♦ FAB: Chapter 33

8.2K 74 4
                                    

=========

Chapter Thirty Three

=========



DAHIL sa August na raw ang pasukan, kinailangan ni Lorraine doblehin ang oras ng pagtu-tutor niya sa akin. Mukhang kailangan pa nga atang triplehin ni Lorraine dahil hirap na hirap pa rin talaga ako na isuksok sa utak ko ang lahat ng itinuturo niya.

"Ang hirap talaga!" reklamo ko kay Lorraine isang beses na nagtuturo siya sakin sa mga grammar-grammar na yan dito sa loob ng kwarto ko. Bakit naman kasi napaka-kumplikado ng English. Parang ang daming dapat tandaan na rules sa kanila. Ang higpit naman ng salita nila! Kailangan ba talagang sundin lahat yang rules?

"Sa umpisa lang mahirap, Sir Osmond. Dati ka na naman nagsasalita ng English kaya naniniwala ako na magagawa mo ulit matutong magsalita nito. Hello! Amerikano ka kaya. Yan ang mother tongue mo," pang-eengganyo niya sakin.

Kung alam lang niya. Ilang guro na ng English kong subject ang sinukuan ako simula ata kinder dahil mabilis kong nakakalimutan ang tinuturo nila.

"Alam ko na! Para mas madali ka matuto. Kailangan mong mag-practice magsalita nito," sabi pa ni Lorraine.

"Kita mo na ngang mali-mali ako mag-english. Akala ko ba ayaw mo kong mapapahiya?" pagtutol ko.

"Oo naman ayaw kitang mapahiya. Pero kasi practice makes perfect. Of course, sa umpisa, mali-mali pa ang sentence construction mo. Ganun rin kaya kami ni Kuya Leroy nung una kaming nakatapak sa U.S., pinagtatawanan ang English namin. Pero sabi ni mama samin, magsalita lang kami ng magsalita. Kausapin raw namin ng kausapin lahat ng mga amerikanong yan. Mag-english lang raw kami ng mag-english. Kaya nga kahit sa bahay at kami-kami lang, English kami mag-usap. Kahit na mali-mali pa. Wala naman kaming pagpipilian ni kuya kasi iyon lang ang salitang maiintindihan dito at hindi lang naman si mama ang kakausapin namin. Hanggang sa naging maayos na kami magsalita, kasi matututo naman ang isang tao over period of time," mahabang kwento ni Lorraine.

"Ah.." yun lang ang nasagot ko sa mahaba niyang sinabi.

"Ano nga kayang nangyari dyan sa dila mo? Dyan sa utak mo, actually? Hay nakakapagtaka pa rin, alam mo bang sa'yo pa ko nagpapaturo nun sa ibang mga subjects kasi honor student ka?" nakasalubong ang kilay ni Lorraine at nakakunot ang noo niya nang sabihin niya ito.

"Mukhang may nakakalimutan ka yata," banta ko sa kanya. Parang pinaalala ko lang sa kanya na wala na nga siyang karapatan pang magtanong lalo pa't nagpaliwanag na ko at nasa akin pa rin ang mahalagang alas laban sa kanilang magkapatid.

"So, tinatakot mo pa rin ba ko about dun sa pagtatangkang pagkuha ng kuya ko sa microwave oven nyo? Tinutulungan na nga kita at ginagawa ko na naman ang lahat para sa'yo, ah," pakiramdam ko pinapa-guilty niya ako sa mga sinabi niya.

"Tinulungan ko rin naman ang kuya mo," sumbat ko rin.

"Ah ganun, magsusumbatan ba tayo?"

"Ang sakin lang, wag mo na nga kasing banggitin pa yung pagtataka mo sa nangyari sakin kung bakit ako nagtatagalog," sabi ko.

"Sorry kasi hindi mo naman masisisi ang kahit na sino pag nalaman yang nangyari sa'yo. It's just so weird. And unexplainable. Bakit mo ba kasi ayaw banggitin ko? May tinatago ka ba?"

Kinabahan na naman ako. At nabwisit. Bakit kasi ang kulit-kulit niya. Akala ko pa naman okay na kami nun. Ayos na ang usapan na hindi na siya magtatanong. Yun yung rule ko sa kanya na dapat niya lang sundin. Bakit ba ang kulit kulit ng babaeng to? Kung pwede ko lang sana sabihin lahat lahat, eh. Mula umpisa. Pero alam ko mahihirapan siya o kahit sinong makarinig ng kwento ko na maniwala sa totoong mga nangyari sakin. Isa pa, ayokong malaman niya na ibang tao ako. Hindi ko alam pero natatakot talaga ako. Gusto ko lang mapanindigan na ako na si Osmond. Gusto ko na sana ibaon na si limot si Bonbon hangga't maaari. Yung iiwan ko na lang ang alaala ng katawan ko sa Pilipinas. At mabubuhay ako dito sa ibang bansa bilang si Osmond na may ibang magulang. May ibang mga kaibigan. May ibang buhay. Masama ba yun?

Tumahimik na lang ako at di na siya kinibo. Sa tingin ko mas ayos na to para hindi na mas lumabas na may tinatago ako. Bahala na lang siya magtanong ng magtanong at magtaka ng magtaka. Basta, wala na siyang maririnig sakin pagdating sa bagay na yun.

"Uy, galit ka ba? Sorry na Sir Osmond," napansin ni Lorraine ang di ko na pag-imik di tulad ng dati na nakikipagsabayan lagi ako sa pakikipagbangayan sa kanya.

"Sige promise talaga! Hinding-hindi na ko magtatanong pa. Hindi ko na pag-aaksayahang isipin pa yang bagay na yan! Swear talaga!" nagtaas pa siya ng kanang kamay.

"Tara, balik na lang tayo sa lesson natin. Kahit na mahirap yan, alam kong makakaya ko rin yan," malayo ang sagot ko sa sinabi niya. Pero totoo na sobrang desidido na ko na matutong mag-english.

Alam ko naman na hindi pwedeng nasa tabi ko si Lorraine sa lahat ng oras. Lalo na pagdating na papasok na ako sa school ditto bilang si Osmond. Ang sabi ni Lorraine, honor student raw si Osmond. Tulad pala siya ng mga kapatid ko sa Pilipinas. Shet. Paano ko naman kaya mapaninindigan itong pagiging honor student niya kung magsalita lang ng English e bagsak na agad ako?

Pero kung honor student pala siya, bakit pakiramdam ko hindi rin ganon ka proud ang mga magulang niya sa kaniya? Basta, kahit na alam ko na mahal nila si Osmond, parang may kulang. Kahit nga sa oras eh. Kulang na kulang.

Kung tutuusin nag-iisang anak nila si Osmond at walang ibang kapatid at halos walang kaibigan bukod kay Lorraine, kaya pakiramdam ko mas lalong kailangan ni Osmond nun ang magulang. Ang totoo, gusto ko rin magtanong kung bakit si Osmond ang napili na makapalitan ko ng katawan sa dami-dami ng mga tao sa Pilipinas pa lang. Sabagay, magiging maarte pa ba ko? Amerika na to. Ibang bansa. Mayaman pa ang pamilya nila. Yun nga lang talaga, dinudugo ang ilong ko. Pero tulad ng una kong sinabi, desidido akong matuto. Alam ko, magagawa ko to.

#Tutor

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity!

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now