♦ FAB: Chapter 31

1.6K 75 8
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Thirty One

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

NANDITO kami ngayon ni Leroy sa napakagandang basketball court na pinaglalaruan niya dito sa Carson. Masayang-masaya talaga ako na inaya ako ni Leroy mag-basketball. Sa Pilipinas, walang lumipas na isang linggo na hindi ako naglalaro ng basketball. Kaya ngayon sobrang excited talaga ko.

"Bro, buti naman at naisipan mo ng magpaturo maglaro ng basketball," nakangiting sabi sakin ni Leroy habang dini-dribol dribol niya yung bola. "Sabi nga ni Lorraine pinipilit mo na raw siya na turuan kita, eh."

Napangisi ako sa sinabi niyang yun. "Ha? E siya kaya nagsabi sakin na ikaw raw ang mapilit na nag-aayang turuan akong mag-basketball," si Lorraine talaga. Nagsinungaling pa. Sabagay, ayus na rin to. Pabor naman sakin.

"Ganun ba? Tignan mo yang si Lorena. Mukhang ginamit pa niya ako para lang may masabi siya sayo at makausap ka," nakuha ni Leroy yung isa pang nasa isip ko. "Pasensya ka na, bro, alam mo na naman na matagal na kasing dead na dead sa'yo yang kapatid ko. Pero di bale, talaga namang plano ko ng turuan kang magbasketbol."

"Ayos lang yun, pre, ang totoo nga nyan, hindi mo na naman ako kailangan pang turuan."

"Bakit? Marunong ka na ba? I mean, siguro alam mo naman kung paano laruin ang basketball. Pero kailangan mo pa rin magsanay. Kailangan mo pa rin laruin ito mismo."

"Basta, pre, kaya ko ng maglaro ng basketball," giit ko. Ayoko na kasi na tuturuan pa niya ko. Excited na kasi talaga ko sa totoong laro. Gustung-gusto ko na ang makipaglaban. "Pwede bang makipaglaban na tayo sa mga kalaro mo dito?"

"Sigurado ka? Hmm... sabi ni Lorraine, bro, wag ka magagalit ha, lalampa lampa ka raw, eh. Kasi alam mo, kailangan malakas rin ang pangangatawan mo pag naglalaro ng basketball. Tuturuan pa rin san-"

"Basta nga, pre, akong bahala sa sarili ko. Maniwala ka sakin. Mas kilala ko ang sarili ko. Kayang-kaya ko na ang maglaro," paninigurado ko sa kanya.

Kahit hindi pa rin mukhang kumbinsido si Leroy, kinuha nito yung cellphone niya sa bag na nakalapag sa isa sa mga upuan ng court sa may gilid kung saan kami nakatayo. Pagkatapos may mga tinawagan siya.

Pagkalipas lang ng sampung minuto, may apat na lalaking halos kasing edad rin namin ang nagsipagdatingan.

Tatlong Amerikano at isang Fil-Am ang ipinakilala sakin ni Leroy. Yung Fil-Am mas mukhang Pinoy. Pero lahat silang apat ang gagaling magsi-inggles. Kaya ngiti lang ang isinasagot ko sa kanila. Dahil naiintindihan na rin naman ni Leroy ang sitwasyon ko, halos siya na ang nagpakilala sakin sa kanila. Kamuntikan na ngang mapanis yung laway ko dahil hindi talaga ako makasabay sa usapan nila.

Tatlo laban sa tatlo ang magiging laban. Magkakampi kami nila Leroy at nung Fil-Am. Tapos yung tatlong mga Kano. Mga teenager lang rin sila pero di hamak na mas matatangkad sila kesa sa grupo namin. Hind naman ako nasisindak dahil may mga nakalaban na ko na kasing tataas nila at nagagawa ko naman makipagsabayan.

Ang sabi sakin ni Leroy, hinahanap raw ng mga bagong dating ang grupo nila Jerson. Pero dahil nga sa nangyaring pagtatangkang pambubugbog nung grupo nila kay Leroy, naging mainit na sila sa mga Pulis dito sa lugar namin. Ang sabi pa ni Leroy, namumukhaan raw ako ng mga Amerikanong ito dahil pare-pareho lang kami ng school na pinapasukan. Mga kaeskwela pala ni Osmond.

