♦ FAB: Chapter 22

2.1K 97 25
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Twenty Two

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

LATE enrollees na sa high school sila Aldo at ang bagong tutungtong na si LL. Ito ang ika-fourth year ni Aldo at hindi na siya kailangang samahan pa ng Kuya Jack niya. Si LL na lang talaga ang tutulungan ni Jack magpa-enroll. Ngayon, si Bonbon na rin. Si Bonbon na magti-third year naman. Si Bonbon na ang nasa loob talaga ay si Osmond. Na ang inaakala ng lahat, nagka-problema lang sa utak kaya tila nalimutan kung sino talaga siya. Kaya ngayon, tutulungan na rin siya ni Jack lalo na't takang taka ang itsura nito sa mga bagay-bagay simula pa nung gumising sa pagkaka-coma kahapon.

Nilalakad lang ni Bonbon ang school nila pag pumapasok pero malayu-layo talaga ito at pwedeng sumakay ng jeep. Tinitipid niya kasi nun yung pera niya para sa mga panggastos niya tulad ng pagkokompyuter, pagbibilyar at iba pang walang kinalaman sa pag-aaral. 

Ngayon, pasakay si Jack, Aldo, LL at Osmond ng jeep para pumunta na sa school. Ito ang unang beses ni Osmond na makakasakay ng ganitong sasakyan. Kunot na kunot ang noo niya at laging nanlalaki ang mga mata. Sila na lang pala ang hinihintay at aandar na ang jeep. Nakipagsiksikan rin siya para makapwesto ng upo. Hindi siya makapaniwala na may ganitong klase ng transportasyon.

"Oh God! This is unbearable!" nasabi ni Osmond sa sarili ng makaupo na rin siya katabi ni LL at Jack. Si Jack naman katabi ni Aldo. Halos mga estudyante rin ang pasahero. Yung iba may kasamang magulang. Pinagtitinginan at pinagbubulungan si Osmond ng mga pasahero. Nakilala siya ng mga ito sa balita sa TV. May mga nakangiti at may mga parang nakakita ng artista.

"Are you okay, Kuya Bon?" nag-aalalang tanong ni LL ng makitang hindi kumportable sa pagkakaupo si Osmond.

"Honestly, I'm not." malungkot at matapat na sagot ni Osmond.

Si Aldo deadma pa rin. Walang kibo. 

Umandar na yung jeep. Wala ng nagawa si Osmond kundi ang maghintay kung saan ba sila pupunta. Naiinitan na siya at nasisikipan na talaga. Hindi siya kumportable sa ganitong sitwasyon. Pero hanggang sa isip at sa facial expression niya lang siya nakakapagreklamo.

Maya-maya pa malakas na nagtanong yung driver sa mga pasahero ng malapit na ang jeep sa eskwelahan. "BABABA BA!? BABABA BA!?"

Sabay-sabay naman rin na sumagot ang marami sa pasahero. "BABABA! BABABA!"

Napakunot ng noo si Osmond sa narinig at nagsalita siya ng medyo malakas sa lahat "HEY, ARE YOU GUYS MINIONS?" Takang-taka siya. Paanong nagsalita at nag-usap ang mga taong ito na puro 'BA' lang ang mga sinabi. 

Si LL lang ang bukod tanging tumawa.

Ang ibang pasahero, naging poker face lang na tumingin kay LL at Osmond. May mga bigla pa ngang sumama ang tingin. Mga walang time sa humor. O mga walang alam sa Minions na galing sa pelikulang Despicable Me. Hindi maka-relate.

Syempre, deadma pa rin si Aldo.

Si Jack naman nakatulog pala kahit saglit lang ang byahe. Nakahinto na ang jeep at unti-unti ng bumababa ang mga pasahero na sa eskwelahan rin ang punta tulad nila. Ginising na lang ni Aldo yung Kuya Jack niya.

"Kuya, gising!" malakas na niyugyog ni Aldo yung katawan ni Jack na ang ulo ay sinasalo ng balikat.

Nagising rin agad si Jack at umarteng parang walang nangyari.

"Dito na tayo kuya, kanina pa nakahinto yung driver, may ibang pasahero pa!" naiinis na sinabi ni Aldo sa kuya niya.

