♦ FAB: Chapter 12

3.7K 133 36
                                    

======♦=

Chapter Twelve

======♦=

"SERYOSO ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Pero..."

"Walang pero-pero o sasabihin ko.."

"OKAY OKAY!"

"Bago ang lahat tandaan mo muna to at ulitin, una at kaisa-isang rule, bawal magtanong ng kahit ano." Malakas at maliwanag kong sinabi. 

"OKAY. Bawal magtanong ng kahit ano." sagot nya "Pero bakit ba kasi Sir Osmond tuturuan kitang mag-english eh alam na alam mo naman yun!? May nangyari ba dyan sa utak mo?"

"Kakasabi ko lang na bawal magtanong ng kahit na ano!"

"Sige na sagutin mo na kahit isa lang. Kahit ito lang!"

"Ah basta, ah, nanaginip ako ng masama...ah tapos nahulog ako sa kama ko.. tapos nauntog ng matindi yung ulo ko.. ayun siguro nangyari sa utak ko!" pagdadahilan ko na mabilis ko lang inimbento para may masagot lang ako sa tanong nya.

"Ows?"

"Hindi ka naniniwala?"

"Hindi!"

"Anong gusto mong marinig na dahilan? Na may magic na nangyari? Na hindi talaga ako si Osmond at may ibang taong napunta sa katawang ito ha? Yun ba ang gusto mong sagot?" Teka, parang nasabi ko na yung totoo ah. Sabi ko na hindi talaga ko matalino. Bobo mo bonbon! Binigyan mo ng ideya yung babaeng to! Paano pag nakuha nya yun! Malalaman nilang hindi ako si Osmond! 

"HAHAHA!" Humagulgol sya sa pagtawa. "nakakatawa naman yun!" Grabe parang nasa kanto lang samin kung tumawa talaga tong babaeng to. "Hahaha! Ano ka ba syempre alam ko naman na imposible yang mga ganyan mangyari! Napatawa mo tuloy ako!" pero buti na lang may pagkabobo rin sya.

"Ang iniisip ko nga, baka kaya ka marunong na magtagalog ay secretly nag-aral ka nito, kasi matalino ka at alam kong kayang kaya mo pag gugustuhin mo." sabi nya uli ng maka-recover sa pagtawa nya.

"Pero, nakakagulat lang kasi ang tuwid mo magtagalog! Ang husay lang! Para ka lang nakatira sa Pilipinas! Daig mo pa nga kami! At ang pinaka-nakakagulat, bakit hindi ka na marunong mag-english?" dagdag pa niya.

"Una at kaisa-isang rule? Paki-ulit nga!" paalala ko ng kinabahan na naman ako.

"OKAY...b-bawal magtanong ng kahit na ano."

"Buti at nagkakaliwanagan tayo, at isa pa sinagot ko na yung kaisa-isa mo rin na tanong, kaya tama na ang pagtatanung pa ulit, okay?"

"O-OKAY."

"GOOD. Ganito ang mangyayari, mula ngayon hindi ka na pwede mawala sa tabi ko."

Pagkasabi ko nun, biglang nagliwanag ang mukha ni Lorraine. Nagningning ang mga mata nya. Napakagat-labi. Namula yung pisngi at napatingkayad. Mukhang kinilig.

"Yun lang pala eh!"

"Kailangan kita sa tabi ko dahil lahat ng isasagot at sasabihin ko sa mga taong nasa paligid ko, ikaw ang magta-translate!"

"Wow, google translate lang? Okay, okay!"

"Bukod pa dyan, gusto ko nasa kwarto kita gabi-gabi!"

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon