♦ FAB: Chapter 53

644 28 3
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Fifty Three

=♦=♦=♦=♦=♦=♦



"CAN you make Taylor forgive me? Can you do that for me?" tanong sakin ni Osmond.


Naiintindihan ko naman ito. Hindi na kailangang i-translate pa. Pero hindi agad ako nakasagot sa kanya. Medyo di ko rin inasahan na sasabihin niya to.


Napatingin ako kay Lorraine na katabi ko pa rin. Nakita ko sa mukha ni Lorraine ang pagkabigla rin sa narinig.


Maya-maya, sumagot na rin ako. "Sorry.. I don't like doing that." Oo nag-english ako. Napa-english ako. Medyo nagsasanay na rin talaga ako magsalita ng English tulad ng turo sakin ni Lorraine. Nagpapa-translate lang ako pag talagang hindi ko na masundan ang sinasabi ng kausap ko.


Nakita kong lumungkot ang mukha ni Osmond. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko na ganun pala ang itsura ko pag malungkot. Walang tao naman siguro ang nananalamin o kinukuhaan ang sarili ng picture pag malungkot sila. O kung meron man, di ko alam ang dahilan.


Nang makita ko sa video chat yung malungkot na mukha ni Osmond o malungkot na mukha ko na nasa kanya ngayon, yung mukha niya na parang naglaho lahat ng pag-asa sa mundo, bigla akong nakaramdam ng awa. Lalo na't sarili kong mukha ang nakikita kong yun. Pero wala akong magagawa, hindi ko lang kaya ang pabor na hinihingi niya. Bakit ako gagawa ng isang pabor sa kanya? Tapos na ang araw na gustung-gusto ko ang tumulong sa iba lalo pa't alam ko ang pakiramdam na nababalewala. Pero kasi.. ang dami ng nangyari sa buhay ko na hindi mabuti ang nadulot sakin ng pagmamalasakit ko. Pakiramdam ko mas ayos na to na hindi na ako papasok sa mga bagay na wala naman akong kinalaman o pakialam.


"I understand.." yun na lang ang nasabi sakin ni Osmond. Malungkot talaga siya. Naiintindihan ko naman na dahil ako yung nasa katawan niya kaya ako ang pwedeng makagawa ng gusto niyang mangyari. Pero sa tingin ko, wala talagang mabuting idudulot ito sa akin. Syempre kailangan isipin ko na rin ang sarili ko kahit papano.


"Bon, bat ayaw mo gawin yung hinihiling ni Osmond sayo? Hindi ka naman ganyan ah. Ang Bonbon na kilala ko, laging handang tumulong kahit sa ibang tao. Matapang pero may puso." Komento ni ate Mavz . Hindi ko alam ang isasagot kay ate. Para akong napahiya. Alam kong tama si ate. Kadalasan, hindi ako tumatanggi sa mga pabor ng ibang tao lalo na kung may magandang dahilan. Lalo na pag kaya at may magagawa ako. Pag makakatulong talaga ako. Sana lang pwede ko ipaliwang kay ate lahat ng nasa loob loob ko.


"S-sensya na ate.. pero kasi pakiramdam ko hindi ko kayang gawin yun.. pano ko gagawin yun.. hihingi ako ng tawad sa taong hindi naman ako ang gumawa ng kasalanan.." nasabi ko na lang kay Ate Mavz.


"May point ka.. pero kasi sa posisyon nyo ngayon, ikaw lang ang pwedeng makagawa sa hinihingi ni Osmond. Andyan ka sa katawan niya e. At andito naman siya sa katawan mo. Teka, alam ko na.. para quits kayo bakit hindi ka rin humingi sa kanya ng pabor."


"Anong pabor?" tanong ko.


