♦ FAB: Chapter 46

1K 43 4
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Forty Six

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦



BUONG akala ko simula nung araw na napahiya at pinagtawanan ako sa history class namin dahil sa pinagsasabi ko ay mawawala na rin agad ang pagka-bilib ng lahat sa akin sa school.


Bagkus, lalo pang nadagdagan ang nagsasabing mas natutuwa na raw sila sakin ngayon. Hindi na lang raw ako Hot, Cool na rin raw ako. Akala nila nagpapatawa lang ako nung debate. Marunong na raw pala ako ngayon magbiro. Kung alam lang nila.


Hindi ko inasahan ito na tatanggapin ng lahat ang bagong si Osmond. Masaya talaga ako. Masayang-masaya. Ang dami na talagang nakikipagkaibigan sakin. Mga lalaking gusto akong makasama sa barkada nila. At syempre ang dami ring babae ang sobrang interesado na sakin. May ilan pa ngang kumukuha ng number ko. Meron naman sinasabing ina-add na raw nila ako sa facebook account ko at i-accept ko na raw. Syempre hindi ko naman sila ma-aaccept dahil hindi ko naman account yung kay Osmond Smith. Si Lorraine naman, selos na selos kada may nakikipagkaibigan saking babae. Naiinis lang raw siya kasi bakit kailangan pa niyang maging interpreter ko para lang sa mga nakikipaglandian sakin.



Magugulat rin siguro si Osmond pag nakita niyang marami na sa mga kaklase at kaeskwela niya ang hindi naman pumapansin sa kanya noon ay bigla siyang i-aadd sa facebook.



Parang ako lang nung nagulat ng pagbukas ko nun ng facebook ko, sandamakmak ang notifications, friend requests at messages ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tukoy kung ano rin ang dahilan kung bakit nagkaganun ang facebook ko. Hindi kaya naging sikat na artista na ang orihinal kong katawan nung naging si Osmond na ito?


Wala pa rin akong ginagalaw sa facebook ko kasi mahirap na baka hindi pa ito makatulong. Binubuksan ko lang ang facebook ko para tignan ang update kay Claire o sa mga kapatid ko.



Katulad ngayon, Kasalukuyan akong nasa harap ng computer ko dito sa kwarto at nakatingin sa profile ni Claire. Kakatapos ko lang maligo. Matagal ako manatili sa banyo dahil sarap na sarap ako sa bath tub.


May nabasa akong status ni Claire. "Feeling disappointed and sad. Tapos na tayo."


Si Aldo kaya yung tinutukoy niya? Wala na sila?


Nasa ganung pag-iisip ako nang biglang pumasok si Lorena. Binuksan lang nito ang pinto ko. Walang katok-katok. Hindi naman siya ganito.



Mininimize ko na lang yung tab ng facebook ko at humarap kay Lorraine. Nakatayo lang ito. Nakatitig sakin. Pero walang emosyon yung mukha. Yung poker face na tinatawag.


"Oh Lorraine, hindi ka na ba marunong gumamit ngayon ng pinto?" pabiro kong sabi sa kanya. Pero wala akong narinig na sagot.


"A-anong drama yan? May problema ka ba?" salita ko ulit. Sa pagkakataong ito medyo hindi na ko makapagbiro. Parang may kakaiba akong nararamdaman na kaba. Parang may tensyon na magaganap.


"Ba-bakit hindi ka nagsasalita? Okay ka lang ba?"



"Hindi ako okay," sumagot na rin siya sa wakas. Nakakatakot yung tono ng pagsasalita niya. Kala mo papatay ng tao. Papatayin ba ko nito? Sinapian ba to o ano?


"B-bakit hindi ka okay? Anong nangyari sayo?" dahan-dahan akong nagsalita. Medyo kinakabahan na kasi ko.


Hindi siya sumagot. Para pa rin syang estatwa. Seryosong-seryoso siya. Wala ang mga dating ngiti at kislap sa mga mata niya. Parang hindi talaga siya si Lorraine. Hindi siya si Lorena na lagi kong inaasar.


"Magaling ka mag-basketball," at nagsalita ulit siya.


"An-"


"Kumakain ka ng gulay.."


"Lor-"


"Kaya mong makipag-suntukan.."


"Ba-"


"At nagtatagalog ka," tuloy-tuloy si Lorraine. Hindi niya ko hinayaang makasingit sa mga sinasabi niya. Dumoble ang kaninang kaba ko. Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa harap ng computer. Pero hindi naman ako makagalaw. Halos hindi na rin makapagsalita ng bibig ko. Parang alam na alam ko na to. Alam na alam ko na ang mangyayari.


"Lo-Lorraine ano ba yang mga.. mga sinasabi mo.."


Saka na siya doon kumilos at lumapit sa pwesto ko. Tinangka ko siyang pigilan sa gagawin niya pero huli na. Pinakealaman na niya ang computer at binuksan ang tab ng facebook account ko bilang si Bonifacio Dela Cruz.


"Hindi ikaw si Sir Osmond...Ikaw 'to" turo nya sa monitor ng computer kung saan makikita ang profile ko sa facebook.


"Ikaw... si Bonifacio Dela Cruz," at tuluyan na nga akong nawalan ng sasabihin pa.


#Facebook


***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSМесто, где живут истории. Откройте их для себя