♦ FAB: Chapter 32

1.5K 74 14
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Thirty Two

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

LITERAL na nakanganga lang si Lorraine habang pinapanood akong maglaro. Hindi siya makapaniwala. Ngayon lang siguro niya talaga nakita na naglalaro ng basketball ang kinababaliwan niyang Sir Osmond. Sa sobrang galing ko mag-shoot ng bola kahit sa malayuan, natambakan na namin ang iskor ng kalabang grupo.

Hindi nga lang si Lorraine ang maaaring nabibilib sa akin ngayon kundi lahat sila. Napapakamot na ng ulo ang mga matatangkad na amerikanong kalaban namin. Hindi naman maipaliwanag ang galak sa mukha ni Leroy.

“Pambihira! Kung dati pa pala kitang ka-grupo sa basketball, edi sana dati na rin ako nananalo sa mga pustahan!” nasabi ni Leroy ng magpahinga kami bago ang huling round ng laban.

“Ikaw talaga kuya! Hindi ka na makikipagpustahan pa sa mga larong yan, ah! Sports kasi yan ginagawa mong sugal! Dinadala mo rito yang mga natutunan mo sa Tondo, eh!” saway sa kanya ni Lorraine na pagkatapos akong abutan ng tubig, pinagbuksan naman ako ng sandwich.

“Mamaya na lang pagtapos ng laro ako kakain. Tubig lang muna,” pigil ko sa pag-abot nya ng sandwich.

“O sige, punasan na lang muna natin yang pawis mo! Grabe! Ngayon lang kita nakita na ganito pagpawisan! Ang hot mo! Joke!” sabi ni Lorraine habang tinatangkang punasan ako ng pawis sa ulunan ko pero pinipigilan ko rin siyang gawin niya dahil kaya ko naman ito gawin mag-isa. Sa sobrang pilit niya, nahawakan ko tuloy yung mga palad niya. Kaya ayan, na-tahimik uli siya. Pustahan, kinilig na naman.

“Lorena, ikinahihiya ko na kapatid kita. Ka-babae mong tao at fifteen ka pa lang, ang harot-harot mo,” asar na naman ng kuya Leroy niya at doon uli natauhan si Lorraine.

“Maharot na ba yun? Nagmamagandang loob lang ako. Tinutulungan ko lang naman siyang punasan ang pawis niya!”

“Why don’t you try wiping my sweats instead of him? Sure it’ll be fine with me, Lorraine,” biglang singit sa usapan nung Fil-Am na kagrupo namin na kanina pa nakikinig sa mga pag-uusap namin. Nakakaloko ang ngiti niya kay Lorraine. Nakakaintindi pala ng Tagalog. Buti hindi nagtaka na nagsasalita rin ako ng tagalog. Malamang pinaliwanagan na to ni Leroy.

Binigyan siya ng napakasamang tingin ni Lorraine. “Got two hands, right? Wipe your face out of my sight!!”

“Kita mo yan? Nagpapatulong lang rin naman si Harry magpapunas ng pawis niya, tapos ayaw mong tulungan. Kala ko ba nagmamagandang loob ka?” pang-aasar pa uli ni Leroy.

“Kapatid ba talaga kita? Bakit talagang yang Harry pa ang ipinagtanggol mo! Tsaka bakit ko ba yan tutulungan eh hindi naman siya ang amo ko noh!” pagtataray pa ni Lorraine na nginingitian na lang namin.

“Oo na, sige na hindi ka na maharot! Hahaha!” sabi na lang ni Leroy. Pagkatapos nagsibalik na kami sa court para sa huling laro namin.

PALAKPAK ng palakpak at sigaw ng sigaw si Lorraine na akala mo nanggaling sa maraming tao ang ingay. Mag-isa lang naman siya na nanunuod sa laro namin. Basta hiyaw siya ng hiyaw lalo na pag nakaka-shoot ako. Sabagay, ako lang naman ang halos at madalas nakakapag pa-score sa grupo. Hanggang sa nanalo na nga ang grupo namin nila Leroy.

Hangang-hanga lahat sila sa husay ko mag-basketball. Si Leroy, pakiramdam ko proud na proud siya sakin dahil panay ang sabi niya sa mga nakalaro namin na ako raw ang ‘best buddy’ niya. Si Lorraine rin alam kong proud at sa sobrang galak nga ni Lorraine, sinalubong niya ko ng yakap pagpunta namin sa gilid ng court sa may upuan.

“Ay, sorry! Hehe!” sabi sakin ni Lorraine. “Heto yung pamunas mo.”

“Salamat,” nakangiti ko na lang na kinuha yung pamunas na inaabot niya

“Coo! May payakap-yakap na ang kapatid kong nagmamagandang loob sa amo niya ha,” si Leroy. “Buti pa si Osmond may dala kang tuwalya pamunas ng pawis. Sa kapatid mo kahit dyaryo wala kang dala.”

“Tigilan mo ko kuya. Ilang taon ka ng naglalaro ng basketball, alam mo na dapat na kailangan mo magdala ng sarili mong pamunas ng pawis,” sagot sa kanya ni Lorraine.

“You won, Leroy. Ready for your prize?” biglang sigaw nung isa sa mga kano na nakalaban namin.

Akala namin walang perang pustahan pero nagulat kami dahil may pustahan pa rin palang pinag-usapan si Leroy at ang kabilang grupo.

“Nakipagpustahan ka na naman!?” galit na tanong ni Lorraine kay Leroy.

“Oo,” pag-amin ni Leroy.

“Ba’t ba ang kulit mo kuya! Kailan ka ba titigil dyan?”

“Last na ‘to. Besides, hindi naman pera itong pustahan namin ngayon, eh.”

“ANO?” sabay na tanong namin ni Lorraine.

“Ice Cream. Manlilibre ng ice cream ang matatalo. Unless, ayaw niyo ng ice cream, pwede na naman kayong umuwi at kami na lang ni Harry ang ililibre nila. So, gusto niyo bang sumama o hindi?”

“Cookies and cream sakin,” sagot ni Lorraine.

Tinawanan siya ng kuya niya. “Anong flavor sayo, bro?” tanong naman sakin ni Leroy.

“Sige pareho na lang rin ng kay Lorraine,” sagot ko.

Ang saya. Nakapaglaro na nga ko ng basketball. Nanalo pa. May libre pang ice cream. Ang sarap ng ice cream ngayon lalo na’t summer.

#IceCream

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon