♦ FAB: Chapter 5

3.8K 148 27
                                    

======

Chapter Five

======

NAKAUPO at nakasandal pa rin ako sa puno na pinagtataguan ko. Nakatulala at gumigilid ang luha. Gusto ko na sanang umalis pero wala akong pagkuhaan ng lakas para kumilos. Sobrang bigla pa rin ako sa mga narinig ko. Kung kaya ko lang sana umalis agad dahil ayoko ng marinig pa ang mga pag-uusap nila.

Umupo na sila sa isa sa mga bench na malapit sa pwesto ng kinatatayuan nila kanina. Sa pag-upo nilang magkatabi, lalo ko silang narinig na mas masaya at mas malambing na nagkukwentuhan. Hindi ko pa talaga kaya ang umalis sa pwesto ko. Siguro hihintayin ko na lang silang unang magpasyang umalis bago ko pilitin ang sarili ko na kumilos rin at tuluyan ng lumayo.

Ang totoo, hindi lang basta bastang paglayo ang gusto ko ngayon. Gusto kong maglaho. Gusto ko sa malayung-malayo. Yung hindi ko na makikita at maririnig pa ang mga taong patuloy na nananakit sakin.

Ang tanga-tanga ko. Bakit ba kasi hindi ko nahalatang may gusto rin si Aldo kay Claire. Na nililigawan nya rin pala ito at ngayon nga ay sinagot pa sya sa mismong araw na plano ko pa naman ipagtapat pa lang ang nararamdaman ko.

Oo nga pala. Magkaklase sila ni Aldo. Kung nagkakasama man kami ni Claire, wala pa ring tatalo sa pagsasama nila ng utol ko. Silang dalawa, umpisa at katapusan ng klase nila, magkasama sila.

Oo nga pala, alam ko naman na mas matalino ang gusto ni Claire. At malayung malayo nga na ako yun. Si Aldo lang ang pwedeng maging lalaki na maiisip ko na mas matalino sa kanya dahil si Aldo adik sa first place yun. Bakit ba hindi ko naisip to. Bakit ba hindi ko pinakinggan yung mga mokong kong mga kaibigan.

Tama sila Jaypee, George at Kevin eh. Bakit ba kasi hindi ko pa matanggap na mahina talaga ang ulo ko at hinding hindi ako magiging kasing utak ni Aldo. Na hindi ako magkakaron ng pag-asa kay Claire.

Na tama si papa, walang kwenta ang pagiging first honor ko sa pinakamababang section at hindi ito makakatulong para maipagmalaki nya ko bilang anak. At mapansin ako ni Claire na isang estudyanteng pinipilit maging mabuting mag-aaral.

Sana hindi na lang kasi ako to. Sana hindi na lang ako ipinanganak na si Bonbon. Dati pa, para ko ng pinagsisihan na nabuhay ako sa isang katawan na may utak na kasing sukat ng utak ng hinlalaki nya.

Maya-maya, wala na kong naririnig na nag-uusap na masaya at malambing. Sinilip ko sila at wala na nga si Aldo at Claire doon sa upuan na pwinestuhan nila.

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Nakaalis na nga sila. At halos wala na ring matirang tao. Madilim na at bukas na ang mga ilaw ng poste.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sa lupa at binawi ang likod ko mula sa matagal na pagkakasandal sa punong kanina ko pa naging tagapagtago. Ng lahat ng sakit.

Ng makatayo ako ng maayos, may kung anong nagtulak sa akin na puntahan ang iniwanang upuan ng utol ko at ng bago nyang girlfriend.

Inupuan ko rin ito.

Muli, nagmuni-muni na naman ako. Parang bumalik na naman ang dating Bonbon.

Habang mag-isa kong nakaupo, isang matandang lalaki ang lumapit sakin at tumabi sa aking pagkakaupo. Hindi ko siya kilala.

"Alam mo bang maraming hiwaga sa mundo?" sabay bungad niya sakin.

"Ho?"

"Sa mundo pa lang yan, hindi pa kasama ang buong sansinukob."

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now