"Kasi alam ko naman na matagal na ang samaan nyo ng loob ni Aldo. Hindi na kayo nag-uusap ng maayos di tulad ng  dati na mga bata pa tayo. Nasasaktan at nalulungkot ako alam mo bas a nangyayari sa inyo tapos lalo pang nilalayo ni Aldo ang sarili nya hindi lang sayo kundi samin lahat. Alam mo bang kwinento sakin ni Jack na nasuntok ni Aldo si Osmond dahil syempre alam niya ikaw sya. Ganun na katindi ang galit nya sayo.. at alam ko na ang dahilan...dahil sa isang babae. Sabi ni Jack, yun raw yung Claire. Yung Claire raw naging girlfriend ni Aldo. Syempre hindi naman nya pinaalam satin dahil di pwede yun kay papa. Tapos naghiwalay sila at ikaw bon ang sinisisi nya kaya sila naghiwalay dahil may gusto ka rin pala dun sa Claire. Nakakalungkot lang na dahil sa isang babae mag-aaway kayo. Ang akin lang bakit hindi mo sabihin kay Osmond na gumawa rin sya ng paraan para magkabati naman kayo ni Aldo."



"Tama! Oo hihingi rin ako ng pabor kay Osmond!" bulalas ko matapos marinig ang mga sinabi ni ate. Parang may bumbilya na nagliwanag sa ulo ko.


Natuwa si ate Mavz nang marinig niya yung sagot. Si Lorraine tahimik lang. Si Osmond litung-lito na ang mukha.


"Para quits na kami, gagawin ko ang hinihingi niyang pabor. Ako ang gagawa ng paraan para magkabati sila nung babaeng sinasabi niya. Pero siya naman ang gagawa ng paraan para magkalapit kami ni Claire. Ligawan niya si Claire para sa akin. Gawin niya to para sakin."


Naglaho yung tuwa sa mukha ni Ate Mavz. Hindi ito ang inaasahan nya mula sakin. Kumunot rin ang noo ni Lorraine.


Oo, ito ang naisip ko naman na pabor kapalit ng pabor na hinihingi nya sakin. Pagkatapos ng lahat ng sinabi ni ate Mavz, nakumpirma ko lalo na hiwalay na nga si Aldo at si Claire. Naisip ko, ito na ang pagkakataon para maging girlfriend ko na si Claire. Tamang-tama ito para pag dumating na yung oras na babalik na kami ni Osmond sa totoo namin katawan, ako na ang mahal ni Claire. Sigurado akong di mahihirapan si Osmond dahil matalino siya at ito ang mga gusto ni Claire.


Kung dati, halos ayaw ko ng bumalik sa dati kong katawan, ngayon naman e lalo akong nanabik na sana mahanap na naming ang paraan para magkapalit na kami ni Osmond. Alam ko naman na hindi ko talaga nakalimutan si Claire. At hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataong ito na ako naman ang makikita niyang nagmamahal sa kanya. Baka ito na ang kapalit ng lahat ng sakit na nadulot nila noon sakin.


"Hoy bon ano yang pinagsasabi mo na liligawan naman ni Osmond si Claire.. edi lalo lang kayong mag-aaway ni Aldo..At pwede ba Bon, pag-aaral muna ang intindihin nyo, alam mong ayaw ni papa yang mga ganyan. At ang sabi ko di ba pagbatiin kayo ni Aldo at hindi lalong pag-awayin." Tutol ni ate Mavz sa gusto kong mangyari.


"Oo nga bakit mo uutusang manligaw si Sir Osmond sa babaeng di naman nya gusto! Di naman nya mahal!" sabat naman ni Lorraine.


"Bakit sya rin naman inuutusan nya kong humingi ng tawad sa taong wala akong pakialam at di ko kilala.. kaya quits lang kami ditto. At pwede ba Lorraine, kami ang magdedesisyon dito. Mga katawan namin to." Napataas ang boses ko. Buo na kasi ang desisyon ko. Papayag ako sa pabor ni Osmond kung gagawin nya rin yung pabor na gusto ko. Alam kong na-disappoint ko si Ate at si Lorraine pero ito na ang desisyon ko at hindi na mababago.


Kaya kahit hindi maayos ang pagkakasabi ko sa English kay Osmond ang tungkol sa kondisyon ko, naitawid ko naman ito ng maayos dahil naintindihan naman niya. Alam ko kasi na di ako tutulungan nila Ate Mavz at Lorraine na mag-translate nito dahil nga di sila pabor sa gusto ko.


Pero masaya ako kasi sa huli, pumayag rin si Osmond sa ideya ko. Pinaliwanag ko na pareho kaming makikinabang dito sa huli pagbalik namin sa sarili naming katawan.


Wala na ngang nagawa pa sila ate Mavz at si Lorraine.



#Deal

FIL-AM BOYSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt