♦ FAB: Chapter 19

2.6K 107 45
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Nineteen

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

LAKAD. Lakad pa. At lakad pa ulit.

Hindi alam ni Bonbon, o mas dapat - ni Osmond, kung saan siya pupunta. Hindi siya pamilyar sa mga nadadaanan niya. Kahit naman sa totoong lugar na pinanggalingan niya, hindi siya ganun ka-pamilyar lalo pa't hindi siya mahilig lumabas ng bahay. Isa siyang home boy. Mas gusto niya ang nagkukulong sa kwarto. Kung hindi nga lang siya pumapasok sa school baka hindi na siya tuluyang nasikatan ng araw.

Tuluyan na siyang nakatakas doon sa ospital. Pero pagod na pagod na siya. Hingal na siya. Kailangan niyang maupo. Kailangan niyang maisandal ang likod. Kailangan niyang iunat ang mga binti at mga paa. Huminto muna siya sa paglalakad.

Napalingon siya sa paligid ng hinintuan niya. Isa itong park. Malawak na park na maraming puno, may mga bench, may playground, may mga paikot ikot na nagbibisikleta at kung anu-ano pang pasyalan. May mangilan-ngilan na na tao. Magdidilim na rin. Sa park na ito, bigla siyang may naaalala mula sa pinanggalingan niyang lugar na may park rin. Medyo mas maganda lang ng di hamak ang sa pinanggalingan niya. 

Gusto sana niyang doon umupo sa isa sa mga bench pero mas pinili niyang sa lapag umupo. Sa may damuhan kung saan may isang puno na pwede pa niyang sandalan. Mas masarap ang pakiramdam niya sa ganitong pwesto lalo na't maiuunat pa niya ang kanyang mga paa.

Nakaupo at nakasandal na nga siya sa isang malaking puno. Bumuntong hininga siya. Nakaramdam siya ng uhaw pero pinilt niyang labanan ang uhaw na nararamdaman. Itinuon niya ang pag-iisip sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

Siya si Osmond. Isa siyang Amerikano. Pero bakit ibang tao ang nakita niya sa kanyang repleksyon sa salamin sa CR kanina. Ibang lahi. Tulad nung mga taong kanina'y kinakausap siya sa isang lenggwahe na pamilyar sa tenga nya pero hindi niya naiintindihan. Bakit gumising siya sa ibang lugar at hindi sa kwarto niya sa Amerika. Anong lugar to? Sino ang mga taong iyon? Paano nangyari ang lahat ng ito? siguradong-sigurado siya na hindi siya nananaginip. Marami ang mga tanong na nabubuo sa isip niya.

Hanggang sa inalala niya ang huling pangyayari bago siya kanina gumising sa isang kwarto sa ospital. Nang tuluyan niyang naaalala ang mga iyon, nabigla siya. Hindi siya lalong makapaniwala. Naaalala na nga niya!

Nung isang hapon, humiling siya ng isang bagay. Isang matandang lalaki ang nagturo sa kanya na gawin iyon. Sa pamamagitan ng isang link ng website na binigay sa kanya nung minsan at unang beses siyang pumunta sa Park sa kanilang lugar. Hiniling niya na mapunta sa ibang katawan ng tao. Para tuluyan niyang magawa at masabi ang mga bagay na alam niyang hindi niya kaya at takot siyang gawin at sabihin sa sariling katawan. 

Nang hapong iyon naramdaman niya ang pinakamalungkot na sandali ng buhay niya. Nagkulong lang siya sa kwarto. Humiga sa kama. Umiyak. Masamang masama ang loob. Pumikit siya. Doon niya buong puso binulong ang kanyang naging hiling. At pagkatapos ay nakatulog na lamang siya ng tuluyan dala ng sobra-sobrang kalungkutan.

At heto nga siya ngayon. Ibang tao na. Nasa katawan na ng kung sino. Matutuwa na ba dapat siya? Titigilan na ba niya ang maraming pagtatanong? Ano na ba ang gagawin niya? Hindi niya nga alam kung nasaan siya. Bakit hindi siya mukhang nasa Amerika? Bakit mukhang nasa malayo siyang lugar. Ibang bansa. Hindi niya alam na magkakatotoo ang hiling niya. Pero sobra-sobra atang pagiging iba ito. Iniisip niya nun, na kung magiging ibang tao siya, sana katulad lang ni Liam. Yung schoolmate niya na bumu-bully sa kanya. Sikat na sikat sa school nila dahil sa malakas na pangangatawan. Magaling sa sports at magaling makipag-usap sa babae. Malakas ang self-confidence. Mga bagay na kabaligtaran niya. 

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon