirap ng kalooban ang pinagdadaanan ni Osmond. Umiiyak ito na dumating sa bahay. Mabuti na lang at walang nakakita sa kanyang pag-iyak lalo na si Lorraine na siguradong hindi siya titigilan sa pag-usisa.

Tuloy-tuloy ang luha ni Osmond. Ni-lock niya agad ang pinto pagkaapak na pagkaapak sa loob ng kwarto.

Umupo siya sa kanyang kama. Agad na hinugot yung sulat sa kanyang bulsa. Sulat na hinanda niya sana para kay Taylor. Na hindi na niya maibibigay. Pagkakuha niya sa sulat na iyon, sabay na lumabas sa bulsa niya ang maliit naman na nakatuping papel na inabot sa kanya ng matandang lalaki kanina rin sa may park.

Binitawan ni Osmond ang sulat nya para kay Taylor at inilapag sa gilid ng kama niya. May kung anong nagtulak sa kanya na buksan at silipin kung ano ang nakalagay sa kapirasong papel na galing sa matanda.

At nakita niya rin ang URL ng isang website.

http//www.worldsecrets.com/?how-to-switch-souls/*********

Nagmadali siyang humarap sa kanyang computer. Gumigilid pa rin ang luha. Mabigat na mabigat pa rin ang puso. Pero nagawa pa rin niyang ma-type ang URL.

At lumabas ang mga sumusunod:

STEPS ON HOW TO SWITCH SOULS

1.    You got to be really sad. Sadder than sad is better.

2.    Close your eyes.

3.    Wish. (e.g. - I wish I would have a different body from now on)

4.    Open your eyes.

5.    Wish granted.

 

Disclaimer: You cannot choose a body to swap with. If after you follow all the steps and nothing happens, then it might not be your time. It takes a perfect timing to succeed on this.

 

Napaisip si Osmond sa mga nabasa niya. Baka ito nga marahil ang sagot sa mga problema niya? Makikipagpalitan siya ng katawan sa ibang tao. Yung tipong magiging si Liam siya. Oo tama. Sana kay Liam siya mapunta.

Para maging malakas siya. Para hindi na siya ang lalampa-lampa at tutuksuin. Para maging matapang siya at confident. Para kaya niyang tulungan, protektahan at ipagtanggol ang babaeng mahal niya. Baka kapag magaling na siya sa sports ay dito sya mapapansin ng parents niya.

O kung nasa ibang katawan na siya, baka mas matapang na rin siyang makikipag-usap kahit kaninong gusto niya. Mas malaya na niyang masasabi ang mga nasa loob niya.

Walang puwang ang magtaka, magduda at matawa pa ngayon. Wala siyang pag-aalinlangan. Ginawa niya ang limang steps ng walang kahirap-hirap.

Umiiyak siyang humiga sa kama niya, pumikit at doo’y taimtim na humiling: “I wish I'd be in another body from now on. I wish.”

At dito’y tuluyan ng nakatulog si Osmond habang mabigat na mabigat ang nararamdaman ng kanyang puso.

#Wish

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now