♦ FAB: Chapter 52

739 28 5
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Fifty Two

=♦=♦=♦=♦=♦=



"YOU miss me? Why would you miss me? I'm technically at the house all these time," sagot ni Osmond sa sinabi Lorraine.


Hindi alam ni Lorraine kung mapapahiya ba siya sa sinabi ng kaharap sa monitor ng computer. Sa isip niya, parang hindi pa ito natuwa na na-miss niya. Kaya pinilit na lang niyang ibahin ang sasabihin. Tinanong na lang niya kung kailan at paano sila makakabalik sa katawan ng isa't isa.


Pareho ng nakikita sa monitor ng kani-kanilang laptop at computer sila Mavz at Osmond at sila Lorraine at Bonbon. Nag-uusap na sila ng tuloy-tuloy at paminsan minsan trina-translate sa English ni Lorraine o ni Mavz kay Osmond ang ibang usapang kailangan nyang malaman.


"Bakit hindi nyo kaya hanapin uli yung website na pinuntahan nyo at siguradong nandun yung sagot kung paano uli kayo magkakapalit ng katawan." Suhesyon ni Lorraine.


At dahil naaalala naman ni Osmond ang pangalan ng website na yun, sinubukan muli nilang i-search pero wala ng lumalabas. Hindi na ito mahanap.


"Siguro kailangan nyong mahanap yung matandang lalaki na yun.. You have to find again the old man who gave you the link of the website.." Nasabi na lang ni Mavz. "Sa tingin ko siya lang talaga ang makakaalam kung paano kayo makakabalik sa dati.. he sure knows the answer to all of these.."


Pero kinontra agad siya ni Osmond. Ipinaliwanag niya sa kanila na nakita na niya muli ang matandang lalaking iyon nung panahong tinulungan niya ito mula sa pangho-hostage dito. Sinabi niyang nakausap niya na ito at nagpakilala pang Lolo Dollar. At tinanong na rin niya kung paano siya makakabalik sa dati pero sumagot ito na walang magagawa para mabalik siya muli sa kanyang katawan.


"Ganun? Bakit natulungan nya kayong mapagpalit pero hindi niya kaya na makabalik ulit? Hindi, kailangan hanapin ulit natin yang Lolo Dollar na yan. Teka nga pala, nasa magkaibang at malayong lugar kayo pero isang tao lang ang nakilala at nagbigay sa inyo ng kapirasong papel? Creepy.." nasabi na lang ni Lorraine.


"Oo nga no, pero ano pa ba ang hindi natin mapapaniwalaan sa nangyayari ngayon. Hay, siguro kailangan muna natin silang tulungang mamuhay sa ganitong buhay na hindi nila kinalakhan hangga't di pa natin alam ang sagot sa kung paano sila makakabalik sa dati." Sabi naman ni Mavz at saka binalingan si Lorraine sa kabilang linya. "Lorraine, maraming salamat sa pag-aalaga sa kapatid naming. Alam ko medyo maangas lang yan pero mabait naman yan.."


Napangiti naman si Lorraine sa sinabi ni Mavz. "Naku, wala po yun ate.. ate Mavz? Tama po ba? Nasa katawan naman po siya ni Sir Osmond kaya hindi pwedeng pabayaan naming siya dito. Ako rin po nagpapasalamat kasi alam ko na hindi niyo rin pinapapabayaan yung amo ko. Medyo mapili po yan sa pagkain at medyo tahimik pero mabait rin po yan.." at nangiti rin si Mavz sa sinabi ni Lorraine.


"Naku wag na kayong mag-drama dyan ate.." basag ni Bonbon. Inirapan naman siya ni Lorraine na nasa tabi niya. Tapos si Lorraine naman ang hinarap ni Bonbon. "Sana hindi ka na galit sakin. Ayan ah, nakita mo na yung gwapo kong katawan na kinalalagyan ngayon ng pinakamamahal mo."


"Ano ba nakakahiya kay ate mo. Oo na hindi na ako galit sayo. Hindi naman talaga ako nagalit. Siguro sumama lang ang loob ko. Pero ngayon ayos na ako. Promise." Sagot ni Lorraine.


"May gusto ka pala sa amo mo Lorraine.." sabi naman ni Mavz na napapangiti pa rin sa mga usapan nila. At least ngayon medyo hindi muna sila namroblema sa nangyari kina Bonbon at Osmond. "Alam ba niya na may gusto ka sa kanya?"


