♦ FAB: Chapter 17

2.4K 112 40
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Seventeen

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

PILIPINAS.

Quezon City.

Sa isang pampublikong ospital.

***

"S-sorry, I'm really sorry but the patient is no longer breathing. We couldn't revive him. We couldn't explain what happened. We did our best. P-pero wala na po ang pasyente."

"Hindi totoo yan dok! Wag nyong sabihin yan!" humagulgol si Mavz na ate ni Bonbon sa sinabi ng doktor. Hindi sya naniniwala na wala na raw si Bonbon. Na hindi na ito humihinga.

Si George at Kevin, napaluha rin. Tumingala pa si George para pigilan yung pagpatak ng luha nung sa kanya. Si Kevin naman sinabayan ang paghagulgol ni Mavz.

"Kasalanan ko to!" sisi ng humahagulgol na si Kevin sa sarili niya. "Binato ko sya ng bola sa ulo! Pero hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari!" walang humpay ang malakas niyang iyak. Na mas malakas na ngayon kesa sa iyak ng ate ni Bonbon.

Hindi na alam ng doktor ang sasabihin pa sa mga ito. Wala siyang ideya kung ano ang medical reason para mawalan ng pulso sa buong katawan ang pasyente na si Bonbon. Pero maya-maya pa...

"Dok! Dok! Diyos ko! Nagka-pulso uli yung pasyente! Tumibok uli yung puso nya!" biglang sumigaw yung nurse.

Nagkatinginan silang lahat. Napalitan ng pagtataka ang mga iyak at hagulgol. Mabilis namang pinuntahan ng doktor ang kinalalagyan ng pasyenteng si Bonbon.

Matiyagang naghintay yung mga naiwan ng doktor na natigil na ngayon sa pag-iyak. Wala sa kanilang makapagsalita. Lahat gulantang sa kung ano yung nangyayari. Pero ang mahalaga, ang marinig na nagka-pulso uli si Bonbon. Kung paano o ano ang nangyari, hindi yun ang mahalaga sa kanila ngayon.

Maya-maya pa bumalik na yung doktor na nanlalaki ang mata at tila takang-taka rin. 

"I..I couldn't believe this. H-he's practically dead for 15 minutes. I pronounced him clinically dead at 1:10 a.m at the ER a while ago. At di ako pwedeng magkamali. Pero.. pero nagkapulso sya muli at humihinga.. buhay siya.. muli siyang nabuhay." sabi ng doktor na halata rin ang labis na pagkagulantang.

"Salamat, dok! Salamat naman po kung ganun!" mas nangibabaw ngayon ang sayang nararamdaman ni Mavz kesa sa kaninang pagkabigla.

"Thank you Lord! Salamat Dok! Akala ko talaga napatay ko yung kaibigan ko! Hindi ko mapapatawad yung sarili ko!" mangiyak-ngiyak na naman si Kevin.

"Ibig po bang sabihin pwede na namin sya makita?! Pwede na namin sya makausap?" tanong ni George.

"Ah.. as of now, hindi pa rin sya makakausap. Oo bumalik nga ang tibok ng puso nya pero hindi pa rin sya nagigising. Maybe we can wait for at least hours.. bigyan muna nating yung body nya ng konting time to recover." yun lang at nagpaalam na ang nagugulantang pa rin na doktor sa kanila.

PERO lumipas ang kalahating araw ay hindi pa rin nagigising si Bonbon na inilipat na sa isang maliit na kwarto ng pampublikong ospital na iyon.

Pagkatapos pinaliwanag ng doktor ang isang di magandang balita. Nasa comatose stage raw si Bonbon at wala pang makakapagsabi kung kailan ito magigising. Ang head injury gawa ng pagtama ng bola ang maaari raw dahilan kaya ito ngayon na-comatose. Muling sinisi ni Kevin ang sarili. At sinigurado niyang hindi siya aalis sa tabi ng kaibigan hangga't di ito nagigising.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now