♦ FAB: Chapter 38

1.5K 54 23
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Thirty Eight

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

PILIPINAS.

***

MAHIGIT isang buwan na si Osmond bilang si Bonbon na estudyante ng Capitol High School. At dahil binilin ng adviser nila Jaypee, Kevin at George ang pagtuturo ng tagalog kay Bonbon, nagkaroon lalo ng mas maraming dahilan ang boys at the back para magsama-sama. Kahit na tapos na ang klase, nagkikita-kita pa rin sila. Doon sila sa bahay nila George madalas manatili. Mas madalas puro pagtambay at kalokohan lang ang nangyayari. Kapag may salitang tagalog na gusto lang itanong si Osmond sa kanila saka lang matuturuan ng tatlo ang kaibigan.

Pati mga magulang ni George manghang-mangha sa bagong si Bonbon. Malayung-malayo na raw ito sa dating kaibigan na pinakilala ni George sa kanila.

Hindi inakala ni Osmond na mag-eenjoy siya sa pagiging isang estudyante dito sa ibang bansa. Parami ng parami ang mga taong lumalapit sa kanya na mukhang natutuwa at pinupuri siya. Ngayon lang niya naranasan na makakuha ng atensyon ng maraming tao.

Ang ninais lang naman niya ay atensyon mula sa magulang niya. Pero iba rin pala ang pakiramdam na may ibang mga tao na makaka-aappreciate sayo. Nagtataka pa nga siya kung bakit parang manghang-mangha sa kanya ang mga tao sa paligid niya dahil lamang sa nag-iinggles siya. Isang bagay na pangkaraniwan na pangkaraniwan lang noong nasa Amerika siya. Ganito pala ang pakiramdam kapag kahit maliliit na bagay na alam mo ay binibigyang importansya.

Para lalong magsikap na mag-aral magsalita ng tagalog si Osmond, pinasali ito ng kanilang class adviser na si Mrs. Matabang sa isang paligsahan ng pagtula para sa darating na selebrasyon ng Linggo ng Wika sa kanilang paaralan sa Agosto. At syempre pa ang mga kaibigan pa rin niya ang inatasan na tutulong kay Osmond para makapagbigkas ng maayos na tula.

“Gusto kong habang tinuturuan niyo siyang bigkasin ng maayos ang bawat salita sa Filipino ay sinasabi niyo rin sa kanya ang bawat kahulugan nito. Sa tingin ko malaking bagay ito para mas mabilis na matutong magtagalog si Mr. Dela Cruz,” paliwanag ni Mrs. Matabang sa kanilang klase.

Wala naman nagawa ang tatlo kundi ang sumang-ayon kahit iba ang sagot ng reaksyon ng mga mukha nila. Ibig sabihin kasi ng sinabi ng guro, kailangan lalo nilang doblehin ang pakikipag-usap sa inggles kay Osmond.

“Kung magugustuhan ko ang resulta, lahat kayong apat ay hindi na kailangang kumuha ng aking pagsusulit.”

Pero dahil sa narinig, mukhang ginanahan na ang tatlo para maisaayos ang pagtuturo kay Osmond.

At wala silang sinayang na oras. Ang sabi, kailangan raw orihinal na tula ang ipanlalaban ni Osmond. At dahil kailangan nila ng tulong ng makakapagpaliwanag kay Osmond sa maliwanag na paraan, nakiusap sila kay LL kung pwede silang bigyan ng oras para tulungan. Hindi naman nag-atubili si LL at siya pa mismo ang nag-presenta na gumawa ng tula na ipanlalaban ni Osmond. Doon pa rin sila sa bahay nila George, nag-eensayo.

“Kuya Bon, I made a poem and you need to memorize this,” si LL. “but be sure that you understand the meaning of every word of it. Don’t worry I am going to help you.”

FIL-AM BOYSUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum