♦ FAB: Chapter 29

1.7K 99 61
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Twenty Nine

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

“HINDI namin pwedeng maiwan sa tricycle si AG! Alam ko hawak-hawak ko pa sya kanina lang bago kami pumasok sa bahay niyo!” giit ni Rowena na asawa ni Zaldy na biglang nag-panic.

“Pwes nasan na nga yung bata?!  Paano na lang kung may makapulot dun na kung sino! Alam niyo bang English lang ang alam na salita nun! Cable channel lang ang pinapanood namin sa bahay para kay AG! Puro English show lang! Kahit kausap namin, English lang!” pahayag naman ni Zaldy. Nagaalala na rin yung tono.

Bigla’y may narinig silang malakas na bungisngis ng isang bata. Galing sa kwarto ng mga lalaki.

Sinundan nilang lahat ang tawang iyon dahil sigurado si Zaldy na boses iyon ng anak niya. At doo’y nakita nilang lahat na karga-karga ang anak ni Zaldy ni Osmond at nasa tabi naman nito na nakayakap si Delay. Walang nakapansin kanina na pasimpleng kinuha ni Delay ang bata at mabilis na hinila palayo nang makabitiw ito sa mama niya at isinama nga dito kay Osmond. Nag-uusap at nagbibiruan silang tatlo. Sa English. At syempre pa si Bonbon rin ang nakikita ni Zaldy at hindi si Osmond.

“Pick a boo!” nakangiting nilalaro ni Osmond ang dalawang bata.

“Wait, who wants me to get some chocolate at the chocolate factory? Raise your left hand!” masaya pang sabi pa ni Osmond.

“Me!!” sabay na sagot at taas ng kamay ng dalawang maliit na batang babaeng si AG at Delay. Masayang-masaya ang dalawang bata.

“That’s my girl!” hinahaplos ni Osmond ang mga bunbunan nung dalawa at marahang kinukurot ang mga pisngi.

Nasa may pintuan ng kwarto silang lahat na nakatayo. Napagmasdan nila ang eksenang ito. Lalo na ni Zaldy. Takang taka siya. Si Bonbon ba itong nakikita niya? Umi-english?

“T-teka.. s-si B-bonbon na ba yan? B-bakit.. bakit English-speaking? Kelan pa?” tanong ni Zaldy sa mga kapatid. Hindi talaga makapaniwala.

Nakaismid na sumagot si Mavz. “Bakit yung anak mo lang ba ang may karapatan maging English-speaking?” 

“H-Hindi naman sa ganun.. Pero di ba.. sating lahat siya yung-”

“Pinaka-mahina ang ulo?” pagpatuloy ni Jack.

“Oo! Di ba? Alam niyo rin yun! Ibig sabihin ba nito, ayos na pala si Bonbon?”

“Bakit hindi ba sya maayos nun?” si Mavz ulit na halatang may inis pa rin sa kanilang panganay.

“Hindi naman.. pero di ba puro away lang yan nung elementary at hindi naman nag-aaral mabuti?”

“Kuya, huli ka rin ba sa balita sa TV?” singit na tanong ni LL.

“Balita? Saan at anong balita sa TV?”

“Tungkol kay kuya Bon! Alam na ng buong Pilipinas na ingglesero si Kuya Bon, pero ikaw hindi mo pa alam? Hindi mo ba napanood sa TV si Kuya Bon?” sabi pa ni LL na napapataas pa ng kilay.

“E kasi nga po cable channel lang ang pinapanood namin sa bahay! Puro foreign shows lang kami e! Bakit nga ba!? Ano nangyari nga bakit na-TV si Bonbon?”

Tapos kwinento lahat sa kanya ni LL mula pagkakabato ng bola sa ulo nito hangga’t sa pagliligtas sa isang matanda sa park na naging dahilan kaya siya napanood sa TV.

“Cool! Ayos na nga talaga si Bonbon! Dapat pala noon pa natin sya binato ng bola sa ulo!” natatawang sinabi ni Zaldy pagkatapos malaman ang lahat. “Ang kaso lang, feeling niya ngayon, ibang tao siya at hindi siya si Bonbon? Siya raw si Osmond? Hahaha!”