"O, edi tara na bumaba na tayo, ano pa hinihintay niyo!" mayabang na sabi ni Jack.

"YUNG BAYAD! HINDI PA TAYO NAGBAYAD! NASAYO YUNG PAMASAHE!" naiinis pa rin na sagot ni Aldo.

"Ay sabe ko nga." agad na binayaran ni Jack yung kanina pang nakasimangot na driver at pagkatapos bumaba na agad sila.

NASA harap na sila ng Capitol High School. As usual, puro tanong pa rin ang mga mata ni Osmond. Si LL naman, kabado. Hindi dahil first time niya ito sa high school. May mga iniiwasan siyang mga estudyanteng makita ngayong araw. Late na naman ang date ngayon ng pag-eenroll nila kaya nananalangin siyang hindi niya makita ang mga taong iniiwasan. At iniisip niya, kasama naman niya ang kuya Bonbon niya na matapang at kinakatakutan na kaya siyang ipagtanggol.

Maya-maya pa, may isang babaeng dumating. Si Claire. Mag-eenroll rin kasabay ni Aldo. Hindi alam nila Jack at ng kahit na sinong kapatid ni Aldo bukod sa totoong si Bonbon na girlfriend na ni Aldo si Claire. Sikreto ito dahil ayaw na ayaw ng papa nila na isingit pa nila ang mga ganitong bagay habang nag-aaral pa sila.

"Claire, si Kuya Jack at LL, mga kapatid ko rin. Si Claire classmate ko since first year." pagpapakilala ni Aldo sa mga kapatid at kay Claire. Hindi na niya pinakilala si Bonbon dahil kilala na naman siya ni Claire. At siguro kung di pa rin kilala ni Claire si Bonbon, baka hindi na rin niya ipakilala dahil matagal-tagal na rin silang hindi nag-uusap at nagpapansinan ni Bonbon simula nung nagkataasan sila ng boses.

"Hello po!" bati ni Claire kay LL at Jack. Nginitian lang siya ng dalawa bilang sagot. Tapos tumingin si Claire kay Bonbon. "Hi Bonifacio, Bonbon, kumusta? Totoo ba yung balita ko na ingglesero ka na raw?"

Tulad pa rin ng inaasahan, kinamutan na lang siya ng ulo ni Osmond. Walang sagot na narinig si Claire. Ni hindi nga siya tinignan ng matagal ni Osmond at sa halip sa harap ng gate ng school dinako nito ang paningin. 

Pahiya si Claire. Nagulat siya. Bakit hindi siya kilala ni Bonbon? Narinig niya ang kalat na kalat na balita tungkol kay Bonbon pero hindi niya lang inasahan ang ganitong sitwasyon na dedeadmahin siya ni Bonbon. Samantalang alam niya na matagal ng may gusto sa kanya si Bonbon nung una pa lang. Naisip niya, may nagbago nga marahil kay Bonbon at nakakapagtaka ito.

"I suggest you should speak to him in Engish." sabi ni LL."kung ayaw mo po ma-deadma niya pag kakausapin mo siya."

"Mahirap man ipaliwanag ngayon, pero english-speaking na yung kapatid namin na si Bonbon. At wala siyang ibang alam ngayon bukod sa pag-iinggles niya at siya raw si Osmond ba yun?" dagdag naman ni Jack.

"I see, that's not seem to be a problem.. I can speak to him or to anyone in English." nasabi na lang ni Claire na pinilit na lang ngumiti pagkatapos makaramdam ng pagkapahiya.

Si Aldo walang kainteres-interes sa mga pinagsasabi nila. Niyaya na nito si Claire na mauna na silang magpa-enroll. "Una na kami." pagpapaalam niya.

Nauna lang pumasok sa gate ng school sila Aldo at Claire pero nakasunod rin agad sila LL, Jack at Osmond.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ng ulo ni Osmond sa loob ng gate ng school, isang estudyante na agad ang sumigaw. "Si Osmond! Si Osmond! Nandyan na si Osmond!!!"

Wala pang limang segundo, nagsilapitan na ang maraming estudyante kala Osmond, LL at Jack. Puro kabataang babae ang karamihan. Nagkagulo. Parang dumating si Justin Bieber sa Airport.

#Minions

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum