♦ FAB: Chapter 2

6.1K 172 38
                                    

======

Chapter Two

======

KINABUKASAN, inaasahan ko na ipapatawag ako ng guidance counselor. Ayos lang sakin, hindi ako kinakabahan.

Sanay na sanay na akong ipatawag dyan. Elementary pa lang, labas-masok na ko sa guidance, minsan sa principal's office pa. Iba-iba ang reklamo - pero ito ang mga di ko makakalimutan: grade one - may sinakal ako gamit ang strap ng ID nya, grade two - may tinusok akong lapis sa noo, grade three - may ginawan ako ng black eye, grade four - may sinuntok ako sa bibig at nabungi, grade 5 - hinagisan ko ng bulaklak pero kasama yung paso, grade 6 - sinipa ko at nahulog sa hagdan. Buti na lang buhay naman lahat ng nagreklamong estudyante sakin. Pero yung mga magulang nila, parang gusto akong patayin nung mga panahong yun.

Kapwa lalaki lang naman ang nilalabanan ko. At hindi naman ako nananakit ng walang dahilan. Syempre kapag sinaktan ka, dapat saktan mo rin. Para patas lagi ang laban.

Sikat ang mama namin nung elementary dahil sa akin at kay Aldo. Si Aldo kasi ang pinakamatalino sa aming magkakapatid. Maraming beses na umakyat ng stage si mama para sa medalya ni Aldo. Siguro ganung daming beses rin ipinatawag si mama sa guidance o sa principal dahil naman sakin.

Si mama pinagtripan kami ni Aldo na gawing kambal simula nung maliit kami. Siguro nga dahil magkasunuran kami ng edad. Laging kami ang pinagtatabi. Parehong damit, parehong hairstyle. Bibigyan kami ng parehong laruan at libro. Pero alam ko na nun pa lang na magkaibang magkaiba na kami ni Aldo. Laruan ang hilig ko at libro ang sa kanya.

Pero si papa ang mas mapilit na maging katulad ako ni Aldo. Gusto nya maging kasing talino ako ni Aldo. Kaso ang labo mangyari nun. Malayong malayo ang utak namin. Pati ang ugali namin magkaibang magkaiba.

Seryoso sya, may pagkaloko-loko ako. Suplado sya, palakaibigan ako. Kaya lang ako nakikipag-aaway kasi ipinagtatanggol ko ang mga kaibigan ko. Pag sobrang nagalit si Aldo, konti lang ang sasabihin nya pero masakit ang mga salita nya tapos ituturing ka na nyang parang imbisibol. Wala na syang pake sayo. Pag ako naman ang sobrang nagalit, bihirang-bihira na hindi dumampi ang kamao o paa ko sa kahit anong parte ng katawan mo, pero pagkatapos nun, okay na naman ako, hindi na ako galit at parang walang nangyari.

Binilin ni papa kay Aldo na turuan ako simula nung nag-aral kami, kaya maswerte akong nakapasa ng elementary. Inis yan sakin kasi naging alalahanin nya ko. Pero nitong mga huling taon namin sa elementary, halos ayaw na nya ko turuan. Akala naman nya gustung gusto ko ang tinuturuan! Ayoko rin naman kung hindi lang talaga ko takot kay papa. Kinailangan ko lang makapasa kahit pasang-awa.

"B-BOSS..."

Sa salitang yun naalala ko na nasa canteen pala ko. Mag-isa lang ako sa isang table na para sa apat na tao. Hinihintay ko sana si Aldo pero hindi pa sya dumadating. Wala na rin masyadong tao sa canteen dahil malapit na rin matapos ang recess time.

Nasa harap ko yung nagsalita. Pero may kasama siyang dalawa pa. At hindi pwedeng hindi ko mamukhaan yung tatlong ito dahil kahapon lang nung nagkita-kita kami. Sila yung tatlong asungot na tumakas. Mabilis akong napatayo sa upuan ko at akmang handa pa ring makipag-basagan ng mukha kesa unahan pa nila ko. Hindi ako magdadalawang isip kahit sa canteen pa at may mga makakita. Pero mabilis rin akong inawat at pinakalma ng tatlong asungot.

"Naku hindi kami lalaban sayo! Totoo! Hindi kami makikipag-away!" sabi nung bansot.

"Oo! kasi pumunta nga kami dito para makipagbati sayo!" sabi naman nung maliit ang mukha pero malalaki ang mga bahagi.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now