♦ FAB: Chapter 49

637 29 1
                                    

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦

Chapter Forty Nine

=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦=♦




HINDI malaman ni Mavz ang isasagot sa mensahe na yun. Maraming pumasok sa isip niya. Pinagti-tripan kaya siya ni Bonbon? Bakit kailangang mag-message nito sa kanya sa facebook samantalang pwede naman siya nitong kausapin ng personal. At ang alam niya sa English na ito nakikipag-usap? Naisip rin niya, hindi kaya may gumagamit ng facebook account ng kapatid?


Nag-reply siya sa message na natanggap.


Mabini Dela Cruz: Sino ka? Ano yang pinagsasabi mo? Bakit mo ginagamit ang facebook account ng kapatid ko?"


Wala pang ilang minuto ay nagreply rin ito agad sa kanya.


Bonifacio Dela Cuz: Ate Mavz, sa maniwala ka po o sa hindi, ako to si Bonbon. At yung kasama niyo diyan hindi ako yun. Siya si Osmond Smith. At nasa katawan naman niya ko.


Mabini Dela Cruz: Hahaha! Nakakatawa yan ah. Hoy! Di ko alam kung anong drugs ang ginagamit mo pero sorry wala akong oras sa mga kalokohang yan. At uulitin ko, bakit mo ginagamit ang account ng kapatid ko ha?


Naghintay ulit ng reply si Mavz pero natatagalan na siya kaya nagpasya na siyang tuluyang i-log out ang account pero bago niya tuluyang nagawa ito, natanggap niya muli ang reply ng ka-chat ngayon sa facebook.


Bonifacio Dela Cruz: ATE MAVZ, NUNG GRADE 6 KA AT KINDER PA LANG KAMI NI ALDO, MAY MALAKING LATA NG BISKWIT NA PARA DAPAT SA MGA BISITA PERO KINUHAAN NA NATING MAGKAKAPATID KASI NAGMAKAAWA KAMI SAYO NI ALDO NA GUSTO NAMIN ITO TIKMAN. KAYA BINUKSAN MO. AKALA NATIN HINDI MALALAMAN NI PAPA KASI KAUNTI LANG ANG KINUHA NATIN. PERO NALAMAN PA RIN NIYA, HINDI SIYA NAGALIT AT HINDI NIYA TAYO PINALO. PINAUBOS NIYA SA ATIN ANG LAHAT NG NATITIRANG BISKWIT NG MALAKING LATA BILANG PARUSA. MASYADONG MARAMI YUN. HINDI NATIN KAYA UBUSIN. KAYA NAISIP NAMAN NI KUYA JACK NA IBUHOS SA INIDORO AT I-FLUSH ANG IBA. PERO NATAKOT SI KUYA ZALDY NA BAKA MAGBARA ANG INIDORO, KAYA ANG GINAWA NA LANG NATIN, DINIKDIK NATIN LAHAT NG NATITIRANG BISKWIT AT PINAGLALAGAY SA MGA MARAMING SAPATOS NI PAPA. KINABUKASAN NILANGGAM LAHAT YUN, AT NALAMAN RIN NI PAPA. DUN NIYA TAYO LAHAT PINALO.


Natigil sandali si Mavz sa nabasang iyon. Maraming alaala ang nagbalik sa kanya. Kamuntikan pa siyang mapaluha. At hindi man siya sigurado sa kung anong nangyayari, alam niyang kailangan niyang paniwalaan ang kausap. Isa ito sa mga bagay na hindi malalaman ng ibang tao kundi sila lang na magkakapatid.


Mabini Dela Cruz: Bonbon.. ikaw nga talaga yan..


Bonifacio Dela Cruz: Oo, ate Mavz. Ako nga to.


Mabini Dela Cruz: Kung ikaw nga talaga yan at hindi ikaw ang kasama naming dito tulad ng sinabi mo, nasaan ka ngayon? Paano nangyari ito? Bakit? Kailan pa? Saan?


Bonifacio Dela Cruz: Mahabang kwento, ate. Pero ipapaliwang ko rin sayo lahat. Sa ngayon po, kailangan ko po ng tulong niyo kasi kailangan ko na pong makausap si Osmond. Siya yung nasa katawan ko. Ina-add kop o siya sa facebook pero hindi pa niya ko ina-accept. Ate, kailangan ko po siyang makausap. Para po maintindihan niyo na ang lahat ng nangyayari.

FIL-AM BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon