♦ FAB: Chapter 23

1.9K 100 29
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Twenty Three

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦==

"OSMOND! OSMOND!!"

Maingay at kanya-kanyang sigaw ang mga batang babae na dumumog kala Osmond. Si Jack at LL nagmistulang security guards para lang harangan yung kapatid na pinagkakaguluhan. 

"Idol ka po namin! Isa kang hero!!!"

"Ang galing mo po mag-english!!!"

"Sana po maging friends ka namin!"

"Pwede po magpa-picture?!"

"Gusto ko po magpa-autograph!"

"We love you Osmond!!!"

"Kailan pa tayo nagkaron ng kapatid na artista!? Osmond talaga ang tawag nila kay Bonbon?" sabi ni Jack sa gitna ng mga ingay. "Ano ba tong mga batang ito! Nasa matinong pag-iisip ba sila ha!?"

"Ay nakakaloka nga kuya!" sabi naman ni LL.

"Anong sabi mo? Nakakaloka? Para ka naman bading nyan e!"

"Ha? Hindi ah...anong nakakaloka?! ang sabi ko nakakaloko sila.. mga nakakaloko yung mga kilos nila!"

Tulad ni LL, mga incoming first year students lang rin ang mga babaeng ito. Simula nung napanood nila yung balita sa TV nang niligtas ni Osmond bilang si Bonbon yung matanda, napukaw ni Osmond ang atensyon at paghanga ng mga batang ito. Lalo na nang kumalat ang balitang sa Capitol High School nag-aaral si Bonbon, maraming kabataan ang dito na ginustong magpa-enroll at hinintay talaga nila hanggang ngayon ang huling araw ng enrollment para sa mga late enrollees para maabangan ang pagdating ni Bonbon. Pero dahil nagpakilala si Bonbon sa national TV sa pangalang Osmond ng manawagan ito, ito na ang pagkakakilala at tawag sa kanya ng mga mistulang fans niya lalo pa't hindi naman nila siya kilala ng personal.

Kung mga ibang year-level students lang ng Capitol High School na kilala na si Bonbon bilang lider ng nagsisiga-sigaang grupo na Boys at the back ang tatanungin, hindi pa rin sila nabibilib kay Bonbon. Lalo pa't ang alam nila ay isa lamang ito sa mga estudyanteng mahihina ang ulo at puro pakikipag-away lang ang alam gawin. Ganunpaman, totoong nagulat rin sila ng mapanood ang pag-iinggles ni Bonbon at pagpapakilala nito sa pangalang Osmond sa TV.

"HOY! MAGSITABI KAYO! ALIS! WAG KAYONG HUMARANG! GUSTO KO MAKITA YUNG PINAGKAKAGULUHAN NIYO!"

Bigla'y may mga sumulpot na tatlong estudyanteng lalaki sa mga nagkakagulong mga babae. Mga incoming first year rin tulad ni LL. Sa tabas ng mga itsura pa lang, alam mong naghahanap na ng away ang mga ito.

Namutla si LL. Nakilala nya yung tatlong ito. Tuluyan na siyang nilamon ng kaba. Ito ang mga schoolmates niya ng elementary na iniiwasan niya. Bago pa siya makita't makilala ng mga ito ay madali siyang umalis sa kumpulang iyon.

"Saan ka pupunta LL!?" puna ni Jack pero hindi na nito napigilan ang kapatid na makalusot sa mga taong nasa paligid.

"Teka sino ba kayong mga malalaking bata kayo?!" tanong ni Jack sa tatlong lalaking umepal.

Walang pumansin sa tatlo sa tanong ni Jack at nagsalita ang nasa gitna na pinakamatangkad at pinakamalaki rin sa kanila. Nakatingin ito kay Osmond na sasabog na ata ang utak sa sobrang walang maintindihan sa mga nangyayari at sinasabi ng mga nasa paligid niya. "Ikaw pala yung nasa TV. Ang iba kong balita, magaling ka raw sa bugbugan at lider ka ng grupo ng mga siga dito sa school na to?"

"Aba bastos kang bata ka ah, kinakausap kita!" pagalit na sinabi ni Jack na dinuro ang nagsalita.

Hinawakan ng lalaki ang hintuturong pinanduro ni Jack at dahan-dahang hinigpitan ito sabay sabing "Bakit? Anong gagawin mo samen kung bastos ako?"

