♦ FAB: Chapter 51

577 30 2
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Fifty One

=♦=♦=♦=♦=♦=♦



PILIPINAS.



***



HINDI alam ni Mavz kung paano lalapitan si Bonbon. Hindi niya nga alam kung dapat pa niyang tawagin itong Bonbon. Pagkagising na pagkagising ni Mavz kaninang umaga mula sa napakaiksing tulog dahil sa kakapuyat kakaisip simula nung nangyari kagabi, tinanong niya pa ang sarili kung panaginip lang ba iyon. Gusto na parang ayaw niya pa rin maniwala. Kaya isa lang ang sagot para matapos na lahat ng gumugulo sa utak niya – kausapin na si Bonbon o kahit sino pa yun na nasa katawan ng kapatid niya.


Pagkatapos na pagkatapos uli ng kanilang hapunan, tamang tama at si Osmond ang maghuhugas ng plato. Tinuruan siya ni LL na maghugas ng plato dahil napansin ng papa nila na hindi na siya kumikilos sa gawaing bahay. Nasa kusina na si Osmond at inuumpisahan na ang nakatoka niyang gawain ngayon. Kahit nahihirapan siya, masaya naman niyang ginagawa ito.


"O- Osmond.." natigil si Osmond sa paghuhugas ng plato. Hawak pa rin niya ang isang plato na dapat sana'y sasabunin na niya. Dahan-dahan siyang lumingon para tignan kung sino yung tumawag sa kanya. Kailangan niyang malaman kung bakit may tumawag sa pangalan niya. Sa totoong pangalan niya.


At si Mavz nga iyon.


"Did.. did you just call me... Osmond?" paglilinaw ng gulat na si Osmond.


Nakatingin ng diretso si Mavz sa mukha ni Osmond. Walang kakurap-kurap. Saka ito sumagot. "Yes, of course. I just called you Osmond.." marahan siyang nagsasalita. "because.. that is your real name.. because.. that is really... who you are."


Nabagsak ni Osmond ang platong kanina pa niya hawak dahil sa huling narinig kay Mavz. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa nangyaring yun. Agad namang natauhan si Osmond at pinulot sa  sahig isa-isa ang mga pira-pirasong nanggaling sa plato. Mabilis rin siyang tinulungan ni Mavz na nag-alala na baka masaktan ito sa pagdampot sa mga piraso ng platong pwedeng makasugat. Kumuha agad si Mavz ng walis tambo at pandakot at sinabihan si Osmond na siya na ang bahala na gumawa nito.


Napapunta naman si Jack sa kusina nang marinig ang ingay na gawa ng pagkabasag ng plato. "Ate Mavz, anong nangyari?"


"Ano pa, edi nabasag yung plato."


"Ah, okay. Bonbon kasi biglang di na sanay maghugas ng plato..sige balik na ko sa kwarto."


"Di ka babalik ng kwarto." Pigil ni Mavz kay Jack.


"Ha? Bakit??!"


"Ikaw na ang magtuloy ng paghuhugas dito."


"Ayoko nga! Si Bonbon ang nakatoka ngayon e! Tsaka napasilip lang naman ako dahil sa narinig ko ngang ingay."

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now