Maya-maya pa, sumulpot bigla si Lorraine. May dalang bimpo na pwede na ring ituring na tuwalya sa sobrang laki. May dala ring malaking lalagyan ng tubig inumin at isang malaki ring paper bag na alam kong pinaglalagyan naman ng sandwich.

"Saan ang picnic, Lorena?" pabirong bungad kay Lorraine ng kuya Leroy niya. Natawa ako.

"Heh! Picnic your face! Wag kang makahingi-hingi ng tubig at pagkain na dala ko, ah!" mataray na sagot ni Lorraine sa kanya. "Para lang to kay Sir Osmond."

"Sa dami at laki ng dala mo, walang makakaisip na para lang yan sa isang tao," natatawa-tawang sabi pa ni Leroy na sinasabayan ko rin sa pagtawa. Paano ba naman kasi, daig ko pa ang may yaya sa ginagawa niya.

"Hoy! Ikaw naman sir Osmond bakit nakikitawa ka rin sa magaling kong kuya! Ikaw na nga ang pinaghandaan ng pamunas ng pawis mo, tubig at pagkain, tapos pagtatawanan mo lang rin ako!"

"Pasensya na. Ang laki kasi ng lagayan ng tubig mo! Pang-isang linggo na yata yan e. Akin na nga yan at ilapag na naten para di ka na nahihirapan sa pagbitbit," sabi ko sabay agaw sa mga dala para ilapag sa kinalalagyan ng bag ng kuya Leroy niya.

Nakita kong lumiwanag yung mukha ni Lorraine. Nagningning yung mga mata. Ngumiti at kulang na lang ay sunggaban ako ng halik. Okay, O.A yung sunggaban ng halik. Basta, nakita kong naging masaya siya sa pagkuha ko ng mga dala niya. Baka akala niya nagpapaka-gentleman ako sa kanya? Ehem. Gentleman naman talaga ko sa mga babae. Malaki ang respeto ko sa mga babae. Dahil syempre mahal na mahal ko ang mama ko. At ayokong nakikitang nahihirapan ang mga babae dahil ayoko rin nakikitang mahirapan si mama.

"Ikaw Lorraine akala ko sabi mo si Osmond ang nagsabi na gustung-gusto na niya ang matutong mag-basketball. Yun pala ikaw lang," reklamo ni Leroy.

Hindi tuloy alam ni Lorraine ang sasabihin niya. Napalunok siya ng laway. Sigurado ko medyo napahiya siya dahil alam na namin ni Leroy ang ginawa niyang pagsisinungaling. Kaya hindi ko na lang dinagdagan pa yung mga sinabi ni Leroy.

Maya-maya pa. sumigaw yung Fil-Am kay Lorraine galing sa likuran. "Zup, Lorraine?!"

Hindi siya pinansin ni Lorraine. Sa halip, nagsalita ito kay Leroy. "Wait, bakit may iba kayong kasama kuya? Bakit nandito yang ibang mga kalaro mo? Di ba tuturuan mo pa lang muna si Sir Osmond na maglaro?"

"He insisted this," maiksing sagot ni Leroy.

Tinignan siya ng masama ni Lorraine. "Oh come on, I have told you that he's not good on this. Do you really like to see the person who helped you to be in a helpless situation? It's like putting him in a war without weapons?" hindi ko alam bakit bigla silang nag-english na magkapatid. Pero medyo seryoso na ang mga tono at mukha nila.

"Of course not, Lorraine. Why don't you ask him about this?"

Napabuntong hininga si Lorraine sa kuya niya at saka ako binalingan. "Sigurado ka bang kaya mong makipaglaro ng basketball? Alam ko nagiging malakas na ang pangangatawan mo dahil nagawa mo na ngang makipag-suntukan, pero kasi, ayoko naman makita ka na pagtatawanan ng mga kalaban mo sa basketball kapag nadapa ko o hindi maka-shoot ng bola."

Alalang-alala ang boses niya. Pero sinigurado ko rin sa kanya na wala siyang dapat ipag-alala. "Ikaw na nga ang nagsabi, kaya ko ng makipag-suntukan. Makipag-agawan pa ba ng bola? At paano mo nga malalaman kung kaya ko na nga o hindi kung hindi ko susubukan gawin. Kaya wag ka na dyan mag-alala. Manood ka na lang," isang kindat ang binigay ko sa kanya na alam kong nagdulot sa kanya para matigil sa kinatatayuan at mawalan na ng sasabihin pa.

#Picnic

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity!

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now