"A-aw.. yung daliri ko... Huhu!" mabilis na hinila ni Jack yung hintuturo niya ng makaramdam ng sakit. "Hehehe! Wala naman akong gagawin! Sige tuloy mo lang yung sinasabi mo!" sabay hawak sa daliring inipit.

Di hamak na mas matanda si Jack sa kanila na kakagraduate pa lang ng elementary pero alam niyang tiklop siya. Hindi niya kayang makipaglaban ng pisikal. Hanggang daldal lang siya. Kung sa Science lang siguro ang labanan baka di siya umatras. Pero duwag siya. Hindi siya si Bonbon. Lalo na at konti na lang ang ay makakapantay na niya sa sila sa height. Ang tatangkad na bata. Parang mga pang highschool na ang laki! Alam rin ni Jack na si Bonbon lang ang bukod tangi sa kanilang magkakapatid na kayang makipagbasagan ulo. Walang kinatatakutang nanghahamon ng away. Lalabanan niya hangga't kaya niya.

"Bon, ikaw na bahala sa kanila ah." bulong ni Jack kay Osmond. "What I mean is you better get ready to knock them off because they seem looking for a fight."

"What?! Do I even need to fight back? Just me? No way I will fight against anyone!" sagot sa kanya ni Osmond.

"Ano ba yan pati ba pakikipag-away nakalimutan mo na rin! Malas naman oh! Teka nasan na ba yung mga gwardya rito!" nasabi na lang ni Jack na napahawak ang palad sa noo.

Nagsalita uli yung lalaking nasa gitna. "Di ba Bonifacio raw ang pangalan mo.. at Bonbon ang tawag sayo. Alam mo bang matagal na kitang kilala dahil pinagyayabang ka samin ng kapatid mong si Lala. At masaya talaga ako na makaharap ka ngayon!" nakangising sinabi niya.

"Sinong Lala? Wala kaming kapatid na Lala!" singit ni Jack.

"Di ka ba tatahimik dyan?" paninindak nung lalaki kay Jack.

"Hehehe, eto naman. Tatahimik na nga po."

Nagpatuloy uli yung lalaki sa pagsasalita na kanina pa nagpapakaseryoso at nasa nananakot na tono. "Pero mukhang maling pangalan ang nakarating sa amin ah. Hindi yata Bonbon ang dapat naming itawag sayo. Dahil nagpakilala ka naman na Osmond, siguro mas maganda kung tawagin ka naming....Monmon."

Sabay tawa ng dalawang asungot niyang kasama na nasa magkabila niyang gilid. Walang ibang tumawa. Yung dalawa lang talaga na sa wakas narinig na rin ang mga boses.

Nagbulungan yung mga babae na nakapalibot.

"Sino ba yang mga maangas na yan? Nakakatakot."

"Bakit parang inaaway nila si Osmond naten?"

"Pero ang cute ng Monmon na name ah."

"They said they will call you Monmon instead of Bonbon. Hehehe." bulong na naman ni Jack kay Osmond. "Don't you think it's cool though? Hehehe." 

Sa wakas, sumagot na rin si Osmond sa kanila "I appreciate the nickname you just given to me, but to tell you frankly, I do not know any of you and I can't waste my time to another set of strangers like you."

Nagpantig ang tenga ng lalaking kanina pa nagsasalita. Ewan kung naintindihan nito ang sinabi o baka kaya nagalit dahil walang naintindihan. Akmang susugurin na niya upang suntukin si Osmond. Pero mabilis na sumigaw at humarang ng buong pwersa ang mga babae sa paligid. Nagkapit-bisig sila at nagmistulang matibay na shield at hindi na nakalapit ang mayabang na bago ring estudyante at ang dalawa pang kasama nito.

Maya-maya pa dumating na ang dalawang gwardya para mangialam na sa nangyayaring kaguluhan. Kasama nito ang istriktang Guidance Counselor na si Mrs. De Guzman. Mabilis naman na nakatakas yung tatlo nang makita ang mga bagong dating.

"STUDENTS!! ANONG KAGULUHAN TO!!?" bungad ng guidance counselor. Unti-unting humiwalay sa pagkakapit-bisig ang mga babaeng estudyante at iniluwa si Osmond na katabi pa rin si Jack.

"BONIFACIO DELA CRUZ?!" malakas na sinabi ng guidance counselor sa gulat na gulat pa rin na si Osmond. "TO MY OFFICE NOW!".

#MonMon

***

Show your support to this story by giving VOTE, leaving COMMENT and SHARING this to others. Thank you for your love and generosity! 

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now