Maya-maya, mula sa likuran nila nagsalita si Aldo. “Kuya Jack, LL, sabi ni papa bibilangan niya kayo ng lima at kung hindi pa raw kayo babalik sa lamesa, isang linggo raw kayong walang baon! Bumalik ka na rin raw ate Mavz.”

Agad na nagsibalik silang mga tinawag. Walang gustong pagalitan ng papa nila. At walang gustong mawalan ng baon.

Nilapitan ni Zaldy sila Osmond sa loob ng kwarto at niyakap ng mahigpit ni Zaldy si Delay dahil sobrang namiss niya rin ito na sobrang liit pa nung umalis siya sa kanila. Tapos inutusan ito na bumalik na rin sa lamesa at kumain. Sumunod rin naman agad si Delay kahit hindi naman niya kilala ang kuya Zaldy niya.

Tapos kinuha naman ni Zaldy ang anak kay Osmond na karga-karga pa rin nito. “Hey bro, can I have my little girl back?”

“Sure.” Nakangiting sagot ni Osmond. Ginulo pa ni Zaldy ang buhok ni Bonbon. Sobrang namiss rin naman niya si Bonbon. Pero nagtaka siya. Bakit hindi nagalit si Bonbon? Dati, nagagalit ito pag ginugulo ang buhok. Sa kanilang magkakapatid, siya lang na panganay ang may lakas ng loob guluhin ang buhok ni Bonbon dahil nanununtok ito kung minsan lalo na pag wala sa mood. Nagagalit sa kanya si Bonbon pero hindi naman sya lalabanan nito. Nakakapagtaka lang ngayon kasi walang reaksyon sa ginawa niya. At inisip na lang niya yung sinabi ni LL. Parang ibang tao na nga si Bonbon. Walang kaide-ideya si Zaldy na hindi si Bonbon ang kaharap niya.

“They say you cannot remember anything except speaking in English. So I must introduce myself. I’m your big brother, Zaldy.” Karga karga na ni Zaldy ang anak na si AG. Si Rowena lumapit na rin sa kanila at pumasok na rin sa loob ng kwarto at pinakilala rin ito ni Zaldy kay Osmond. “She’s my wife, Bon. Your Ate Weng.”                                                                                            

“Hello, A-atey Weyng!” bati ni Osmond na nakangiti. Napangiti rin si Rowena sa pagbigkas ni Osmond sa pangalan niya.

“And the name of this pretty little girl is AG. Alleria Gale. I named her first name after a DOTA character. My wife gave the second name for a reason I don't know. You know the DOTA game? I've been playing DOTA since I graduated in college! I think I'm not too old for that. You know what, after I finished college, I did almost everything that I wanted to do. Because back when I was still studying, I just did everything our father wanted me to do." tuloy-tuloy na kwento ni Zaldy. Napapatawa na minsan mapaklang tawa. Tapos seryoso at saka tuluyan naging malungkot.

“Anyway, let’s go to the dining area now!” anyaya na ni Zaldy ng mapansin niyang nakapagdrama siya kay Osmond lalo pa't nakita niya ring lumungkot rin bigla yung mukha ni Osmond sa sinabi niya. “I will meet our father to finally introduce to him my wife and his first grandchild.”

“B-but I cannot go with you.” tanggi ni Osmond.

“Why?”

“I can’t eat with them because.... I don’t eat veggies.” Paliwanag ni Osmond.

Magtataka na naman dapat si Zaldy dahil alam niyang wala sa kanilang magkakapatid ang maarte sa pagkain at hindi kumakain ng gulay. Buti na lang na-mind set na niya ang paliwang ni LL. “Don’t worry, we’ve brought fried chicken and pizza for all!”

“REALLY? PIZZA?” nanlaki ang mata ni Osmond sa excitement. Lalo na sa salitang Pizza. Na-miss niya ang Pizza.

“Yes. I said fried chicken and PIZZA.” Ulit ni Zaldy.

“Let’s go then!” masayang sabi ni Osmond.

#Pizza

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSOnde histórias criam vida. Descubra agora