♦ FAB: Chapter 26

1.8K 94 28
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Twenty Six

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

JUNE pero summer na summer na talaga ang paligid. Sa Pilipinas umpisa na ng tag-ulan sabay sa pasukan. Mainit sa labas pero buti na lang lagi lang akong nasa loob ng malaking bahay na may aircon. Syempre pati ang kwarto ko may sariling aircon. Sino mag-aakala na mararanasan ko rin pala magkaroon ng sariling kwarto? Na may sariling aircon pa. At hindi basta-basta kwarto, dahil ang kwarto ko dito apat na beses ang laki sa kwarto na pinaghahatian naming magkakapatid sa Pilipinas. Pero ang pinakamasayang parte, wala ng maingay na si Kuya Jack pag gusto ko pa matulog. At wala na rin ang seryoso at palasaway na si Aldo pag gusto ko naman mag-ingay. Matagal-tagal na kaming hindi nag-uusap ng maayos nun pero wala na kong pake sa kanya.

Kumusta na kaya si LL? Naku baka inaaway na yun ng mga sinabi niya sakin na schoolmate niya na baka sundan raw siya hanggang highschool. Kumusta na rin kaya sila ate Mavz at Delay? Pwera lang siguro kay Aldo, namimiss ko naman ang mga kapatid ko. Kaya lang talaga, ayos na ayos na ko ngayon sa kinalalagyan ko. Wala na si Papa na lagi atang kumukulo ang dugo pag nakikita ako. Siguro rin masaya na siya ngayon at hindi na niya ko nakikita. Teka, hindi na ba talaga niya ko nakikita? E sigurado ko na yung katawan ko nasa Pilipinas pa rin naman. At sigurado ko si Osmond naman ang napunta run. Sorry na lang kay Osmond kung kinailangan niyang magsakripisyo para lang sa aking hiling na mapunta sa ibang katawan at magkaron ng ibang buhay. Siguro sabi ng tadhana, panahon na para maranasan ko naman ang magaan na buhay at maranasan naman niya ang komplikadong buhay. Totoo pala yung sinasabi na bilog ang mundo. Ito yung gulong ng palad. Minsan nasa ibabaw ka, minsan nasa ilalim ka. Dito muna ko sa ibabaw, Osmond. Tiis ka lang muna sa ilalim.

Medyo sinasanay ko pa rin ang sarili ko sa mga bagay-bagay dito. Minsan, napapahanap pa rin ako ng tabo kapag magsi-CR. May pagkakataon na binibilisan ko pa rin ang pagligo ko kahit wala na naman palang naghihintay sakin na kasunod dahil pati banyo ay akin na akin lang. May bath tub ako. May shower. Tapos yung tubig napipili kung gusto mo ng malamig o mainit. Ibang klase talaga dito. Buti na nga lang nandito si Lorraine para tulungan ako. Maganda rin ang cellphone ni Osmond. Iphone raw ang tawag dito na naririnig ko lang dati. Minsan yan naman ang ipapaturo ko kay Lorraine. Ang gaganda rin ng damit niya. Ang alam ko hindi naman siya lumalabas pero mukhang pang-pormahan naman ang halos mga damit niya. Baka ganoon talaga ang mga mayayaman? Nakaporma kahit nasa loob lang. Ang dami-dami ring libro ni Osmond. Meron siyang malaking-malaking lagayan nito. Naalala ko tuloy yung library sa school. Nung magkasama kami ni Claire na nagbabasa. Claire, Claire, Claire. Bakit kaya ang dami-daming bagay ang nagpapaalala sakin sayo. Ganun ba talaga pag unang beses na pag-ibig? Hindi basta-basta makakalimutan. Korni talaga. Pero totoo sa nararanasan ko.

Wala naman akong balak magbasa ng maraming libro ni Osmond. Isang bagay lang siguro ang nagagamit ko ng husto dito sa kwarto niya – yung sarili niyang computer. Hindi ko na kailangan mag-rent sa comp shop. Meron na kong sariling gagamitin kahit anong oras ko gusto. Malalaro ko na uli yung mga gusto kong games na hindi kailangan isipin kung hanggan saan lang ang oras na kaya ng baon ko.

Kasalukuyan akong nasa harap ng computer. Magfe-facebook ulit ako. Nung isang araw nag-facebook na ko. Wala naman bago.Pero hindi ako nagpapakitang online, mahirap na. Nakikiramdam lang ako sa nangyayari sa Pilipinas. Tinitignan ko lang kung ano mga pino-post nung  mga kaibigan ko at ng mga kapatid ko sa mga status nila. Pagbukas ko ng account ko. Nagulat ako. Ang dami kong notifications mga 1000 pataas. 800 pataas na friend requests. At 500 pataas na messages. Ano kaya nangyari sa katawan ko sa Pilipinas? Inuna kong tinignan ng mabilisan yung mga friend request. Mga kakilala ko yung karamihan. Mga kapitbahay namin pati yung Brgy. Chairman ina-add na ko. Mga schoolmates ko na ang alam ko nabubwisit samin ng mga tropa kong boys at the back. At mangilan-ngilan na di ko na kilala. Anong nangyayari? Nakita ko yung mga messages at mga naka-post sa wall ko, halos pare-prehong ganito ang nakalagay:

Bonbon idol ka na namin!

Sana maging friends na tayo!

Paano mo nagawang maging magaling sa English bon turuan mo ko?

Totoo bang nabato ka lang ng bola naging ingglesero ka na ha?

Hero ka na bon! Astig nasa TV ka pa!

Hahaha! Bat ka nagpakilalang Osmond!?

Ikaw po ba si Osmond at si Bonbon ay iisa? Papasok na po ko sa school niyo!

eOw pfH0uH pweDi pF0uH bVha maKiFagFrEnzZ?!

 

ANONG NANGYARI?!

 Bakit ang dami kong messages? Kailan pa may naging interesado sa buhay ko?

Bakit alam nila ang pangalan ni Osmond???  Kinabahan ako bigla at napaisip.

 Ano kayang nangyari sa katawan ko? Ano kayang nangyari kay Osmond?

Pero nawala lahat ng iniisip ko nang mapadungaw ako bigla sa labas ng bintana ng kwarto ko. May bintana rin mula sa isang bahay na katapat na katapat ng bintana ko. Nakita ko na to nun pero sarado lang naman lagi. Parang ngayon lang mabubuksan. May tao na kasing unti-unting iniaangat yung harang ng bintana. Bumubukas na ito ng tuluyan kaya naagaw nito ang atensyon ko. Lalo itong nakaagaw ng pansin sakin ng magpakita kung sino yung nagbukas ng bintana sa kabilang bahay. Isang babae. Magandang babae. Blonde hair rin. Amerikana rin. Nakatali ang buhok niya. Simple lang siyang manamit at ang dating niya. Pero maganda talaga siya. Kahit may kalayuan, kitang-kita ko yung mga mata niya na iba ang kulay. Hindi ko alam kung anong tawag sa kulay na yun dahil mahina rin ako pagdating sa mga kulay. Basta parang pinaghalong kulay. Di ko napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa bintana. Namangha kasi talaga ko sa simpleng lakas ng dating niya.

Nakadungaw na nga ko sa bintana ng kwarto ko. Napansin na niya ko. Nakangiti siya bago niya ko makita. Pero mabilis nawala yung matamis niyang ngiti nang tuluyan na niya kong makita. Nagtago yung magandang mukha niya nang sinimangutan niya ko. Nagsalubong yung dalawang kilay niya. Galit siya sakin? Pero bakit? Anong ginawa ko sa kanya? Namboboso ba ko? Pero hindi naman siya nagbibihis ah. Ayaw ba niyang tinitignan siya? Kaya tumalikod agad ako. Pagkatapos ng isang minuto, tinignan ko ulit kung nandun pa rin siya sa bintana niya. At mas lalo akong nagulat kasi nandun pa nga siya at galit na galit pa rin ang mukhang nakatingin sakin tapos may hawak na siyang malaking papel na may nakasulat ng ganito:

“I DON’T WANNA SEE YOU ANYMORE!”

At doo’y padabog at maingay niyang sinara muli yung bintana niya. Inaano ko kaya yung babaeng foreigner na yun? Kala niya di ko naintindihan yung sinulat niya ah. Ayaw raw niya ko makita. Bakit gusto ko rin ba siya makita ha? Maganda nga at malakas ang dating niya pero di ko type mga foreigner. Di ko siya gusto no. Si Claire nga gusto ko sabi. Ganito pala mga babae sa Amerika, pakiramdam nila gustong gusto sila makita ng mga lalaki.

Teka lang? Ano ba tong pinaglalaban ko? Si Osmond nga pala ang nakikita niya sakin. E inaano kaya siya ni Osmond? Ano kayang masamang ginawa sa babae sa bintana nitong si Osmond? Hindi kaya sinilipan ni Osmond yung babaeng yun nung nagbibihis ito minsan? Bwisit!

#BabaeSaBintana

 ***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon