♦ FAB: Chapter 30

1.7K 101 21
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Thirty

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

NAKATIGIL at nakatayo na ngayon sa harap ng hapag-kainan sina Zaldy na karga ang anak na si AG habang nasa tabi ang asawang si Rowena at si Osmond. Napatingin sa kanila ang mga naka-upo sa mahabang lamesa. Pwera lang ang papa nilang si Roberto.

“O bakit hindi pa rin kayo mag-umpisang kumain,” seryosong sinabi ng papa nila. Mas tunog utos ito kesa tanong. “Kanina niyo pa pinaghihintay yung grasya,” para itong walang napansin o nakitang mga taong nakatayo sa harapan nila.

Hanggang sa nagsalita na rin si Zaldy. “P-pa…” at nagkaron ng di maipaliwanag na tensyon sa paligid. “K-kumusta po kayo?”

Katahimikan.

Napatingin ang lahat sa magiging reaksyon ng papa nila. Nakailang subo na ito ng pagkain pero napahinto nang nagsalita si Zaldy. Walang sagot na narinig mula sa papa nila. Bagkus, iniangat nito ang ulo upang sa wakas ay tignan sila Zaldy sa kinatatayuan nila. Mas lalong nagkaroon ng kaba sa paligid. Bukod tanging si Osmond lang ang hindi apektado sa mga nangyayari. Kung may iniisip man si Osmond ngayon, tanging yung Pizza lang.

“P-pa, si Rowena po..” patuloy ni Zaldy sabay turo sa asawa. Nilalakasan niya ang loob makapagsalita ng maayos. “Siya po yung asawa ko.”

“Good evening po…Papa,” magalang na bati ni Rowena.

Wala pa rin silang narinig na tugon kay Roberto.

Pero nagpatuloy pa rin si Zaldy. “At pa, ito pong karga ko, AG po ang pangalan niya, anak po namin,” nakangiting sinasabi ni Zaldy. “…apo niyo po.”

Katahimikan ulit.

Kahit ang batang si AG parang nakikisakay sa bumabalot na awkwardness sa paligid. Tahimik lang rin. Parang walang may gustong gumalaw. Kahit ang lumingon parang hindi pwede. Bawal rin ang mapaubo. At parang ang hirap huminga. Walang may ideya kung ano ang magiging reaksyon ng papa nila. Kinakabahan sila sa di malamang dahilan.

Maya-maya pa, nanlaki ang mata ng lahat. Tumayo sa pwesto niya si Roberto. Isa lang ang nasa isip nila, siguradong magwo-walk out ito. Siguradong ayaw pa rin nitong pansinin si Zaldy, ang asawa nito at kahit ang apo niya.

Pero mas lumaki ang mata nila nang hindi sa kwarto dumiretso si Roberto kundi papunta ito sa pwesto nila Zaldy. Dahan-dahan, kinuha ni Roberto ang apo mula kay Zaldy at kinarga ito. Hindi umiyak si AG. Bagkus, ngumiti pa ang bata na sumama sa kanyang lolo. Masayang kinarga ni Roberto ang kauna-unahan niyang apo.

Nakangiting nagkatinginan sina Zaldy at Rowena.

Para silang lahat nabunutan ng tinik kahit walang isdang ulam. Nakahinga sila ng maluwag. Pwede na ulit kumilos. Pwede ng mapaubo. Hindi na awkward. At wala ng tensyon.

Masayang isinama ni Roberto ang apo pabalik sa pwesto nya sa upuan na nasa dulo ng mahabang lamesa. Wala pa ring salita. Pero bakas ang labis labis na tuwa sa mukha.

“Apo, kakain ka ngayon kasama si Lolo,” sa wakas nagsalita na ang papa nila. Kinakausap ang kanyang apo na nakangiti lang rin sa kanya ng makaupo na ito. Gusto sanang sabihin ni Zaldy sa papa niya na hindi siya maiintindihan ni AG dahil English lang ang alam nitong salita pero pinigil na lang niya ang sarili.

“O, di ba sinabihan ko na kayong mag-umpisa ng kumain kanina pa,” binalingan naman ni Roberto ang lahat ng nasa lamesa.

“Tara na Weng, Bon, come on let’s sit and let’s eat!” aya ni Zaldy kay Rowena at kay Osmond. “Tamang-tama may dala kaming Fried Chicken at Pizza!” at naupo na si Zaldy sa bakanteng upuan habang pasunod na sana sina Osmond at Rowena na siyang may hawak na ng dala nilang pagkain.

Halos mapapalakpak ang lahat kabilang na si Osmond ng marinig yung dalang pagkain ng mag-asawa.

Pero bago pa silang lahat lubusang magalak sa tuwa, nagsalita muli yung papa nila. “Sinong nagsabi sa’yo Zaldy na kasama ka namin dito sa lamesang kakain?”

Nangibabaw na naman ang nakakatensyong katahimikan. Nawala ang excitement ng lahat. Bumalik bigla yung kaninang pakiramdam. Nakaupo na sana si Zaldy at paupo na rin sana si Rowena at Osmond pero pare-pareho silang napahinto. Lahat sila muling tumigil ang mundo.

“Hindi ibig sabihin na kinakarga ko na itong apo ko e ayos ka na rin sakin,” dagdag pa ng papa nila.

Napahiya si Zaldy at hindi maipinta ang mukha. Nakaupo na siya tapos hindi naman pala siya pwedeng kumain sa lamesa. Buti na lang hindi pa umupo yung asawa niyang si Rowena. Kung dalawa silang napahiya, baka sumagot pa si Zaldy sa papa nila.

“Okay. Sorry naman.” sabi na lang ni Zaldy. “Tutal di naman pala tayo kakain dito sa lamesa, dun na tayo sa may sala.” Sabay kuha niya ng pizza at fried chicken mula kay Rowena bago pa nito tuluyang mailapag sa lamesa.

“Hindi ba Bonifacio ayaw mo kumain ng ulam dito?” baling naman ni Roberto kay Osmond na hindi naman sya pinapansin. “sumama ka dyan sa kuya mo.”

“Pa, di ba hindi na raw nakakaintindi ng tagalog si Bonbon, bakit hindi po kayo mag-english?” pansin ni Zaldy bago pa tuluyang lisanin ang kainan. Sa pagkakataong ito, hindi na niya napigilan ang sarili.

Tinitigan sya ng masama ng papa niya. “Inuutusan mo na ko ngayon, Rizal?”

“Hindi naman po, Pa.”

“Kumilos na kayo bago pa tuluyang uminit ang ulo ko.”

“E yung anak ko po? Gusto po niya ng Fried Chicken at Pizza.”

“Hindi. Hindi mo siya papakainin ng dala niyo. Sigurado kong puro sa ganyang pagkain mo sinasanay itong apo ko. Papakainin ko sya ng kare-kare. Kailangan matuto siyang kumain ng gulay.”

“Pinapakain ko yan ng gulay pa.”

“Umalis na kayo,” nagbabanta na ang tono ni Roberto.

“Eto na nga po. Tara na Weng. Bon, we’ll eat at the living room.” Sabi ni Zaldy sa dalawa.

“Kuya, ang dami ng dala niyong pagkain, mag-iwan naman kayo samin.” Pahabol ni LL na takam na takam rin sa pagkain ng Pizza at Fried Chicken.

Narinig si LL ng papa nila. Galit na. “Lapu-Lapu, gusto mo bang paalisin rin kita dito sa lamesa?”

Pero hindi ata napansin ni LL na galit ang papa niya. “Talaga pa? YEHEY! Sama raw ako sa inyo kuya Zaldy sabi ni papa! Gusto ko ng Fried Chicken at Pizza!” at agad itong tumayo papunta kala Zaldy.

Nainggit si Delay. “I like fried Chicken and Pizza, too, Papa! Sama ko kay kuya LL!” tumayo rin agad si Delay.

Napakunot na lang ng noo si Roberto sa inis. “Sige umalis na kayong may gusto sa lintek na pizza na yan! At wag nang babalik dito!”

“Pati ako pa? Pwede umalis?” nangingiting tanong ni Jack. “Gusto ko rin ng Pizza. Pa, ang tagal ko ng hindi nakakatikim ng Pizza.”

“Sige ikaw rin Jacinto! Umalis at sumama ka na rin! Magsilayas na kayo bago ko pa kayo mabato ng mga pinggan!” asar na nga ang papa nila. Buti na lang may karga itong bata na nakakapigil para tuluyang maglabas ng galit. Kaya sinamantala rin ito ni Jack.

“Minsan lang naman po akong di kakain ng gulay!” at tuluyan ng tumayo si Jack at masayang iniwan ang lamesa.

“Buti pa itong apo ko, napakabait!” nasabi na lang ng papa nila kay AG.

“Let’s go to the living room Team Pizza!” excited na sinabi ni Jack. “Ate Mavz, team Kare-kare ka muna! Luto mo naman yan eh! Hehe!”

At kasama na nga nila Zaldy, Rowena at Osmond sina Jack, LL at Delay sa sala upang doon kumain ng Pizza at Fried Chicken. Habang ang naiwan lang sa lamesa ay si Mavz at ang papa nila na masayang karga si AG habang pinapakain ito ng kare-kare.

#TeamKareKare

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon