♦ FAB: Chapter 50

717 35 4
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Fifty

=♦=♦=♦=♦=♦=



SINUNDAN ko si Aling Lisa. Gusto ko sanang sumagot sa kanya sa English. Pero ang hirap lalong mag-english pag ganitong tinatakasan ka ng lakas. Pag kaba ang nangingibabaw. Mahirap magpaliwanag sa salitang hindi mo magagawang malayang masabi ang eksaktong salita na gusto mong iparating.


Pero bakit ba ko sasagot pa sa English kung kakasabi niya lang sakin na sinabi na ni Lorraine sa kanya. Sinabi na  pala ni Lorraine ang tungkol sakin. Ang tungkol sa nangyari samin ng totoong Osmond. Lalo akong nalungkot.


"Sir, ayos lang ho ba kayo? Umupo ka na dyan at ipaghahanda na kita ng almusal niyo."


Umupo na ko. Tahimik pa rin ako. Naririnig ko pa rin ang kanta ni Lorraine.

 

Ooh! Come on baby.

You put my love on top, top, top, top, top.

You put my love on top.

Ooh oooh! Come on baby.

You put my love on top, top, top, top, top.

My love on top.

My love on top.


Maya-maya napagdesisyunan ko ng magsalita sa wakas at magtanong. "Pa-paano niyo po nalaman?" Ito ang unang beses nakipag-usap ako ng tagalong kay Aling Lisa.


Kasalukuyang nilalagyan ako ni Aling Lisa ng bacon at egg sa plato nang sinagot niya ang tanong ko. "Ang totoo , medyo matagal ko ng alam nung bakasyon pa lang at wala pang pasok."


"Nung bakasyon po? Paano niyo po nalaman?"


"Ilang beses ko ng narinig kayong nag-usap ni Lorraine dito sa bahay. Nagulat ako talaga dahil nagtatagalog ka. Pero kahapon ko lang nakumpirma kay Lorraine nang inamin niya sakin.."


"Inamin po ang?"


"Inamin na nga niya na siya ang nagturo sayo dati pa raw kaya nagtatagalog ka na.."


"Tapos po?"


"Wala na naman..yun lang naman ang sinabi sakin ni Lorraine.."


"Ah...yun lang po pala..hehe..ayos po yan..oo nga po tinuruan niya nga po ko." Saka ako nakahinga ng maluwag.


"Hindi na naman ako nagulat na natuto kang magtagalog dahil matalino ka Pero matatas ka na magsalita ng salita namin, Sir Osmond, nakakatuwa."


"Hehe..magaling po kasing magturo si Lorraine." Nasabi ko na lang.


"Teka, nagising ka ba dahil sa ingay niya sa pagkanta?" tanong ni Aling Lisa sakin.


"Hindi po.."


"Sigurado ka ha? Ewan ko ba dyan kay Lorraine kasi ang alam ko sa batang yan kumakanta talaga lalo na ng matataas pag yan ay sobrang malungkot. Ngayon e wala naman siyang nasasabing problema."


"Malungkot po pala siya ngayon..." kunwari wala akong alam sa kalungkutan niya. Kahit na alam na alam ko naman kung bakit siya nagkaganyan. Siguro na-mimiss na niya talaga si Osmond. Galit na galit talaga siya sakin.


Baby.

'Cause you're the one that I love.

Baby you're the one that I need.

You're the only one I see.

Baby, baby, it's you.

You're the one that gives your all.

You're the one I always call.

When I need you make everything stop.

Finally you put my love

Love on top



Natapos na sa kanta niya si Lorraine at tinigil na niya yung pag-karaoke. Umakyat na si Aling Lisa para maglinis sa taas ng bahay.


Nang natapos na ko kumain ng breakfast, kinuha na ni Lorraine ang pinagkainan ko para hugasan. Sinundan ko siya sa lugar ng hugasan dahil may gusto akong sabihin.


Ang hirap magsalita. Ang hirap kahit banggitin ang pangalan niya. Hindi gaya ng dati. Pero kailangan kong pilitin. "Lo-lorraine."


Alam kong mahina lang ang boses ko pero halos magkalapit lang kami kaya alam kong narinig niya ko. Pero wala akong narinig na sagot sa kanya.


Inulit ko uli ang pagtawag sa kanya. "Lorraine.."


Pero parang wala pa rin siyang narinig. Kaya nagpatuloy na lang ako sa gusto kong sabihin sa kanya. "Lorraine, alam kong hindi ka pa naman bingi at naririnig mo ako. Sigurado ring hindi pa ko imbisibol at nakikita mo pa ko. Alam kong ayaw mo lang talaga ko pansinin. Naiintindihan kita. Sobrang sama ng loob mo sakin. Sorry kasi kahit hindi ko ginusto na mapasama yung loob mo e nagawa ko pa rin. Alam kong ang inaalala mo si Osmond. Yung totoong si Osmond. Ah.. kanina, naka-chat ko na ang kapatid ko sa Pilipinas at humingi na ko ng tulong sa kanya.. kaya makakausap mo na si Osmond.."


Natigil sa ginagawa niya si Lorraine sa huling narinig niya sakin.


"Malalaman mo na yung lagay niya. Bukas rin ng umaga, pumunta ka na lang sa kwarto para makausap mo na siya. At sana.. sana.. mapatawad mo rin ako. Sana.. maintindihan mo ko."


Pagkatapos nun ay tumalikod na ko at akmang lalayo na pero may pahabol pa kong sinabi kay Lorraine. "Nga pala, ang ganda pala ng boses mo. Maganda rin yung kanta kaso hindi ko alam anong title."


At bago pa ko tuluyang nakalakad palayo, nagsalita rin sa wakas si Lorraine. "Love on Top title nun.. by Beyonce."



#LoveOnTop

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon