♦ FAB: Chapter 40

1.2K 56 6
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Forty

=♦=♦=♦=♦=♦=♦

GAGANAPIN ang isang over-all quiz bee contest sa Capitol High School. Ang "ANYTHING UNDER THE SUN QUIZ BEE”. Ang mga guro ang magpapadala ng kanilang estudyanteng pambato. Lahat ay pantay pantay na lalaban - kahit anong year o section ka galing. At dahil malaki ang tiwala ni Mrs. Matabang kay Osmond, pinili niya itong ipalista para lumaban.

Sampu lang ang napiling maglalaban-laban. Karamihan ay galing sa fourth year kasama si Aldo at ang kaklase nito at mahigpit na kalaban sa pagiging valedictorian na si Jeffrey Roy. Syempre pa napasama rin sa contestants si Osmond na bukod tanging galing sa lowest section.

Kasalukuyan ng nag-uumpisa ang quiz bee sa Audio Visual Room ng eskwelahan at marami-rami rin ang nanonood na mga estudyante at mga guro.

Tahimik na nanunuood ang boys at the back at si LL. Nandun rin si Claire para naman suportahan si Aldo.

Bawat isang kalahok ay may kanya-kanyang hawak na white board at marker at doon nila isinusulat ang kanilang mga sagot sa bawat tanong na ibibigay. Habang hawak ni Osmond ang marker at maliit na white board, may pumasok agad sa isip niya. May naaalala siya. Si Taylor. Na-miss niya bigla ang babae.

Dahil dito hindi niya namalayan na nasabi na pala ang first question at hindi niya ito napakinggan dahil panandaliang naglakbay ang utak niya mula sa lugar ng kompetisyon.

“Okay, contestants, please raise your board and reveal your answers,” anunsyo ng quiz bee master at inisa-isa ang pagbanggit ng sagot ng bawat isa. Wala nang nagawa si Osmond kundi ang itaas na lang ang board niya kahit wala itong nakasulat na sagot.

“To repeat the question, which country is known where the population of its people is fewer than its kangaroos? Your answers are…”

“Mr. Aguinaldo Dela Cruz is Australia…”

“Mr. Jeffrey Roy Lares is Australia…”

“Mr. Bonifacio Dela Cruz – has no answer…”

At binanggit ang sagot ng natitirang kalahok.

“…And the correct answer is Australia.”

Inumpisahan na ang pag-iiskor. Napangisi naman si Aldo ng makitang hindi nakasagot sa unang question si Osmond. Medyo nalungkot naman si LL at boys at the back pero hindi sila nawalan ng pag-asa dahil naniniwala na sila sa kakayahan ng bagong si Bonbon.

Tila nabalik na sa tamang isip si Osmond nang mapag-isip niyang siya lang ang hindi nakasagot at naka-iskor sa unang tanong pa lang. Kaya naman sa mga sumunod na tanong ay buong tenga na siyang nakinig sa quiz bee master at nagtagumpay naman siya dahil halos lahat na ng sagot niya ay tama na. At dalawa lang ang naging wrong answers niya sa hindi na mabilang na tanong.

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon