♦ FAB: Chapter 13

3.7K 121 34
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Thirteen

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

NASAN na ba yang si Lorraine? Ang tagal! Magbibihis lang eh inabot na ng siyam-siyam.

"Lorena!" sumigaw ako sa buong bahay. "Hoy nasan ka na Lorena?! Lumabas ka na Lorena! Isang oras ka ng nawawala, Lorena! Ano kinain ka na ba ng aparador!? Lorena!!! Lorena!!!"

"Hoy anong sinisigaw-sigaw mo dyan!" boses na nya yun. Galing sa likuran ko. Hay salamat naman at lumabas na sya. Humarap ako sa kanya at... at...

Huwaw! Ang ganda niya. Mali, lalo pala syang gumanda. Kasi alam ko naman na maganda talaga si Lorraine unang kita ko pa lang sa kanya. Pero ibang-iba sya ngayon. Parang may liwanag na nakapalibot sa katawan nya. Sobra ba? Pero ganoon talaga kalakas ang dating nya ngayon. Blooming na blooming sabi nga!

Kaya naman pala to isang oras na nagpahintay kasi sinigurado niya na magiging maganda siya sa pagsama sakin. Tsk. Patay na patay talaga sya sakin. Ay, oo nga pala kay Osmond pala sya may gusto. Si Osmond pala ang mahal nya at ang nakikita nya sa akin. Ikaw talaga Bonbon feelingero ka rin eh! Hindi sya nagpaganda para sayo kasi una sa lahat di ka naman nya kilala.

"Ang ingay mo! Para kang babae!" sabi pa uli ni Lorraine sakin.

"Bakit nakanganga ka dyan? Kung uso lang langaw sa bahay na to kanina pa naglabas-masok yan sa bibig mo." pang-aasar nya at dun ko lang napagtanto na oo nga nakabuka ang bibig ko. Baka iniisip nya nagagandahan ako sa kanya ah. Hindi uy! Okay, nagagandahan nga ko pero hanggang nagagandahan lang. 

"Oh bakit hindi ka na dyan makapagsalita? Kanina sigaw ka ng sigaw na para kang nasa palengke! Daig mo pa nga ang babae eh! Kung makikita mo lang yung sarili mo ang awkward maging bungangero ng isang Amerikano na tagalog pa ang binubunganga!"

Ang dami na nya tuloy sinabi. Pero bakit nga para akong mauutal at hindi na ko makasagot sa kanya. Hindi naman english ang kailangan kong bigkasin pero parang umurong yung dila ko. Ah basta, kailangan makapagsalita na ko, mamaya kung ano pa isipin nya. 

"A-ang tagal m-mo kasi." yun na lang nasabi ko.

"Binilisan ko na nga yun no." sagot nya.

"HA? binilisan mo pa yun? E paano kung binagalan mo pala? Siguro ginigising mo na lang ako mula sa paghilik ko dito sa sofa!"

"OA ka! Normal lang yun saming mga girls. We really take our time when dressing up ourselves lalo na pag may lakad kami no!" pagtatanggol nya.

"OA? Ako pa OA? Kahit anong isip ang gawin ko hindi ko yata maiintindihan yang sinasabi mo."

"Talagang hindi mo maiintindihan kasi wala ka namang kapatid na babae. At never ka pang nagka-girlfriend. So wala ka talagang idea sa mga girls!" 

Never ka pang nagka-girlfriend. 

Aw, oo na hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Hindi ko nga siguro maiintindihan yung mga babae kasi nga hindi ko pa naman naranasan ang magkaroon ng girlfriend.

Never ka pang nagka-girlfriend. 

Alam ko naman na para kay Osmond nya yun sinabi pero bakit natamaan ako. Para kong nalungkot. Oo nga wala pa kong naging syota. At yung kaisa-isang babaeng mahal ko na gusto kong maging unang girlfriend, hindi naman ako ang gusto. Hindi ako ang naging boyfriend.

Naku, sabi ko sa sarili ko na kalimutan na yun. Hindi ko na dapat iniisip pa si... Ni pangalan nya dapat hindi ko na babanggitin sa isip ko.

Sabi pa ni Lorraine wala raw kasi ako kapatid na babae. Kung alam nya lang, meron akong kapatid na babae. Si Ate Mavz at si Delay na bunso. Si Ate Mavz hindi ko naman napansin na matagal mag-ayos o magbihis. O dahil wala rin naman akong nabalitaan na boyfriend si ate at wala syang dahilan na mag-ayos ng matagal.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now