♦ FAB: Chapter 35

1.7K 65 3
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Thirty Five

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

“HAPPY BIRTHDAY OSMOND!”

Nakasulat sa papel na bungad na bati ni Taylor kay Osmond. Ganun pa rin, nasa bintana ito kaharap ng sa kanya. Sobrang laki ng ngiti ni Osmond na sa umaga ng kanyang espesyal na araw, ang bating iyon ni Taylor ang sumalubong sa kanya. Hindi niya akalain na maaalala ni Taylor ang kanyang kaarawan.

Siyempre sumagot agad siya: “SO THOUGHTFUL OF YOU! THANKS MS. LOVELY.”

“WELCOME, MR. COOL.”

“HAPPY ANNIVERSARY TO US!” sabi pa ni Osmond.

“OH YES. IT IS OUR FRIENDSHIP ANNIVERSARY TOO.”

Maya-maya pa, may kumatok sa kanyang pinto.

“JUST A MINUTE.” nagpaalam muna siya kay Taylor.

Alam na ni Osmond na mommy niya iyon. Ganun lang ito lagi magpaalam pag aalis na sila ng Daddy niya. Umaasa pa rin si Osmond na baka sa taong ito, di gaya ng maraming taon, maaalala na ng parents niya na birthday niya ngayon. Na hindi na nila makakalimutan ang kaarawan ng sarili nilang anak. Umasa siya na may susunod pang sasabihin ang mommy niya. Hindi niya nga ni-lock ang pinto niya dahil umaasa rin siya na baka buksan pa nito ang pinto at pumasok sa loob upang yakapin siya at batiin.

“Sweetie, we’re leaving, eat your breakfast, okay? Bye!” pero yun lang ang sinabi ng mommy niya. Wala ng kasunod na happy birthday. Sigurado siyang babatiin na naman siya ng late ng mga ito. At sigurado siyang magso-sorry lang sila ulit sa kanya at bibilhan na lang siya ng kung anong bagay para masabing nakabawi man lang sa regalo.

Kung tutuusin ay pwede naman niyang sabihin sa mga magulang niya at ipaalala na birthday niya ngayon. Pero hindi niya ginagawa. At sinong anak ba ang nagpapaalala pa sa sariling mga magulang sa araw ng kapanganakan ng kanilang anak? Isa pa, hindi masalitang tao si Osmond. Hangga’t kaya nga niya itago sa sarili lamang ang lahat ng hinanakit niya sa paligid, gagawin niya.

Kabilin-bilinan niya kay Aling Lisa at Lorraine, wag na wag ipapaalala sa mga magulang niya na birthday niya. At sinusunod naman ng mga ito. Si Lorraine tuwing birthday niya, nagbe-bake ng maliit na cake bilang regalo. Kung pwede nga lang sana makuntento na lang siya sa pagbati ng anak ng kasambahay nila. Pero kulang na kulang pa rin at hindi basta basta matatakpan ang katotohanan na hindi siya naaalala ng sariling magulang.

Pero pagdating kay Taylor, nabibigyan siya ng ibang klaseng pag-asa. Parang lagi siyang handang maghintay sa magagandang pangyayari dahil kay Taylor. Lalo siyang masaya dahil alam niyang si Taylor ay hindi nakalimot sa birthday nya na hindi niya inasahan.

Pero ano nga ba ang kaibahan ng pagbati ni Taylor sa pagbati ni Lorraine? Si Lorraine na maliliit pa lang sila ay kakilala na niya. Bakit nararamdaman niyang mas masaya siya sa pagbating natanggap kay Taylor. Higit na masaya.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now