"Naku ate sa ngayon nakakasigurado akong di pa rin nya talaga alam.. Nung una dahil akala kong yung kapatid mong to talaga si Osmond at naiintindihan nya ko magsalita ng tagalong, akala ko talaga alam na nya..nahiya tuloy ako sa inyo.."

"Wag ka na mahiya, mula ngayon parang kapatid na rin ang ituring mo sakin. Tutal sa nakikita ko minahal mo rin yung kapatid ko bilang si Osmond kahit na hindi talaga siya yan. Sana wag magbago yun.."


Napatango at napapilit na ngiti na lang si Lorraine. Na-awkwardan siya sa sinabi ng ate ni Bonbon. Ganun rin si Bonbon bago sila tuluyang nagkaron ng panibagong usapan.


Marami pa silang pinagkwentuha. Kwinento nila ang mga nangyari sa buhay ng isa't isa simula nung nasa bago na silang katawan. Sa bahay, sa eskwela. Minsan matatawa pa sila sa mga kwento. Buti na lang at may translator lagi si Osmond sa lahat ng iyon para makasabay sya sa usapan. Pero sa ngayon, marami-rami na rin siyang alam na salita sa tagalog. Salamat sa matyaga pa ring pagtuturo ng boys at the back. Konti na lang at makakapagsalita na rin siguro siya.


"Ay sya nga pala, Lorraine pakitanong mo naman to kay Osmond. Kasi may nakita akong babae.. sa harap ng bintana ng kwarto, alam mo kasi nung nakita ko sya galit nag alit ang dating nya at binagsakan pa nya ko ng bintana.. gusto ko malaman kung sino yung babaeng yun at bakit ganun na lang yung galit nito sa kanya.." naalala biglang itanong ni Bonbon para kay Osmond.

"Babae? Sa bintana? Ngayon ko lang ata nalaman yan.. Mga ilang taon na yung babae? Bakit naman magagalit yun kay Sir Osmond e hindi naman yan nang-aaway ng kahit na sino lalo na ng babae. Baka naman-"


"Itanong mo na lang please." Putol sa kanya ni Bonbon. At sinunod rin naman ni Lorraine ang sinabi ni Bonbon. Trinanslate nya lang ito para kay Osmond.


Hindi alam ni Lorraine ang mararamdaman habang tinatanong niya ito kay Osmond. Kailan pa nagkaroon ng ibang kakilalang ang babae ang Sir Osmond nya. Naiinis siya. Nagseselos.


Nang naitanong na nga ito ni Lorraine kay Osmond. Sumeryoso ang mukha ni Osmond. Medyo natagalan ito bago tuluyang nakasagot.


Saka nito ikwinento na si Taylor ang babaeng yun. Na iyon ay isang espesyal na babae sa kanya. Na nagpatibok sa puso niya. Ipinagtapat nya ang lahat kung paano niya ito nakilala. Kung paano sila naging tuluyang maging malapit na walang nakakaalam na kahit na sino. At kung paano marahil nagalit ang babae sa kanya. Hindi niya kasi binanggit kanina na bahagi ang babaeng yun ng kwento kung bakit hiniling nya mapunta sa ibang katawan. Na nung araw na dapat ay magkikita silang dalawa, yun din ang araw na nakita nya ang matandang lalaking nag-abot ng kapirasong papel at nagpabago ng buhay niya.


Pero ngayon, wala ng dahilan para pilitin pa niyang wag banggitin ang tungkol kay Taylor. Naisip niya, hindi na dapat sya maduwag kahit sa pagkakataong ito na malaman ng iba ang ginawa niya. Ang naging kasalanan niya.


Natahimik si Lorraine at kakaibang lungkot ang bumalot sa mukha nito sa mga narinig na kwento ni Osmond. Tinatanong pa naman siya ni Bonbon na ipaliwanag sa kanya ang mga kwento ni Osmond dahil sa hindi niya masyado maintindihan pero hindi na sya pinansin nito. Sa halip, si Mavz na lang ang nagpaliwanag para sa kapatid. At dun ay naintindihan ni Bonbon ang lahat.


Tapos, may naisip si Osmond. Isang pabor na gusto niyang hingin kay Bonbon. "Can you make Taylor forgive me? Can you do that for me?"

#OperationForgiveness



FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now