♦ FAB: Chapter 4

4.9K 161 43
                                    

======

Chapter Four

======

SA totoo lang, kahit may pagkaloko-loko ako sa tingin nila, madrama talaga ko. Sa loob-loob ko dala-dala ko ang maraming kalungkutan na gusto ko na lang sana ipagsigawan baka sakaling mabawasan man lang kung hindi man tuluyang mawala.

Marami akong tanong. Gustong-gusto ko ang nagmumuni-muni. Pero kapag wala naman akong mahanap na sagot sa mga sarili kong tanong, lalo lang ako nalulungkot. Minsan, mas ayos yata na hindi ka na lang magtanong kasi mas malaki ang tsansa na masaktan ka sa pagtatanong. Kasi pwede mong malaman ang masakit na kasagutan.

Pero kahit papano, nagbago na ko ngayon. Dahil kay Claire.

Hindi na ko nagda-drama mag-isa.

Ang galing no, pwede ka pala baguhin ng isang tao. Isang taong unang kita mo pa lang nakuha na yung atensyon mo. Yung taong wala namang ginawa pero ang laki pa rin ng epekto sayo.

Masasabi ko na nagkaron ako ng isang rason para pilitin ko ang sarili na maging maayos na estudyante. Para makapagtapos ng pag-aaral at maging kapaki-pakinabang tulad ng gusto ni papa.

Meron akong biglang naisip.

Tama, sasabihin ko na ng diretso kay Claire na iba sya sa lahat ng babae. Na ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Na malaki ang nagawa nya sakin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para piliting makapasa sa pag-aaral.

Na mahal na mahal ko na sya.

Alam ko naman na alam na nya noon pa na may gusto ako sa kanya dahil sa mga ginagawa kong pagbibigay ng tsokolate at bulaklak.

Pero kailangan marinig na nya mismo sakin na hindi na lang basta gusto ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon. Para malaman ko na rin kung ano ang pag-asang meron ako sa kanya.

"Boss, di ba ikaw na nagsabi na narinig mo na mas matalino raw sa kanya ang gusto nya!?" si Jaypee. Sinabi ko kasi sa tatlong mokong kong kaibigan ang plano ko.

"O, ano ngayon?"

"E bakit mo pa kailangang magtapat sa kanya, boss naman eh!" hirit ni George.

"Boss, alam namin na mas matalino ka...." si Kevin naman ang nagsalita. "kung ikukumpara ka sa aming tatlo!"

Tapos sabay-sabay na naman silang nagtawanan.

Mga bwisit talaga to. Kahit kailan nakakaasar pa rin yung mga pantangang tawa nila. Buti na lang nasasanay ko na sarili ko sa kanila.

"Ah ganun, ipapamukha nyo sakin ngayon na bobo pa rin ako at habambuhay ako magiging bobo sa paningin ng lahat, sa paningin ni Claire?!"

"Boss, relax. Wala kaming sinabing habambuhay ka na magiging bobo." si George ulit. " Ang sinasabi lang namin, hindi ka pa rin matalino."

"Pakyu! Eh yun na rin ibig sabihin nun!"

"Hindi ah. Ang ibig namin sabihin...malayong-malayo ka pa maging mas matalino kesa kay Claire!" banat ni Jaypee.

"Mga bwisit kayo!"

"Boss naman eh! Mga kaibigan mo kami! Tayo pa ba ang maglolokohan!?" dagdag pa ni Jaypee.

"Ayaw ka lang namin masaktan sa babae! Alam namin ang pakiramdam nyan boss! Masakit ang ma-balewala!" sang-ayon naman ni Kevin. "akala namin kuntento ka na sa patingin-tingin sa kanya, hindi sa ayaw ka na namin suportahan sa kanya pero dapat alam mo kung hanggang saan ka lang."

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon