♦ FAB: Chapter 24

2.1K 110 65
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Twenty Four

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦==

MABUTI na lang at nalusutan ni Osmond ang pagpapatawag sa kanya sa guidance office nung enrollment day. Mabuti na lang napahanga niya sa pagsasalita niya ang masungit na guidance counselor. Mabuti na lang inalalayan siya ni Jack sa mga sasabihin niya. At mabuti na lang, enrolled na rin siya. Enrolled na silang magkakapatid na nasa highschool. 

Pagkatapos ng dalawang araw, umpisa na nga ng pasukan. Parehong pang-umaga si Osmond at LL kaya masaya si LL dahil may makakasabay siya pagpasok at mababawasan na ang takot niya sa mga dating elementary schoolmates na magiging schoolmates niya uli ngayong highschool.

"Kuya Bon, I know you cannot remember anything yet, but I'd like to remind you that I asked you a favor before and you said yes to me.. you promised you will defend me from those who will hurt me.. and I really want you to do that promise because my highschool life will sure be in trouble starting today." mahabang sabi LL kay Osmond. Naglalakad sila ngayon papuntang school. Madilim-dilim pa at papasikat pa lang ang araw. Kaya nagpasya si LL na maglakad sila para makausap na rin ang kapatid.

"I don't know how I supposed to act and say when I get to that school. I must be in big trouble too." sagot sa kanya ni Osmond na may iba ring iniisip. Iniisip niya kung paano ang buhay niya bilang estudyante sa lugar na ito. Makaka-survive kaya siya? 

Tumigil sa paglalakad si LL at hinarangan si Osmond na napatigil rin sa paglalakad. "Kuya Bon! Don't worry, whatever kind of school help you need, I'm very much willing to help you! But of course in return you will fulfill your promise to defend me against those enemies!"

"How would i defend you?"

"Well, you can at least punch those persons right in their face like you always did... or you can kick them in their ass! Use all your strength so long they cannot hurt both you and me!" sagot ni LL at nagpatuloy uli sila sa paglalakad.

"Seriously?" napailing si Osmond. "Here's the thing, I honestly can't do those stuff. I am not a physical person. I can't punch. I can't kick. Well, I think what only I'm sure I can do now is to throw stone to their heads while I'm steps away so I have a chance of running away." 

"No! Why you can't... you're good at fighting!" malungkot na malungkot si LL. Inaasahan niya na maipagtatanggol siya ng kuya Bonbon niya. Na kapag sinubukan siyang saktan at pahiyain ng mga schoolmates niyang yun, makakatikim sila ng gulpi kay Bonbon. Tapos hindi na sila uulit at matatakot na. Pero iba ang nangyayari ngayon. Parang hindi yung kuya Bonbon niya na matapang ang kausap niya. Hindi yung kuya Bonbon niya na nangakong handa syang ipagtanggol kahit kanino.

NASA harap na sila ng gate ng Capitol High School. Kaunti pa lang ang mga estudyante. Malungkot pa rin si LL. Patingin-tingin sa paligid. Paranoid. Nagpapaka-alerto. Hinahanda na lang ang sarili niya na magtago agad pag nakita yung mga umaaway sa kanya. Tutal hindi naman pala siya ipagtatanggol ng kuya niya na kinakatakutan pa naman sa eskwelahang ito ayon sa mga naririnig niya nun.

Sasamahan muna ni LL si Osmond sa room nito. Sa lowest section pa rin ang section ni Bonbon kahit na naging first honor ito nung 2nd year ayon na rin sa kagustuhan ng papa nila na binilin kala Jack at Mavz nung enrollement.

Nasa may gilid sila ng school quadrangle papunta na sa direksyon ng kinalalagyan ng magiging room ni Osmond nang may tnarinig silang tumawag galing sa likod. "Boss!"

Napalingon pareho si LL at Osmond sa tawag na iyon. Si Jaypee. Naka-uniporme na rin. Kilala ni LL si Jaypee at alam niyang galit pa ang kuya Bonbon niya rito. Pero syempre hindi siya kilala ni Osmond na walang ka rea-reaksyon nang makita si Jaypee.

