♦ FAB: Chapter 34

1.6K 72 7
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

Chapter Thirty Four

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=

FLASHBACK.

 

Amerika. 

***

Ilang araw na lang at matatapos na naman ang isang school year para kay Osmond. Nag-aaral siya sa Carson High School. Si Osmond ay isang tahimik at lalampa-lampang estudyante na marami ang nambu-bully.

Isa sa mga bullies niya ay si Liam na kilala bilang student-athlete na magaling sa lahat ng uri ng sports. Kabaligtaran siya ni Osmond na magaling lang sa academics. Pero sa school nila, mas cool para sa mga estudyante ang mas magaling sa sports kesa mas magaling sa academics.

Kapag star player ka ng basketball, football, swimming o hockey, maraming estudyante ang mas bumibilib sa’yo. Mas marami ang natutuwa sa’yo at humahanga. Samantalang pag best in Literature, History, Philosophy o Algebra ka, bukod tanging teachers ang papansin sa’yo at pupuri.

Pero hindi rin naman gusto ni Osmond ang atensyon ng maraming tao kaya kuntento na siya sa sitwasyon niya. Ang gusto niya lang, maging proud sa kanya ang parents niya. Yung parents niya na kulang na kulang lagi ang oras na binibigay sa kanya dahil sa mga trabaho nila. Magkasama sa trabaho ang mga parents niya sa isang Insurance company. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang parehong parents niya ang magtrabaho samantalang mag-isa lang naman siyang anak ng mga ito at hindi naman siya humihingi ng kahit na anong maluhong materyal na bagay mula sa mga ito.

Buong akala ni Osmond, sa pagiging masikap niyang maging isang top student makukuha na rin niya kahit panandaliang atensyon mula sa mga magulang niya. Pero nagkamali siya. Sa halos taon-taon na pag-akyat niya sa stage ng school tuwing recognition day, isang beses lang nakadalo ang mom at dad niya. Late pa. Natanggap na niya ang award. Nakabalik na siya sa upuan niya  nun. Tapos na ang palakpakan.

At nung araw ng recognition niya, tulad ng mas inasahan ni Osmond, hindi na naman nagpakita ni anino ng mga magulang niya.  

Ngunit sa kabila ng hindi pagpansin sa kanya ng parents niya ay hindi pa rin siya napapagod na mag-aral mabuti.

Meron pa siyang isang dahilan: Si Taylor.

Ang kapitbahay niya. Kung saan ang bintana ng kwarto nito ay katapat ng bintana niya. Isang taon na silang magkakilala ni Taylor. Simula nung lumipat pa lang sila Taylor dito sa Carson. Sa bahay na katabi ng bahay nila. Hindi akalain ni Osmond na magiging kaibigan niya si Taylor. Na mapapalapit ng sobra ang loob niya rito. Pakiramdam nga ni Osmond, si Taylor ay isang imaginary friend niya na hindi nakikita ng iba. Siya lang at si Taylor ang nakakaalam ng ugnayan na meron silang dalawa.

Tandang-tanda pa niya ang una nilang pagkikita. Birthday ni Osmond ng araw na yun. Hindi siya binati ng mga magulang niya. Mabuti pa ang anak ng kasambahay nila na si Aling Lisa a na si Lorraine, walang palya sa pag-alala sa kaarawan niya. Tulad ng inaasahan, nakalimutan at siguradong late na naman siyang igi-greet ng mga magulang niya. Malulungkot na sana siya ng tuluyan kung hindi niya lang nun nakilala sa araw na yun si Taylor.

FIL-AM BOYSWhere stories live. Discover now