Mabilis na tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Osmond si Jaypee at lumuhod sa harap nito saka humagulgol na nagsalita. "Boss, patawarin mo ko! Huhu! Wala ako sa sarili ko nun! Magulo ang utak ko nun! Patawarin mo ko boss! Huhu!" hawak hawak pa nito ang pantalon ni Osmond habang ngumangawa. Buti na lang kakaunti pa lang ang tao at wala pang flag ceremony."Maaga talaga ko pumasok ngayon Boss at ikaw ang inaabangan ko! Sige suntukin mo ko boss kung gusto mo! Tadyakan mo ko! Gulpihin mo ko! Basta patawarin mo lang ako boss! Huhu!"

"Luh?" sagot lang sa kanya ni Osmond. 

"Kuya Jaypee, huli ka ba sa balita? Hindi na po nakakaintindi ng tagalog si Kuya. Hindi ka na rin niya naaalala! Kaya pasalamat ka!" sabi ni LL kay Jaypee. 

Tumayo si Jaypee. Tapos nagpunas ng luha at uhog si Jaypee gamit yung uniporme niya. "Ha? Anong balita? Bakit anong nangyari sa kanya?"

"Wala ba kayong TV sa bahay?" medyo masungit na tanong ni LL habang naka-cross arms pa. 

"Wala eh." sagot ni Jaypee.

"Kaya naman pala. Basta mahabang kwento! Saka ko na lang ikukwento" napabuntong hininga na lang si LL. "Mabuti pa kuya Jaypee, ikaw na sumama kay kuya sa room niyo. Remember, sa english mo po siya kausapin ah!"

"Naku e pano ya-" hindi natuloy ni Jaypee yung sasabihin niya nang may bigla na naman umepal na kung sino. Walang iba kundi yung mga gustong taguan ni LL. Yung tatlong lalaki nung enrollment. Maaga rin pumasok.

"Tamang-tama pala ang dating namin. Naabutan ka na namin...LALA!" nananakot at malakas na sabi nung lalaki sa gitna na siyang laging nagsasalita.

"Sinong Lala tinatawag niya LL?" takang tanong ni Jaypee.

Napalunok ng laway si LL. "Ah..kuya Jaypee, yan yung mga umaaway sakin nung elementary pa. Paano ba to.. hindi pa naman raw kaya ni Kuya Bon na makipaglaban na." mahinang sagot ni LL kay Jaypee.

"Ah inaaway ka ba ng mga to? Tss.. wag kang mag-alala LL, baka nakakalimutan mo, kayang kaya ko rin makipaglaban. Mas magaling lang si Boss pero itong tatlong to, yakang-yaka ko to. Para san pa na na-train na ko sa mga gang war! Ako bahala sayo!" mayabang na sinabi ni Jaypee. .

Nginitian lang siya ng tatlong umaaway kay LL. Mga ngiting nakakaloko.

"Hoy bakla!" sigaw uli nung nasa gitna. "Akala ko ba yung kuya mong yan yung pinagyayabang mo samin ha! Bakit walang kibo naman ata yan! Bakit hindi siya ang palabanin mo samin! Sabi mo kaya kaming tatlo kahit mag-isa lang siya ha!"

"Sinong tinatawag mong bakla ha?" biglang dating naman ni George kasama si Kevin.

"Jaypee, babawi ka kay Boss ngayon!" baling ni Kevin kay Jaypee.

"Wala pang liwanag naghahanap na kayo ng sakit ng katawan. Sige mukhang mga suntok ang gusto niyong maging almusal ngayong umaga." matapang na satsat ni George sa tatlo. 

"At sino naman kayo? Teka, mukhang wala pa kayong alam kay LL ah!" salita na naman ng laging nagsasalita sa tatlong asungot. "Sige ako na ang magsasabi sa inyo na si LL.. Si Lapu-Lapu...ay kilala sa tawag na.... LALA!" sabay tawanan yung tatlo. "Oo, isa siyang bading! Bakla! Salot na ba-" dito'y sinuntok agad ni George ang nagsasalita.

Umalmang tutulungan siya nung dalawa pa niyang kasama pero mabilis rin sila Jaypee at Kevin. Pinulupot nila yung mga braso nila sa leeg nung dalawa. Tig-iisang bitbit ngayon sila George, Jaypee at Kevin papunta sa likod ng malaking building. At doo'y itutuloy nila ang isang laban na hindi makikita ng marami.

#Lala

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon